31 - Anthony...

351 18 1
                                    

Mika’s POV

BLAG!

Ibinato ko yung lunch na niluto ko para sana kay Nikee. How dare he? May papromise promise pa siya! Anlakas manlandi ha? Ano tingin niya sa sarili niya, gwapo?! Ambisyong ogre!

Next time, hindi na ako magpapaniwala sa kanya. Give him a chance? Mukha niya!

Ogre. Ugly ogre. Monster ogre. Hmp, redundant ba yun? Oh well, I don’t care.

Diretso sa office na ako pagkagaling ko ng office niya. Tumawag pa si Tasha. Buti na lang there’s someone out there who really cares for me.

Kailangan kong ibabad ang sarili ko sa work ngayon. Kailangan kong i-burn tong furious energy ko.

“Mika, wait!” Hmmm? Si Anthony at tumatakbo siya papunta sa akin then naalala ko. Nasa elevator nga pala ako. Isinangga ko yung kamay ko sa pintuan at hindi na natuloy sa pagsara.

“Thanks!” sabi niya ulit. Nandito na siya ngayon sa tabi ko.

Matagal na kaming hindi nagkausap nitong si Anthony pero strangely, I don’t miss him at all.

“Hey.” Bati ko.

“Hi. Long time, no talk?”

“Umm… well, you know. Mahirap maging working mom so I’ve been busy.”

“Really. I see.”

Ang awkward ng atmosphere. Dalawa lang kaming nandito sa elevator eh.

TING.

At last, nandito na din ako sa 10th floor pero shocks nga lang kasi pareho kaming dito ang punta.

“Hatid na kita sa office mo.”

“No need.”

“I insist.”

“I said NO!” Amp, napataas na naman ang boses ko. Mukhang nabigla si Anthony. Lecheng Nikee naman kasi yun o, bad mood tuloy ako.

“Something wrong Mika? I can help.”

“Thanks but no thanks Anthony, you can’t. I need to be alone.”

Anthony’s POV

Hinayaan ko na lang siya maglakad papunta sa office niyang mag-isa. Once again, lumalayo na naman siya sa akin. And it hurts. A lot.

Oh well, may kailangan pa akong tapusing work.

Work work work work work…

POTEK! Hindi ako makapag-concentrate! Umalis ako ng office at pumunta sa pinakamalapit na convenient store. Kumuha ako ng Hershey’s Milk Chocolate at bumalik na sa office.

Pero hindi ako sa office ko dumiretso. Dun ako kay Miko pumunta.

Kumatok ako sa pinto.

KNOCK KNOCK.

“WHAT AMY?!” sigaw ni Mika mula sa loob.

“Hey Mika, ako to. Si Anthony.”

“Anthony, I’m not in the mood.”

“Please… may ibibigay lang ako.”

“Come in.”

Nakaupo lang si Mika sa chair niya at nakatingin sa glass window. Maganda ang view mula sa office niya dahil ang katapat nito ay ang park lang sa kabilang banda.

“What do you want Anthony?” masungit niyang tanong.

“I just came to give you this.” Tapos inilagay ko na yung chocolate sa ibabaw ng desk niya. “I hope it makes you feel better.”

Ang Pinakapoging Lalake sa Balat ng LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon