Chapter 15 : String of Slaughter

60.8K 2.1K 501
                                    

15.

String of Slaughter

Third Person's Point of View

Dali-daling nagsibabaaan mula sa kotse ang alalang-alalang sina Curt, Milo, James, Ria at Robbie lalo na nang makita nila ang mga pulis at ambulansyang nakapaligid sa kinaroroonan nila Erin at Kitty.

“Kitty!” Sigaw ni Milo at agad na napayakap ng mahigpit sa kasintahan na hindi parin tumatahan at hanggang ngayo’y takot na takot parin.

“Kitty okay ka lang? Nasaktan ka ba?” Natatarantang tanong ni Milo habang kinikilatis ang mga braso nito kung nasugatan ba.

“Erin anong nangyari?” Tanong naman ni Curt at agad na hinubad ang jacket at ipinasuot ito kay Erin.

“Wala na si Sabrina.” Mahinang sambit ni Erin na umiiyak parin habang nakatingin sa kawalan.

“Oh my God! Pinakaba mo ako, I’m glad you’re okay!” Mangiyak-ngiyak na sambit naman ni Ria at agad na niyakap ng mahigpit si Erin.

“Erin anong nangyari?” Walang emosyong tanong ni Robbie na mistulang hindi mapalagay.

Hindi alam ni Erin kung ano ang sasabihin, ni hindi niya magawang tingnan si Robbie sa mga mata kaya iniyuko na lamang niya ang ulo at napatitig sa sahig.

Lumapit ang dalawang pulis sa kinaroroonan nila kaya bahagya silang umatras.

“Ms. Eusebio, Ms. Torres, kailangan namin ng pahayag niyo tungkol sa nangyari para sa imbestigasyon.” Sabi ng isa sa mga ito kaya muling nagkatinginan sina Erin at Kitty.

“He chased us…” Mahinang sambit ni Kitty na hindi parin lubos makapaniwala sa nangyari.

“Sino?” Tanong ni Robbie kaya napahawak na lamang si Erin sa suot na dogtag.

“N-akasuot siya ng itim at isang maskara—Maskara ng demonyo.” Nauutal at nagdadalawang isip na sambit ni Erin kaya tuluyang natahimik ang lahat sa gulat.

“Hindi…” Mahinang sambit ni Robbie at dahan-dahang napaatras habang hawak ang sentido, “Hindi! Patay na si Dixon! Pinatay na namin si Dixon!” Tuluyan nitong sigaw na siyang ikinagulat ng lahat.

“Kuya, kuya patay na si Dixon! For sure copycat killer lang ‘to!” Giit ni Ria habang pilit pinapakalma ang kapatid.

“Anong nangyari matapos kayong habulin ng salarin?” Muling tanong ng pulis kaya agad pinunasan ni Erin ang luha sa pisngi.

“Nagkahiwalay kami ni Sabrina. Nauna kami sa parking lot, the killer got her. Natakot kami, we ran as fast as we could and that’s when dumating si Hiro para tulungan kami kaso pagbalik namin—” Hindi na naipagpatuloy pa ni Erin ang sinasabi dahil sa bigat ng nararamdaman kaya agad siyang nilapitan ni Curt at niyakap.

“Hijo anong nangyari?” Tanong naman ng mga pulis kay Hiro na nakatayo lamang sa isang tabi at kanina pa tahimik.

“Nang dumaan ako dito bigla nila akong pinahinto. Takot na takot sila at sabi nila may humahabol daw sa kanila kaya agad akong tumawag ng pulis at campus security.” Walang emosyong paliwanag ni Hiro.

Habang abala sa pag-uusap ang lahat ay nakita ni James na kasalukuyang inilalabas ang bangkay ni Sabrina na sakay sa isang stretcher kaya naisipan niya itong lapitan.

Sa di malamang dahilan ay dahan-dahan niyang ibinaba ang kulay itim na telang nakatakip dito at tuluyan siyang nasuka nang makita ang Mukha ni Sabrina na ngayon halos hindi na mahitsura.

Slaughter High 2 : Terror Never DiesWhere stories live. Discover now