Chapter 5: Campus Flirt & Campus Snobber

3.7K 139 5
                                    

~ Campus Flirt. (Dominic Aphrodite Alonzo)

Akalain mo yun nasama pa ako sa story ng ate ko'ng bitter. Well role ko ay lumandi at syempre mag hubad. I-expect niyo na yung mga ganyang moment.

"Chems, tignan mo yan si Campus Snobber, pogi sana yan eh snobber nga lang tss." Sabi ni Lucy, napatingin naman ako sa lalaking may salamin at nag babasa. "Kaya 'yan ng landi mo chems!"

"Ha! Ako pa? Dyosang tulad ko i-snob niya?" Pagmamalaki ko'ng sabi sa kanya. May kaibigan kaya to'ng lalaking 'to? Parang napaka-seryoso e.

"Balita ko wala ya'ng naging girlfriend, maski si Lou na napaka-ganda tinalikuran." Tumingin naman siya sa'kin. "Gamitan mo nga ng charms mo."

Inayos ko naman yung bra ko at tinaas taas ko ng konti saka, nag face powder at nag lipstick ng konti. Oo allowed akong mag make up gawa ng ate ko. Nag lakad ako ng naka chin up at may poise. Dapat lakad diyosa. Umupo ako sa tabi niya at nag dekwatro.

"Hi!" Nag wave pa ako pero hindi siya nag abala na tumingin sakin. Helloo? Pansinin mo beauty ko. "Hello, ang sungit mo naman."

Imbis na tumingin sakin tumayo lang at naglakad paalis, The nerve of this guy! Never akong na-reject ng isang lalaki noh. Tumayo din ako, Nakaka-imbyerna 'to.

"Hoy! Kinakausap kita, di mo ba 'ko kilala?" Tumingin naman sakin saka tumawa. Nakakaloko to'ng lalaki na 'to.

"Exactly, di kita kinakausap kasi di kita kilala. And by the way, Im not interested to you so stop flirting." Tumalikod na siya at umalis. Habang ako nga-nga.

"Ang arte mo kala mo pogi ka! Pakshet!" Nag-crossed arms ako habang nangagalaiti dito sa galit. Kala mo susuko ako ng ganun ganun lang? Never in your wildest dreams.

"Boom puneth, wala laos na ang beauty ni Goddess Aphrodite." Pang iinis ni Lucy, napaka-supportive mo'ng malandi ka.

"I will make him pay for what he did to me." Naglakad na ako papunta sa Parking lot para hanapin yung kotse ng ate ko.

Nakita ko naman siya na pumasok kaya pumasok na din ako. Walang nagsasalita samin, Badtrip din ata ang lola niyo.

"WAAAAAAAH!" Sigaw naming dalawa sa sobrang inis, napatingin naman samin si Manong Ben.

Humanda ka, maaakit ka din ng ganda ko.

~ Campus Snobber (Percy Poseidon Montgomery)

"Ang arte mo kala mo pogi ka! Pakshet!" Sigaw niya, patuloy lang akong naglakad papunta sa parking lot at sumakay sa kotse.

Siya na kaya ang magiging katapat ng isang poging tulad ko? We'll see. I maneuvered the car palabas ng parking lot.

Mga ilang minuto din bago ako nakadating sa bahay namin. Sigurado akong nakauwi na si kuya at si Daddy dahil naka-park na yung kotse nila.

"Hi mommy!" Hinalikan ko si mommy sa cheeks niya saka siya niyakap. "Akyat po muna ako sa taas."

"Bilisan mo, ipaghahanda na kita ng hapunan." Ngumiti ako saka umakyat sa taas, di pa ako nakakarating sa kwarto ko puro ungol na ng babae ang naririnig ko.

Kanino pa ba? Edi sa Leading Man ng story na 'to, si Mr. Babaero, kabaligtaran niya naman ako, ako ang pinaka-snobber ng school namin kaya binansagan nila akong Campus Snobber.

Nilagpasan ko na lang yung kwarto na yun at pumasok na sa kwarto ko. Nag bihis ako saka bumaba sa dining room para kumain.

Umupo na ako sa isang upuan at nag dasal bago kumain. "Asan si dad, mom?" tanong ko kay mommy na nag sisimula na ding kumain. Well, kaming dalawa lang ang kumain.

"Nasa office niya, gagawa daw kasi siya ng reports niya para bukas." uminom ako ng tubig at tumingin kay mom. "Poseidon, bakit anak?"

"Nothing, mom." Tinapos ko na yung pagkain ko saka pumunta sa kwarto ko para gumawa ng assignments.

Binuksan ko yung laptop ko sa desk saka nag bukas ng FB nakita ko naman agad ang dagsa dagsang mga notification, messages at friend requests. Pero pagka-bukas ng friend request may naka pukaw agad ng atensyon ko.

Dominic Aphrodite Alonzo
Accept            Decline

Trying hard talaga siya ah, sinungitan ko na nga siya kanina ayaw niya pa'ng tumigil. In-accept ko na lang baka sakaling tigilan na ako nito.

She's interested.

Pa-echos ng Author:

Hello there, kamusta ang first five chapters? Well, commercial lang to'ng kanila Aphrodite, nakaka-umay kasi ang pagiging mainitin ng ulo ni Hera eh.

Bibilisan ko ang pag-uupdate guys.

Basta tandaan, Keep Calm and Love MBMMB♥

-InahBauds.<3

Ms. Bitter meets Mr. BabaeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon