Chapter 50: Ninth day.

2.8K 91 31
                                    


I wake up early, ngayon kasi yung libing ni Zeus at dapat nanduon ako. I wear my black dress, naks lakas talaga maka-TFIOS. Habang pinag mamasdan ko ang sarili ko sa salamin nakita ko yung box at gitara ni Zeus. May isang love letter na lang. Kinuha ko yung nag iisang love letter sa box at bubuksan na sana ng biglang may kumatok.

"Sweetie? Tara na, mali-late tayo sa mass." Daddy announced. Tumayo na ako at binuksan yung pinto. "You look gorgeous."

"Thanks, Dad." Humawak na ako sa braso ni Daddy at nag lakad na kami. Pagka-baba namin sa salas kumpleto na sila at ako na lang ang hinihintay.

Dumiretso na kami sa simbahan kung saan nag hihintay si Mommy Rhea. Naiiyak na naman ako, naramdaman ko na may humawak sa kamay ko kaya napalingon ako.

"You can do it." Bulong niya at ngumiti lang ako sa kanya. Kahit papaano ay tinutulungan din ako ng mokong na 'to, pinapagaan niya yung loob ko at tinitigilan niya yung pang aasar sakin.

Bumaba na kami ng makarating kami sa tapat ng simbahan. Sinalubong kami ni Mommy Rhea at halata sa mga mata niya na kanina pa siya umiiyak. Umupo kami sa unahang upuan dahil kami yung namatayan.

Natapos ang mass at naka-survive ako sa pag iyak, lahat kasi sila nag iyakan at ako lang ang hindi pinatakan ng luha. Nire-reserve ko kasi para sa pag tatapon ng abo niya sa tabing dagat.

Nakarating na kami sa isang kwarto kung saan susunugin yung bangkay ni Zeus. Nag hintay din kami ng matagal bago namin nakuha yung abo niya.

Lahat kami nasa tabing dagat na, at hindi ko na mapigilang umiyak. Habang hawak ko yung lalagyanan kung saan nandun yung abo ni Zeus, nangangatog yung mga kamay ko.

"Sige, Ate hintayin ka na lang namin sa taas." Umalis na sila Percy at ako na lang ang naiwan sa tabing dagat. Umupo ako at hinayaang mabasa yung paa ko ng tubig.

"Ito na yung huling araw na magkakasama tayo, Zeus. The rest of the days, ako na lang mag isa." I expelled a heavy breath before I continued. "Ngayon, natatanggap ko na. Masakit at hanggang ngayon nasasaktan pa din ako. Pero Zeus, alam ko naman na araw araw mo kaming gagabayan ng kambal."

"Siguro nga, ngayon ay hindi tayo yung para sa isa't isa. Siguro, sa susunod na buhay tayo ulit yung magka-katuluyan. Mangako ka sakin Zeus na hihintayin mo ako, kasi ako hihintayin ko yung oras na yun." Pinunasan ko yung luha ko at kukunin ko sana yung panyo ko ng makita ko yung Love letter. Kinuha ko ito at binuklat.

Dylan Hera Alonzo-Alvarez,

  Alam mo ba yung pinag usapan namin ni Daddy D nung araw na itinakas kita? Ang sabi niya pag hiniwalayan daw kita hindi na daw kita pwedeng balikan.
   Hindi ako natakot nun, Princess kasi wala akong balak hiwalayan ka. Ang sabi din ni Daddy mag ipon na daw ako ng pang-kasal nating dalawa para daw hindi ko matakasan yung mga responsibilidad ko sa'yo.
   Pero that time naisip ko din paano kung mamatay ako? Paano na yung prinsesa ko? Araw araw kitang binibigyan ng love letter para maalala mo ako. Pag namatay ako, gusto ko mag mahal ka ng iba. Gusto ko yung aalagaan ka at hindi ka sasaktan. Pero Hera, hihintayin kita sa langit, hihintayin ko yung oras na tayong dalawa yung tatanda ng magka-sama at sabay na mamamatay.
    Ang drama ko hindi pa naman ako mamamatay. Basta, ngayon na nabubuhay ako ipaparamdam ko sa'yo segu-segundo ang pag mamahal ko. I love you, Mrs. Always Perfect.

Love,
Mr. Perfect.

Pinunasan ko yung mga luha ko at tumayo. Binuksan ko yung lalagyanan ng abo ni Zeus at hinawakan ito. "I love you to infinity and beyond." Sabi naming dalawa, yun yung sasabihin namin sa isa't isa pag namatay na kami dahil sa katandaan. Pero ngayon na hindi namin yun matutupad, sasabihin ko na.

Isinaboy ko ng dahan dahan yung abo ni Zeus sa tabing dagat habang umiiyak. Wala na siya.. "Rest in peace, My Twinkle Star." Ngumiti ako bago tuluyang mag lakad papalayo sa dagat.


Umuwi kami ng bahay at parang walang gustong mag salita. Parang kapag may nag salita babarilin at papatayin.

"Miss Hera, may nag padala po sa inyo nito. Galing daw po kay Celine Lamoreoux." Sabi ng isa sa mga katulong namin. Binigay niya ang isang CD na nasa lalagyanan pa.

"Sige po, salamat." Sabi ko bago pumunta sa salas para panuorin ito. The whole family gathered together at pinanuod namin yung laman ng CD na yun.

Nag play yung kanta Ikaw ni Yeng Constantino, simula ng video. Dahan dahan ipinalabas yung mga pictures simula ng haters pa kami turned into lovers. Hindi ko napigilang umiyak kasi na-miss ko talaga yung sweet moments naming dalawa, pati yung asaran at kulitan namin hindi nawala sa video na yun.

Habang pinapanuod namin yun, hindi din nila napigilang umiyak. Dala na rin siguro nang kanta, nakaka-dala kasi ng emosyon yung kanta sinabayan pa ng mga pictures sa screen. Natapos yung video at akala ko tapos na talaga, bigla akong natakot kasi lumabas yung mukha ni Cece.

"Hera.. Sorry sa mga nagawa ko sa'yo, sana natuwa ka sa regalo ko sa'yo. Hera, may sasabihin ako sa'yo sikreto lang.. Buhay pa siya.."

The end..

Ms. Bitter meets Mr. BabaeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon