57 - The Gallery

148 4 0
                                    

Amy’s POV

Kyaaa! Nakikita ko na ang dagat! Ang blue ng tubig at nakikita ko yung mga alon na papalapit sa pampang. Tapos andami pang taong nagpapabilad sa araw.

First time kong pumunta sa ganitong lugar. Hindi ko alam kung maeexcite ba ako o matatakot. Pero sure akong kinakabahan ako ngayon dahil katabi ko lang dito si Sir Anthony sa kanyang kotse na ayon sa kapatid ko ay bonggacious daw.

Hindi kami nag-uusap at awkward talaga yung atmosphere para sa akin. Nakasindi yung radio at naghuhum lang siya sa music. Eh ako, wala akong magawa. Alangan namang makisabay pa ako sa paghuhum niya. Edi totally TO na TO na siya sa akin. Landslide victory noon ako sa bahay nang pagbotohan kung sino ang pinakasintunado sa aming magkakapatid.

Konti lang ang pag-uusap namin. Noong una lang saka kapag kumakain kami kada stop over. Nakuntento na lang sya sa radyo eh ako naman ay nakuntento na lang sa mga nakaw na tingin ko sa kanya.

After supah long hours ay tumigil na din ang kotse. Nang tignan ko kung nasaan kami ay napatunganga na lang ako.

“Ang ganda.” Naibulong ko habang nakatingin sa hotel. Sa harap kasi kami huminto tapos may valet na lumapit para magpark ng ktose at isa pa na kumuha ng mga bags namin.

“It’s great, right? I was here when this place opened. One of my high school friends own it. Halika, let’s go meet him.”

Seriously? Sa friend niya ang place na ito? And speaking of friend…

“Anthony!!!”

At tuluyan ng nalaglag ang panga ko. Inexpect kong (duh?) guy yung friend ni Anthony pero hindi eh. Isang super sexy or supah dupah hot na babae ang sumalubong sa amin. Yung hope ko na makadevelope-an si dream guy ay nareduce na lang to 0.9 percent. Ano pa bang disappointments ang bubulagta sa harap ko ha?

And with matching slow motion effect para ma-capture ang scene ay tumakbo si girl papalapit kay guy at niyakap nila ang isa’t isa na para bang wala ng bukas. Sana nga wala ng bukas. Letse!

“Hey Jasmine! Na-miss kita.” Sinabi ni Anthony nang kumalas na sila sa isa’t isa.

Tapos nagtitigan pa sila ng konti bago nagsimulang magkwentuhan. As in magkwentuhan!!! Like I don’t even exist in this world anymore.

 “Haaays… hindi daw makakapunta sina Luke at Rin kasi ngayon na-schedule yung treatment nila sa Mayo Clinic. Oh god, sana makalakad na si Rin. Ilang experimental treatment at therapy na din ang sinubukan nila.“

“Well, Rin deserves to walk again pero even if she’s not destined to be, they will always be happy together. I came here for work anyway. San si LJ?”

Now kung anu-anong pangalan na lang ang naririnig kong sumusulpot sa usapan nila at hindi pa rin ako naipapakilala ng aking dakilang boss.

“Ayun, nagcamping. Kaya it’s just the two of us.”

“If I get lucky. Try kong i-extend ang stay ko dito kung papayagan ako ni boss.”

“Good luck then.”

Alam niyo yung awkward feeling na hindi niyo na alam yung sasabihin sa isa’t isa? Lakas kasi ng aura nila eh, feel na feel ko din.

“Mm…” at slowly, tumingin sa akin si Sir Anthony. “Uhh, Jasmine this is my secretary, Amy. Amy, this is Jasmine Miramonte, the owner of Wilson Hotel and Restaurant.”

(A/N: Sinong Jamine? Sino na naman siya? Like niyong ma-knows guys? Read The Story of Lester Complete pero bago yun eh syempre Si Miss Clumsy Complete muna kasi side story lang ang The Story of Lester. Haha, maka-plug lang eh. Makikita niyo din kung paano magkaka-connect halos lahat ng stories ko at mga future stories ko.)

Ang Pinakapoging Lalake sa Balat ng LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon