Chapter 22: Ms. Bitter

2.7K 86 3
                                    

Sabado ngayon, at wow ang bilis ng araw. November na agad? Na-miss ko tuloy bigla si Mommy. Bumaba na ako at nakita ko naman sila daddy na nasa sala at nanunuod ng TV.

"Dad, bibisitahin ko muna yung puntod ni Mommy. Tagal ko na din kasing di yun napupuntahan e."

"Sige, mag-ingat ka sweetie." Lumabas na ako ng bahay at dahan dahang pumunta sa garahe para kunin yung Honda civic.

Kinuha ko yung susi at pumasok na sa loob para mag drive. Naka-labas na ako ng gate ng hindi napansin ni daddy na ako ang may drive ng kotse. Hooohoooo! Dumaan muna ako sa Rose flower shop at bumili ng paboritong bulaklak ni mommy. Pagkatapos bumili ako ng pagkain bago pumunta sa Memorial park.

Naglakad na ako papunta sa puntod ni mommy, pansin ko naman na madami ng dumi kaya nilinis ko muna.

"Mommy, sorry kung ngayon lang ako naka punta ha?" Pinunasan ko yung lapida ni mommy gamit yung basahang dala ko saka nilatag yung telang pag uupuan ko. "Yan myy ang pretty pretty mo na ulit."

Habang kinakausap ko si mommy pansin ko naman na parang may nakatingin sakin, hinanap ko naman kung nasan. Wag tanga Hera, madaming tao ngayon. Ganyan talaga pag pretty, center of attraction.

"Myy alam mo ba, may boyfriend na ako. Hihihi, pogi, macho, mabait, at magalang. Tinakas niya nga ako kay daddy e." Pagkwento ko kay mommy habang kumakain ng marshmallow. "Myy, hindi na din ako bitter. Slight na lang po, balak ko na nga po'ng baguhin yung title ng story ko e."

"Hera?" Nagulat naman ako sa nag salita kaya napatingala ako upang tignan kung sino yun.

"Zeus? Anong ginagawa mo dito?" Tumabi siya sa akin at kumuha ng marshmallow saka ito kinain.

"Kanina pa ako nandito, binisita ko si daddy. Ayun yung puntod niya oh." Tinuro niya naman yung katabi ng puntod ni mommy. Edi narinig niya lahat ng sinabi ko? "Hi mommy, ako 'to si Harvard Zeus Alvarez. Yung magiging son-in-law niyo."

"Ang pogi mo naman." May narinig kaming nag salita, kala nga namin si mommy e.

"Ikaw yun?" Tanong niya sakin. Pang babae kasi yung boses.

"Hindi ah. Lagot ka!" Pananakot ko sa kanya. "Kanina pa kaya kita, kinu-kwento kay mommy."

"Ang bait mo nga daw e." May nagsalita ulit. Nakaka-gulat kasi sabi ko kay mommy mabait siya.

"Nakakatakot naman dito." I murmured. Nagulat naman ako ng may tumulong tubig galing sa itaas. Saka ko lang nakita na may nag-de-date pala. "Punyemers! Extra pa more!"

"Hehehe, sorry po Ms. Bitter. Kala ko nasa Strawberry lane kami nitong boyfriend ko." Nag peace sign pa ang loka. Bumaba na din sila at nagpaalam.

"Hitsura nito," Bulong ko.

"Mga kabataan talaga nakuha pa'ng dating place yung sementeryo e." Tumingin naman siya ng nakakaloko sakin.

"We're not dating. Atsaka, bakit ka ba nandito? Dun ka nga sa puntod ng Daddy mo. Nag e-emo ako dito e." Pag susungit ko sa kanya, hinawakan niya naman yung kamay ko at hinila kaya napa-higa ako at napa-unan sa legs niya.

"Aw, pinalalayas na ako ni Babe." Sabay nose to nose sakin.

"Shatap! Babe ka nanaman diyan. Myy oh! Ginagawang baboy princess niyo." Pag sumbong ko kay mommy, natawa naman kaming dalawa. "Parehas pala tayong mag-isa lang dumadalaw sa puntod ng magulang natin noh?"

"Meant to be kasi tayo, My Sunshine. Atsaka dalawa na tayong dadalaw sa kanila." Sabi niya habang sinusuklay yung buhok ko gamit yung kamay niya. "Ang dami mo namang pagkaing binili, kaya ang bigat mo e."

"Para sa'yo talaga yan, para tumaba ka." Tinarayan ko siya pero tumawa lang kaming dalawa. "Anong pangalan ng Daddy mo?"

"Cronus Alvarez. Eh si mommy?"

"Maka-mommy ka, kapatid kita?" Sarkastikong sabi ko sa kanya, pero naging seryoso din kami. "Rhea Alonzo, eh mommy mo?"

"What a coincidence, Rhea din ang pangalan ni mommy e." Masayang sabi niya. Napa-upo naman ako. "Tara, ipapakilala kita kay daddy."

Naglakad este humakbang pala kami para makarating sa puntod ng daddy niya. Nakita ko naman kung kailan siya namatay.

August 30, 1999

Nagulat ako kasi parehas sila ng death ni mommy. Pero imposible, kasi namatay si mommy dahil sa panganganak sakin.

"Is there something bothering you?" Tanong niya, tumingin ako sa kanya at umiling. "Dad, meet your daughter-in-law. She's pretty right?"

Kumaway ako at ngumiti. "Hi future dad. Iingatan ko po itong anak niyong babaero, pupugutan ko po 'to ng ulo pag ng babae."

Natawa naman si Zeus, pero bumalik naman ako sa pag iisip. "Anong ikinamatay ng daddy mo?" Tanong ko, nako-conscious pa din kasi ako.

"Car accident." Maikli niyang sagot. Di ko na siya tinanong pa ulit kasi nalulungkot na siya.

"Sorry." Hinawakan niya naman yung braso ko at ngumiti.

Mag gagabi na din kami umuwi. Di pa pala kami umuwi, charot lang. Mag-o-overnight kasi kami sa bahay ni Lily, tuwing November 1 nag iimbita siya. Wala yung parents niya parehas nasa ibang bansa.

Kahit na anong tapang ni Lily, takot pa din yan sa multo. Di ko nga alam kung pano siya nakaka-survive araw araw e.

"Pasok kayo guys." Binuksan niya yung gate at pumasok na kami nag iba naman yung aura niya nung nakita niya si Cece. "Imbitado ka?"

"Hindi. Wala ka rin namang magagawa kasi andito na ako eh. Bleee!" Nilabas ni Cece yung dila niya at inasar si Lily.

"Makakapatay ata ako." Huminga si Lily ng malalim bago pumasok sa loob.

Tatlo lang kaming inimbita niya--Ako, si Zeus, at Cece. Ayaw niya kasi ng masyadong madami. Yung mga close friends niya lang.

Naka latag yung mat ni Lily sa tapat ng malaki niyang TV. Isa lang ang ibig sabihin nito, Movie Marathon. Pero dahil November 1, puro horror ang papanuorin namin.

Kinuha ni Lily yung mga gamit namin bago mag simulang manood. Maria, Leonora, Theresa yung una niyang sinalang.

Magkatabi kami ni Zeus at magka-yakap. Pero naka-harap kami sa TV. Si Lily't Cece naman nasa magkabilang dulo ng sofa.

"Nakakatakot yung manika, Promise me Zeus na sasamahan mo yung mga anak natin sa mga field trips nila." Yinakap niya naman ako ng mahigpit saka tumawa.

"Oo naman syempre, pero di ka pwedeng sumama kasi babantayan mo yung lima pa nating anak." Kinilig naman ako sa sinabi niya, pero lima plus isa? Anim?! Anim ang gusto niyang maging anak namin? Napalo ko tuloy siya ng mahina sa hita.

"Anim!? Ano wawarakin mo?" Natawa naman kaming dalawa, habang kami natatawa yung dalawang nasa mag kabilang sulok ng sofa mag kayakap na. "Tignan mo yung dalawang yun, napaka-ewan."

"Hayaan na natin sila, ang isipin natin kung paano natin ma-uumpisahan yung anim." Namula talaga ako dun sa sinabi niya. Juskolored! Ayoko pa po isuko yung bataan.

Ms. Bitter meets Mr. BabaeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon