Chapter 30: Ms. Bitter

2K 73 1
                                    


Matapos ang kwentuhan sa barkada, umuwi muna ako para makapag-bihis ng maayos. Meet and greet daw parents ni Zeus. Excited na may halong kaba yung nararamdaman ko.

"My Sunshine, ayos ka lang?" Hinawakan niya yung kamay ko habang nag dri-drive. Pansin niya naman na nanlalamig yung kamay ko kaya pinisil pisil niya.

"What if they will not accept me? Paano.."

"Paano, kung pag hiwalayin nila tayo? In what reason? Palagi kitang kinu-kwento kay mommy, at excited na excited siyang makita ka." I pasted a smile at patuloy pa din siya sa pag pisil sa kamay ko.

"Zeus, may balak ka pa ba'ng hiwalayan ako?" Tanong ko out of nowhere, natawa naman siya. Gusto ko kasi ng assurance, ayokong iwan ulit. Ang sakit kaya, try mo.

"Anong klaseng tanong yan? Edi sana kung may balak akong hiwalayan ka, matagal ko nang ginawa." Huminto yung sasakyan at tumingin siya sakin ng seryoso. "Kung may balak ka'ng hiwalayan ako, sinasabi ko sa'yo, hindi ka mag tatagumpay."

"Anong gagawin mo kung makipag hiwalay ako sa'yo ngayon?"

"I love you, and I can sacrifice my happiness just for you. Mahal kita at kung anong ikaliligaya mo, dun ako." Aalisin niya na sana yung kamay niya ng hawakan ko ito ng mahigpit.

"I love you too, at hindi ko din hahayaang mawala ka pa sakin." Ngumiti siya sakin at hinawakan yung kabila ko'ng pisngi.

Nang makarating kami sa bahay nila, bumaba na kami. Di ko maiwasan kabahan ng sobra, magulang niya na yung haharapin ko. Paano kung.. Think positive, Hera. I inhale exhale. Niyakap ako ni Zeus bago kami pumasok sa loob.

Wala pa yung mga parents ni Zeus at si Poseidon kaya umakyat muna kami sa kwarto niya. Ayaw niya pa nga akong papasukin, pero nung makumbinsi ko siya nakapasok din ako. Napa-wowshet naman ako.

Bawat sulok ng kwarto niya may frame at may picture naming dalawa. Pati sa banyo niya meron, feeling ko tuloy minamanyak ako ni Zeus sa utak niya pag wala ako.

May sampung gitara si Zeus na naka-display. May electric, acoustic at iba-iba pa. May amplifier at iba pa siyang apparatus sa gitara niya na nakatabi.

"Turuan mo ako mag gitara, sige na? Please?" Nag puppy eyes pa ako. Cute cute ko talaga, hahahaha. Kinuha niya naman yung isang gitara at binigay sakin. Kumuha din siya ng isa para sa kanya. "Bakit meron ka din?"

"Bakit kailangan ba wala?"

"Oo, kasi yung mga nakikita ko'ng couples na nag gigitara isa lang yung gamit." Mukhang na-convince ko naman siya kaya binalik niya. Umupo siya sa kanan ko at hinawakan yung kaliwang kamay ko.

"Sana gitara ka na lang." He said in his serious tone, he guided my hand to do some chords.

"Bakit?"

"Para palagi kitang yakap." Okay, kilig alert nanaman ako. Hinawakan niya yung kanan ko'ng kamay at pina galaw sa mga strings. "Move up and down."

I obeyed. May tunog na nabuo, at natuwa naman ako. Pero ang sakit ng daliri ko tuwing ibinabaon ko 'to sa strings ng gitara.

"Wag ka ng mag aral mag-gitara, let me play this for you. Ayokong kalyuhin yung mga kamay mo." Inagaw niya sakin yung gitara at nag-simulang mag strum.

[Play all of me for this part]

Nag simula na siyang kumanta ng theme song namin na All of me, habang kumakanta siya lalo niya akong napapa-inlove. Yung boses niya napaka-ganda.

Pagka-tapos na pagka-tapos ng kanta may biglang kumatok. "Kuya? Andito na kami." Si Poseidon pala.

"Sige, we're coming." Binaba niya na yung gitara, at hinawakan niya yung kamay ko at bumaba na kami.

May isang babaeng naka-black dress, napaka-simple pero elegante ang dating. Mukha di'ng mabait, yung lalaking kasama niya parang matapang. Lumapit ito samin at ngumiti agad naman na niyakap ni Zeus yung babae.

"Happy Birthday, Mommy! I love you so much!" Natuwa naman yung babae at nag group hug sila. Sumama na kasi sa yakapan yung lalaki at si Poseidon. Ako na hindi family.

"Ito na ba si Hera?" Bumitaw yung babae sa pagkaka-yakap at binaling ang tingin sakin. Ngumiti naman ako sa kanya, ganun din siya sakin. "What a beautiful woman."

"Thank you Ma'am."

"Shh! You are my son's girlfriend, you should call me Mom too." She hugs me and I hug her back.

"Thank you po Ma'am este--mommy." Bumitaw na kami sa pagkaka-yakap at binaling ko naman ang atensyon ko sa lalaking naka-salamin. Nag mano ako at ngumiti. "Hello po, tito."

"Call me Dad." Finally, ngumiti na din siya.

"Kain na tayo, at baka lumabas na yung dragon dito sa tiyan ko." Natawa naman kami sa sinabi ni Poseidon.

Umupo na kami at nag simulang kumain. Para kaming isang pamilya, ang saya nga nila eh. Parang mga walang problema. At nakaka-overwhelmed yung pag salubong nila sakin.

"I heard about your company, may I know what is your Dad and Mom's names?" Mommy Rhea asked. Para tuloy nabuhay si mommy, diba Rhea din yung pangalan ng mommy ko?

"Rhea and D Alonzo po." Yung kutsarang isusubo niya nalaglag. At parang gulat yung reaksiyon. "Is there something wrong, mom?"

Di kaagad siya nakapag salita pero ngumiti din siya at umiling. "W-wala.. They names sounds.. F-familiar.. Excuse me." Ngumiti siya ng fake at tumakbo papunta sa CR.

"Nagulat lang siguro si Mommy, gawa ng parehas sila ng pangalan ng Mommy mo." Hinawakan ni Zeus yung kamay ko at saka ngumiti. Ngumiti na lang din ako ng pilit, dahil na-co-consious ako.

Tinuloy pa din namin yung dinner, kahit di na ginanahan si mommy sa pagkain. And I feel guilty about that thing, I feel that I ruined her birthday.

Nasa labas ako ngayon at hinihintay si Zeus ng may nakita akong pusa. I definitely like cats, kaya sinundan ko ito.

"Kitten!" Tinawag ko yung pusa pero tumakbo lang ito hanggang sa may narinig ako.

"Hindi ako nagkaka-mali, John! Si Rhea yung nasagasaan ni Cronus, at ang asawa nito ay si D Alonzo." Nagulat ako sa mga narinig ko at parang na-stuck up sa kinatatayuan ko, at di ko namalayan na umiiyak na pala ako.

Ms. Bitter meets Mr. BabaeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon