56 - Interview With A Kid

151 5 4
                                    

Anthony’s POV

I still don’t know kung bakit binigyan ako ng secretary ni Mika. If she thinks na maiinlove ako sa sekretaryang ito ay nagkakamali siya.

Umagang umaga ay pinapainit ang ulo ko. Paano naman kasi, sobrang clumsy niya. Kung hindi siya madadapa, ay makakatabig nang mga kung ano sa paligid niya at pinakanakakaasar ay kanina lang. Tama nga yung kinuha niyang kape ngayon pero instead na mainom ko ay nasabit ang paa niya sa table at natapon sa suit ko. Buti na lang pala ay meron akong extra.

 “Sorry sir. Sorry sir. Sorry po talaga.” Mukhang maiiyak na siya kanina kaya hinayaan ko na lang.

“Just… just go back to work Amy.”

Mabilis namang natapos ang araw.

“Umm… sir…” sinabi ni Amy bago ako umuwi.

“Yes?”

Nauubos na ang pasensya ko. Tatayo lang ba siya jan sa harap ko ngayon? After many long years ay umiling siya at mabilis na naglakad palayo.

What the heck is wrong with that girl? Umiling na lang ako at umuwi na.

The next day, ganun na naman ang pangyayari. Feeling komay gusto talagang itanong sa akin si Amy. Naiirita lang ako na hindi niya masabi kung anuman yun kaya di ko mapigilan ang sarili ko na tawagin siya.

“S-sir?”

“Is there something you want to tell me?”

Napatingin siya, lumunok, tapos dahan dahang umiling. Sabi na nga ba meron eh.

“Wala ba talaga? I really feel na meron eh.”

“N-nakakahiya po kasi.”

“Come on. Just tell me.”

“Kasi po yung kapatid ko. May project sa Economy class nila na mag-iinterview po sila at… kayo po sana yung gusto nilang mainterview”

Hmm… economy class? Interview? Sounds interesting. Pero not worth my time. Really, masasayang lang ang oras ko. Instead na makakapagpahinga ako ng weekends eh magagambala pa ako ng mga high school.

“Uh. Sure. Tell your sister na I’m available on Saturday, 2-4 pm sa place ko.”

Ha? Pero bakit ako pumayag? Para may magawa akong productive sa weekends. Sus.

“Ano naman po ang favorite food niyo?” Tanong ni Amanda Castro, kapatid ni Amy.

“Uh, can I ask how that question will fit in with your report?”

“Warm up questions lang po. Medyo kinakabahan din po kasi ako.”

Kahit sinabi niyang kinakabahan siya eh hindi ko makita sa mukha niya ang kaba. Buti pa ito, confident na confident. Kapatid talaga ito ni Amy ha?

“Well… I have to say… chicken curry. Talaga po? Pati si ate Amy.” Kita sa mukha niya ang surpresa. “Next question… favorite color? Favorite drink? Favorite place in the world?”

Parang yung mga autograph lang nung high school ang sinasagutan ko.

“Wow. Biography ko ba o report para sa Economics ito? Haha. My favorite color is green, my favorite place in the world is Italy for the architecture. Favorite drink? It depends on the time of the day and the circumstances. In the morning, I prefer a mocha frappuccino; lunch (lalo kapag mainit), an ice cold lemonade and when I’m stressed, I would die to have a sip of Bronx.”

“Bronx? Ano po yun? Hindi ba place din yun?”

“Haha. It’s a cocktail drink. I’d teach you how to make one kapag 21 ka na.”

Ang Pinakapoging Lalake sa Balat ng LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon