21 - Under the Night Sky

426 22 12
                                    

Si Pretty Tasha po yung nanjan sa right side under Multimedia :)

 ________________________________

Tasha’s POV

Oh my God, oh my God, oh my God! Sobrang late na ako ng gising! Ngayon ko lang nalaman na nanganak na pala si Besty. Tangek tangek ko kasi. Tinamad akong basahin yung mga text messages sa phone ko. Huhuhuhu…

I need to see my future inaanak na. Binilisan ko na nga ang pagligo eyyy.

Binilisan ko na ang pagdadrive ko kahit nag-exceed na ng speed limit. Patakbo na din ako papunta sa room ni besty.

At dahil super tagal nung elevator… dun na lang ako sa stairs.

Second floor… (breathe in breathe out)

Third floor… (Hingal konti)

Fourth floor…

Umupo na muna ako sandali sa steps para magrest at di magmukhang sobrang haggard. Gusto ko rin naman na pretty ako sa first time na pagkikita namin ng baby namin nila besty. Hihi.

Nang tingin ko ay okay na ako, tumayo na ako. Binilisan ko ulit ang paglalakad. Liliko na sana ako nang bigla na lang akong nag-fffllllyyyy…

TOOGSH.

“Ouch.” Nakaupo na ako sa floor.

“Tasha? S-sorry. Okay ka lang?”

Iniabot niya yung kamay niyang tinanggap ko. Amp. Chaket ng pwet ko.

“Am okay. San si Besty?”

“Dun. Excuse me.”

Akmang aalis na siya.

“Wait. Bat aalis ka? Kapapanganak lang ni besty ah? Work na naman ba yan?”

Nang nakatayo na ako ng mabuti at napagpag ko na ang pants ko, tinignan ko siya ng mabuti at may something. Nakita ko yung hurt expression niya sa mukha.

Hinawakan ko yung pisngi niya.

“What happened?”

“Wa-” Tapos huminga siya ng malalim. “Okay lang ako pangako. Kailangan ko lang talaga magpahangin.”

May kasama ba si Besty dun?”

“Yup. Anthony.”

Oh. So that’s why ganun na lang ang hitsura ni Nikee. Hindi ko na tuloy alam kung anong gagawin ko. I-comfort ang asawa ng bestfriend ko o tignan ang inaanak ko? Arggghhh… Life is sooooooo nakakalito!

Hindi ko alam kung bakit and wag niyo akong tatanungin pero basta hinawakan ko na lang yung kamay niya at itinakbo siya palabas ng hospital.

“Tasha?”

“Shut up! Just come with me!”

And this time… nag-elevator na ako.

I feel silly pero feeling ko kailangan kong gawin ito para sa ikagaganda ng relationship nilang mag-asawa, para mas maintindihan ni Nikee si besty. Nagdrive na lang ako ng nagdrive ng walang pag-eexplain kay Nikee na hindi na rin nagsasalita.

Tinignan ko ang oras, malapit ng mag-nine pm. Perfect.

Pagkatapos ng mga forty minutes na pagdadrive ay nakarating na din kami. Ang homey talaga ng dating ng lugar na ito para sa akin. This is the place of many firsts para sa akin. First love. First kiss. The place where I first met Mika.

Ang Pinakapoging Lalake sa Balat ng LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon