Chapter 3: Ms. Bitter

5.5K 147 0
                                    

"Oh andito na pala siya, Hera meet Mr. Zeus Alvares our newest and hottest model." Inikot niya naman yung upuan. Sana mabait.

"IKAW?!" Sabay kami. Nakakabigla kasi yung kina bwi-bwisitan ko eh kaharap ko nanaman. Kala ko naman mabait, gago pala.

"You two, know each other?" Tanong ni Mama. Ang loko ang lawak nang ngiti sakin, tinarayan ko naman siya. Hayop talaga, lord naman, youth naman po ako diba?

"Opo ma, schoolmate ko." Kung wala lang si mama kanina ko pa hinampas sa lalaking 'to yung tripod na hawak nang photographer.

"Mag nanay kayo? Ibang iba yung ugali niyo." Sabat ng hayop na bwisit sa buhay ko. Kala mo naman ang bait bait niya, bwisit.

Tapos na'ng make-upan ang loko kaya tumabi na kami at papanuorin siya.

"Okay, one two and three!" Sigaw ng photographer. Ang gago nakatingin sakin, inirapan ko lang siya. Tatanggalin ko talaga ya'ng mata mo at balatan kita ng buhay?

Pagkatapos ng photo shoot kinausap ng photographer si mama. Ako naka-upo pa din dun at naka tingin sa kanya habang nag bibihis siya.

"Matunaw ako nyan babe." Bwisit ka, pakyu ka'ng gago ka. Binigyan ko naman siya nang death glare.

"Alam mo ikaw, pogi ka sana eh. Kung di ka lang naging demonyo!" Tumayo ako at lumapit sa kanya, binayagan ko ang loko. "Punung puno na ako sayo kanina pa. Di mo kilala kung sinong kinalaban mo, asshole!"

Buti nga sa kanya, naka ganti na rin ako sa wakas!!!

"Fuck!!" Sigaw niya habang namimilipit sa sakit.

Umuwi na kami ni Mama, pagka-uwi namin naka handa na ang hapunan kaya nag bihis muna ako bago kumain. Umupo na ako at nag simulang sumandok nang kanin.

"Kamusta yung bagong model? Di ko siya nakita kanina kasi may meeting." Nakangiting sabi ni daddy kay Mama. Mukhang aso, at asal aso.

"He's good, sabi nga ng photographer di mahirap turuan si Zeus, dahil napaka-phogenic daw ng batang yun. Sweetheart, mag school mates sila ni Hera. And they glad to see each other kanina." What the? Glad? Omygosh! Makakapatay ako nang maaga tuwing makikita ko yung Hayop na yun. At aba, pinuri pa ang Mestisong gago.

"That's good. Mabuti na rin yun kasi i-la-launch na ang Couple's Magazine, for teens. And Hera, you will be the model." Nabilaukan naman ako sa sinabi ni dad, is he serious? Like duh, I never wanted to see my face in magazine. "Are you okay?"

"No, Im not. Dad, si Aphrodite na lang, please? Alam niyo naman na hindi ako in sa mga ganyan ganyan." Nag ningning naman ang mga mata ng gaga.

"Yes dad, ako na lang. Mag huhubad ba ako?" Sampalin ko kaya to'ng kapatid ko nang tumigil ang kalandian.

"No, your wearing 350 couple shirts." Nanlaki naman ang mata ni Aphrodite ng marinig niya yun kay dad.

"Goodluck, sis!" Kinindatan ko pa siya.

Pagkatapos namin kumain, pumunta na ako sa kwarto ko at nag lakad lakad saglit. After five minutes pumasok na ako sa Bathroom ko. I-refresh mo muna ang sarili mo Dylan Hera. I took of my clothes saka tumapak sa maligamgam na tubig nang bathtub. Humiga na ako.

"Hay, Heaven!" Sabi ko, na-refresh naman ang katawang lupa ko. Sobrang naistress ako kanina, pagka-gising ko pa lang bad trip na ako. Sana sa pag tulog ko eh matahimik na ang buhay ko.

"Bwisit na lalaki yun! Arrgh, di ko talaga yun mapapatawad, Babe? Pakyu talaga siya, di niya ba ako kilala? Dylan Hera Alonzo, marinig lang nila pangalan ko, kulang na lang eh maihi sila sa short. Atsaka yung panot na yun, hintayin lang niya mapuno yung Asar bar ko sa kanya, lalayasan ko talaga siya." Okay, ganito ako kapag naiinis sa mundo, masanay na kayo. "Sa lahat naman nang modeling company, sa kumpanya pa namin pumunta. Lord, senyas na po ba 'to nang pagka-badtrip ko araw araw?"

Ms. Bitter meets Mr. BabaeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon