54 - The Break-up Operation

175 4 0
                                    

Hi guys! Baka gusto niyo rin pong basahin yung isa ko pang kwento na pinamagatang "Ang Girlfriend Kong Rakizta." Share lungs! XD

________________________________

Amy’s POV

Dumaan ako sa three hours ng impyerno sa ilalim ng mga sadistang taong ito na kung anu-ano ang ginagawa sa mukha ko. At ang nakakatakot… hindi pa sila tapos!

Kyaaa!!!

Tinignan ko si Miss Natasha na nakaupo lang sa reception at nagbabasa ng magazine. Panglimang magazine na niya yata iyon. Sana bigyan ako ng pay rise ni Ma’am Mikayla pagkatapos nito. Hindi biro ang pinagdadaanan ko ngayon.

Hindi biro ang sakit na naramdaman ko habang inaalis nila ang karamihan ng buhok sa kilay ko at lahat ng parte ng katawan ko. Pwera lang yung buhok ko siyempre na super smooth, super soft, super shiny, at super iksi na! Kailangang ko talaga magdemand ng pay rise.

Isa pang oras at itinigil na nila ang pagmumutilate sa katawan ko.

Tinitigan ako ni Miss Natasha mula ulo hanggang paa at nakita ko ang isang malaking ngiti na nagform sa labi niya.

“Ang ganda mo!” Sinabi niya sa akin.

First time yan sabihin sa akin ng iba at parang gusto kong maniwala.

“Hmm… parang hindi ka naniniwala.”

Hinila ulit niya ako at nandito na kami sa harap ng isang wall na puro salamin. Oh my gosh… ako nga ba talaga yan?

Parang mas sopistikada na akong tignan. Parang maganda na akong tignan. Mukha na nga akong tao eh. Pero bakit ang iksi iksi ng buhok ko? Hindi ba nila kaya na hindi tinatapyasan ng anim na pulgada ang buhok ko?!

Para akong namatayan. Huhuhuhu…

Tumingin ulit ako sa salamin. Bakit ako nakangiti? Bakit ang saya saya ko?

“Hmm… tara naman magshopping. Dapat si Mika ang kasama mo eh, hindi ako. Mas magaling siya pumili.” Sinabi niya sa akin.

Hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit ang gaan gaan ng loob ko kay Miss Natasha. Ang saya saya kasi niyang tignan tapos ang bait pa ng pananalita niya sa akin. Paano kaya niya naging bestfriend ang boss ko? Haha. Kiyaaa!! Ang bad bad ko talaga.

Hinila niya ako papunta sa iba’t ibang store kung saan para akong barbie doll na basta basta na lang pinagsusukat ng mga damit. Nalibot na siguro namin ang buong mall. Gutom na gutom na ako at pagtingin ko sa labas ay madilim na.

“Hmmm… san pa kaya tayo pupunta?” Sinabi bigla ni Miss Natasha.

Kyaaa!! Hindi ko na pa kaya!! Tinignan ko yung kawawa kong paa kung saan kulay red na ang mga toe nails ko.Napahawak din ako sa tyan ko na kanina pa nagrereklamo.

“Aha! Di pa pala tayo kumain. Hihi. Tara kumain.”

Hinila ulit niya ako pero ngayon ay approve na approve ako sa choice niya ngayon.

“What would you like to order mesdames?” Tanong nung waiter.

Halos malaglag panga ko nang makita ko yung menu. Alien language ba ‘to? Wala akong maintindihan eh. Halos lumuwa ang mata ko nang makita ko yung mga price na katapat ng pagkain.

“I’ll have the lemon soup, shrimp fra daviolo, tuna and celery salad,  and italian almond paste cookies for dessert.” Walang patawad na sinabi ni Miss Natasha dun sa waiter.

“Good choice ma’am.”

 “I’ll have whatever she ordered.” Nahihiya kong sinabi.

Buti na lang ay ngumiti din yung waiter. “I’ll be back with your orders in about fifteen to twenty minutes.”

Ang Pinakapoging Lalake sa Balat ng LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon