Chapter 20: Ms. Bitter

2.2K 90 3
                                    

Papasok ako ngayon sa school. Tapos na ang heavy drama ng buhay ko, kailangan ko ng pumasok. Naging okay na din kami ni daddy kaya di niya na ako pinabantayan sa mga FMIB, Feeling Men In Black po ang ibig sabihin nun.

Si Lily at Cece, na-guidance dahil sa ginawa nila. Pero kinausap ko na lang si ma'am na lahat ng sisi ay sakin na lang ibigay. Si Zeus naman, naging malamya pagkatapos ng pag uusap nila ni daddy. Gusto ko'ng malaman yung pinag usapan nila pero ayaw niya naman sabihin.

"Hoy Hera!" Sigaw ng feeling kontrabida sa story ko, sino pa ba? Edi si Jenella. "Hoy lumingon ka! Porket na-virginan kana, snob kana?"

Dun eh napalingon niya ako, kapal ng mukha, igagaya niya pa ako sa kanyang malandi siya. "For your information, virgin pa 'ko. Unlike you na laspag na. Kapal mo'ng tawagin ako, close tayo?" Tinarayan ko naman siya. Aalis na sana ako ng magsalita siya.

"Imposible! Hahaha. Isang Zeus Alvarez, Mr. Babaero ng campus na 'to. Wag ng pa-virgin. Kalat na sa campus na nagalaw ka niya nung tumakas kayo." Nawala naman yung pagtataray ko ng marinig ko yun. "Well, see you around. Bitch!"

Tuluyan na siyang naglaho sa paningin ko. What the pak? Mamamatay talaga ang nag-kalat na hindi na ako virgin. Nakakagalit. Nagagalit ako kasi, walang katotohanan yung sinasabi nila. Buti sana kung totoo e.

"Ay di na pala siya virgin noh?"

"Oo, kala mo ang linis hindi nanaman pala."

"Kala ko talaga makakaligtas siya kay papa Zeus ko."

Nag tuloy tuloy lang ako papasok ng room. Binaba ko yung bag ko ng pabadabog, kaya napukaw ko ang atensyon nila.

"Kayo!" Tinignan ko sila isa-isa, specially yung grupo nila Lucifer na nag uusap. "Sino sainyo ang nagkalat na may nangyari samin ni Zeus? Pag hindi pa kayo umamin. Mas mabigat na parusa ang gagawin ko sainyo."

Halata naman na natakot ang mga impakta. Pumunta ako sa office ni Ma'am Steele, kasi may program ngayon at gusto ko umepal.

"Good afternoon Mrs. Steele." I greet her. Ngumiti naman siya sakin. "Ma'am, pwede po ba ako makahingi ng 10 mins. sa program? May kailangan lang po akong sabihin."

"Go ahead." Ngumiti ako sa kanya at lumabas na ng office niya. Mamaya kasi sa program, lahat mg studyante andun. Kaya expected na makikinig sila sa sasabihin ko.

Nakapila na ang lahat ng studyante sa gymnasium at mag sisimula na yung program. Nag model na din yung dapat mag model, nagulat nga ako kasi kasali si Zeus. Nainis naman ako at may sigaw ng sigaw, mapa lalaki o babae fans niya. Kainis ang daming karibal.

Tinawag na ako ni Ma'am Steele, para umakyat na ako sa stage.

"Let's welcome, School Police Officer Head, Dylan Hera Alonzo!" Yung iba pumalakpak, pero kalahati eh pinag bubulungan ako. Kita ko naman ang best friend ko'ng pinandidilatan yung katabi niya.

"Good afternoon, teachers. Sorry po kung naabala ko yung program. Fellow schoolmates and specially to those who spread the rumors about me. Hello sainyo, kaway kaway. Actually, nangigil na ako e. Makinig kayo, makita lang ako na may nagsasalita, ipapahiya ko talaga."

Tumahimik yung crowd at pansin ko ng nasa akin na yung atention nila. "Andito ako kasi naiinis akong pinag chi-chismisan ako. Sinong hindi? Gusto ko lang iparating sa inyo na walang pakatotohanan ya'ng pinag uusapan niyo. Oo, umalis ako sa bahay namin para mag palipas ng sama ng loob at para makasama ko siya hindi para ikama niya. Kilala niyo naman kung sino yung tinutukoy ko diba?"

"Babaero, chicboy at kung ano ano pa ang tinatawag niyo sa kanya. Nung gabing magkasama kami nakita ko na nirerespeto niya ako bilang babae. Mahirap paniwalaan pero nagsasabi ako ng totoo. Gusto ng mga babae ang halikan, torrid, french, passionate at kung ano ano pa. Pero siya, hinahalikan niya ako sa noo. And according to him that's a sign of respect. Paano niya ako makuhang ikama kung pag halik lang sa labi ko ay takot siyang umungol ako?"

"Pangarap ng bawat babae na maging dahilan ng pagbabago ng isang lalaki qoutes from bob ong. Simula ng naging kami araw araw niyang pinaparamdam sakin na mahal niya ako, simula na naging kami, nakakanakaw pa ba kayo ng halik sa kanya? He loves me, and sex is not showing affection for him. Virgin pa ako, malinis. At ibibigay ko lang 'to sa kanya pagkatapos ng kasal namin. Yun lang, maraming salamat sa time nang pakikinig." Nag palakpakan naman yung mga studyante, at yung iba nag si tayuan pa. Bumaba na ako sa stage.

"ATE KO YAN!" Sigaw pa ni malanding Aphrodite. Nginitian ko siya, napadaan ako sa kampo nila Lucifer na kitang kita ang pagka-dismaya sa mukha.

"Sa susunod na magkalat kayo ng chismis, be sure na totoo. Pasalamat talaga kayo mabait ako, at hindi ko pinangalandakan yung mukha niyo sa stage." Napalunok naman sila ng laway sa sobrang kaba nila. Nag model na ulit yung mga dapat mag model. Ayokong makita si Zeus na mag model ng summer outfit kaya umalis na ako sa gymnasium.

Pumunta muna ako dati sa pinag tatambayan ko, sa may puno. Mahangin kasi dun at malamig ang simoy ng hangin, nang marating ko yun umupo ako at sumandal sa puno.

"Ang hirap naman mag mahal, Puno. Nakaka-stress." Huminga ako ng malalim at pumikit.

"Pagod ka nang mag mahal? Susuko ka na?" Nagulat ako sa nag salita, kaya minulat ko ang mata ko at hinanap yung nag salita.

"Sino ka? May multo ba dito?" May lumabas na lalaki sa likod ng puno di ko siya nakilala agad kasi naka-salamin at may hawak ng libro, pero naalala ko naman agad siya. "Troy? Bakit ka may salamin? Atsaka bakit ka may dalang libro?"

"Gusto ko lang maging geek. Gusto ko maramdaman yung  naramdaman mo ng grade six tayo. Yung iniiwasan, walang kaibigan." Naging seryoso naman siya. "Nagpa-brace pa nga ako e."

"Ngeks? Ang cute cute mo ngang tignan e. Atsaka bakit ngayon mo pa yan naisipan kung kailan peymus kana." Tumingin naman siya ng seryoso sa akin.

"Famous nga, wala naman yung taong pinaka-mamahal ko." Huminga siya ng malalim. "Ang drama, bagay talaga sa mga geek."

"Gusto ko maging friends tayo Troy. Kalimutan na natin yung dati." Nakipag shake hands naman ako sa kanya.

"Sige." Mahina niyang sabi.

"Bakit di kana pumapasok sa classroom? Dapat di ba yung mga geek matalino? Sa lahat ata ng geek na kakilala ko ikaw ang katingero." He chuckled. Natawa naman ako kasi ang cute niya.

"Ayoko kasi siyang makitang may kasamang ibang lalaki. It hurts you know." Tumawa naman siya, yung tawang mapait at puro kalungkutan.

"Mapapansin ka din niya, don't lose hope. Charot!" Natawa naman siya. "Ang cute mo talaga sa eyeglasses mo. Dati nung ako may suot ng ganyan, sobrang pangit ko e."

"Ha? Ganda mo kaya." Pabulong niyang sabi. "Hera, sorry talaga."

"Past is past, tama na. Okay na yun, di na masakit." Ngumiti ako sa kanya at ganun din siya. Tumayo na ako kasi tapos na yung program. "Kailangan na ako dun. Ikaw? Mag ga-gabi na, may kapre daw dito e."

Naglakad na ako palayo sa kanya ng tawagin niya ako kaya liningon ko siya. "She's back."

Ms. Bitter meets Mr. BabaeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon