Chapter 25: Ms. Bitter

2.6K 85 2
                                    

"Adik sa 'yo, awit sa akin

Nilang sawa na sa aking mga kuwentong marathon" May narinig akong nag gigitara at kumakanta. Pusa! Aga aga ng bubulabog!

"Tungkol sa 'yo at sa ligayang Iyong hatid sa aking buhay

Tuloy ang bida sa isipan ko'y ikaw" Patuloy pa din yung kanta at pag gitara. Nainis na talaga ako at bumangon, pag tingin ko sa kama ko puro roses. Who did this romantic shit? May nakita akong naka talikod sa balcony ko.

"Sa umaga't sa gabi Sa bawa't minutong lumilipas

Hinahanap-hanap kita Hinahanap-hanap kita" Dala yung gitara lumapit siya sakin. Gusto ko'ng mag wala dahil inistorbo niya yung tulog ko. Pero nung makita ko siya, feeling ko binalot ako sa isang candy wrapper. Kilig na kilig ako.

"Are you an interior decorator?" Tanong niya sakin, mukhang alam ko na 'to.

"Why?"

"Because when I saw you, the entire room became beautiful." Kumindat pa siya, na-feel ko naman agad yung pagpapakilig niya kaya namula nanaman ako ng bongga.

"Anong pak--" Di niya ako pinatapos at nilagay niya lang yung daliri niya sa labi ko.

Ang pormal ngayon ni Zeus, naka suit and tie pa siya tapos--basta di ko ma-explain yung ka-gwapuhan niya. Feeling ko ikakasal na ako e.

"Sa isip at panaginip bawa't pagpihit ng tadhana

Hinahanap-hanap kita

Sabik sa 'yo kahit maghapon na tayong magkasama parang telesine

Ang ating ending hatid sa bahay n'yo Sabay goodnight, sabay may kiss Sabay bye-bye, Oh

Sa umaga't sa gabi Sa bawa't minutong lumilipas

Hinahanap-hanap kita Hinahanap-hanap kita

Sa isip at panaginip Bawa't pagpihit ng tadhana Hinahanap-hanap kita

Sa school, sa flag ceremony Hanggang uwian araw-araw Hinahanap-hanap kita Hinahanap-hanap kita

At kahit na magka-anak kayo't Magkatuluyan balang araw

Hahanap-hanapin ka Hahanap-hanapin ka.." Huminto siya sa pag strum ng gitara at umupo sa tabi ko. "Happy 1st monthsarry, princess. Sorry kung naisorbo ko yung tulog mo. Excited kasi akong makita ka."

"Grabe! Di ko ma-reach ya'ng ka-sweetnessan mo. Thank you for the effort, pero teka lang? San ka dumaan? Naka-lock yung pinto ko e." Hinawakan niya naman yung magkabila ko'ng pisngi at tumingin sa balcony, edi--what? "Um--"

"Oo, I will do everything makita ka lang." Hinalikan niya ako sa noo, di ko mapigilang kiligin. "Kain kana ng breakfast at madami pa tayong pupuntahan."

"Parang i-to-tour mo 'ko all over the world ah." Sinubuan niya naman ako ng kanin at itlog. "Ako na."

"Ako na lang, para sweet." Saka niya ulit ako sinubuan. Nag tataka pa din ako sa mga nangyayari pero mas gusto ko'ng kiligin at maging masaya total birthday ko naman.

Di ko pa nasasabi sa kanya na birthday ko. Ayoko kasi ng gagastusan ng pera yung birthday ko, mas gusto ko pa'ng matulog.

Matapos ang ka-sweetan naming dalawa naligo na ako at sinuot yung couple shirt na binigay niya. Nag palit na din siguro siya, kasi sabi niya mag couple shirt daw kami.

White t-shirt siya na ang design eh I love my Queen at yung akin I love my King. Pero yung king and queen, korona yung naka-design hindi yung mismong word.

Ms. Bitter meets Mr. BabaeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon