Chapter 35: Mr. Babaero

1.5K 68 5
                                    

*Beep* *Beep*

Nagising ako sa ringtone ko'ng tunog ng tunog, kinapa ko sa kama yung cellphone ko at binuksan ito. Galing kay Hera yung messages.

From: My Sunshine <3

I'm craving. Gusto ko ng mangga na may bagoong, please? Please?

Dalawang messages na yan lang ang naka-sulat. Tinignan ko kung anong oras na, 2:35 am. San kaya ako makakahanap ng mangga na may bagoong?

Sunshine, bukas na lang. Madaling araw na, walang mabibilhan ng mangga. Promise, I buy you lot of mangoes.

I replied. Nag beep ulit yung phone ko kaya binuksan ko ulit ito para tignan.

From: My Sunshine <3

Okay. :(

Tumayo ako sa kama at pumunta sa CR para mag hilamos, nang magising ang diwa ko kinuha ko yung susi ng kotse saka bumaba sa garahe.

Hindi ko alam kung saan ako bibili ng mangga na may bagoong. Pero I'll try my best, ayokong nag tatampo si Hera. Atsaka ganitong oras nag cra-crave siya sa mangga? Nag lilihi ba siya?

Nag park ako sa isang vegetables store, sana lang meron silang hilaw na mangga. Pumasok ako sa loob at halatang pagod na yung security guard kasi natutulog na siya.

Nilibot ko yung buong hilera ng fruits stall at yun! Buti na lang meron, kumuha ako ng mga anim na piraso at tinignan ko naman kung meron silang bagoong. Thank god at merong bottled bagoong, kumuha din ako ng cup noodles dahil nagugutom na ako.

Nag bayad na ako at umalis na. Mabilis akong nakarating sa tapat ng bahay nila gawa ng walang masyadong kotse ang dumadaan. Nag beep yung cellphone ko kaya kinuha ko ito.

From: My Sunshine <3

Bakit di ka nag re-reply?

Natawa naman ako, grabe mahal na mahal ko talaga to'ng babaeng 'to. Kahit ano gagawin ko para sa kanya.

Sorry Princess, natagalan ata ako sa pag bili ng mangga.

I replied, nakita ko naman na kumaway siya sa balcony niya. Tinaas ko naman yung hawak ko'ng mangga at bagoong.

Bumaba siya para pag buksan ako ng gate, dun kami kumain sa loob ng kwarto niya kasi baka magising sila Daddy at pagalitan pa ako.

"Thank you, I never expected this." Sinawsaw niya yung mangga sa bagoong saka sinubo. Halata naman na nag eenjoy siya sa pagkain ng mangga.

"Anything just for you, bakit hindi ka pa natutulog? Late na ah?" Pilit ko'ng dinidilat yung mata ko, dahil gusto na talaga niyang bumagsak.

"Di nga ako maka-tulog. Tapos yun bigla na lang akong nag-crave sa mangga. Yung feeling na parang mamatay ako kapag hindi nakakain nang mangga ngayong madaling araw."

"Dito na lang ako matutulog at kakantahan kita para maka-tulog ka." Nginitian ko siya at ganun din siya sakin. I really love those smiles.

Inubos ko na lang yung mainit na cup noodles ko para hindi maka-tulog. Grabe, naubos niya yung mangga na nabili ko. Pagkatapos niyang kumain nag tooth brush na siya at nahiga na kami.

"I wanna make you smile whenever you're sad

Carry you around when your arthritis is bad

All I wanna do is grow old with you"

Naka-unan siya sa braso ko at nakayakap. Tinitignan ko yung mukha niya habang kinakantahan.

"I'll get your medicine when your tummy aches

Build you a fire if the furnace breaks

Oh it could be so nice, growing old with you.."

Hinahawi ko yung buhok niya at isinabit sa gilid ng tenga niya. Dahil ayokong natatakpan ang maganda niyang mukha.

"I'll miss you

Kiss you

Give you my coat when you are cold

Need you

Feed you

Even let ya hold the remote control"

Papikit na yung mga mata niya kaya hinalikan ko siya sa noo.

"So let me do the dishes in our kitchen sink

Put you to bed if you've had too much to drink

I could be the man who grows old with you

I wanna grow old with you.."

I hug her tight at nararamdaman ko na ang pagbagsak ng mga mata ko.

Maaga akong nagising at sobrang sakit ng ulo ko, tulog pa din si Hera hanggang ngayon. She's sleeping almost 10 hours, di pa ba siya pagod? Tumayo na ako at nag unat unat.

Bumaba na ako para maipag handa ng breakfast si Hera. Ayokong gumising siya ng walang pagkain sa harap niya.

"Good morning Daddy D, Tita Ella at baby Nic." I greeted them as I reached the table. Nag mano pa ako kay Daddy at Tita Ella.

"Ang aga mo naman atang haranahin si Hera? Is she awake?" Tito asked. Umiling ako at umupo sa tabi ni baby Nic. "Yaya Luisa, pag handa mo naman to'ng si Zeus ng almusal."

"Kaninang alas-tres lang po ako pumunta dito gawa ng hindi po maka-tulog si Hera. Sinamahan ko lang po."

"Ano kayang pinag kaka-abalahan ng batang yun at palaging puyat." Tita Ella commented.

"Ay Daddy, pwede po ba'ng sabayan ko na lang po si Hera mag almusal?"

"Sige, ipapahanda ko na yung pagkain niyo." Ngumiti ako. "Yaya palagay na lang yung pagkain sa tray. Si Zeus na ang mag aakyat."

Yaya Luisa prepared breakfast at ako na nga ang nag dala sa taas. Pag pasok ko tulog pa din siya, nilapag ko muna yung tray sa lamesa tabi ng kama niya bago siya ginising.

"Princess? Wake up, tanghali na." Mahina ko'ng sabi sa kanya, hinawakan ko yung pisngi niya.

"Ano ba ya'ng amoy na yan!" Sigaw niya, nag salubong kaagad yung kilay niya. "Ang aga naman mang gising!"

"Sorry." Umupo siya pero naka-salubong pa din yung kilay niya. "Kumain ka muna, gusto mo ba 'to?"

Kinuha niya lang yung tray at hindi ako sinagot. Mga tatlong subo lang ayaw niya na.

"Kumain ka pa." Pag aalok ko sa kanya pero hindi niya lang ako pinansin at tumayo. Anong nangyayari sa kanya? "Hey, are you mad at me?"

"HINDI!" Sigaw niya mula sa CR.

"Then why are you shouting?"

"I'm not shouting!"

"Tell me what the problem is para mapag-usapan natin. Hindi yung aga aga galit ka. Masakit yung ulo ko gawa ng kulang ako sa tulog but then, I managed to wake up early para pag gising mo may pagkain ka." Mahinahon ko'ng sabi sa kanya. Lumabas siya sa CR at naka-crossed arms.

"So sinusumbat mo sakin? Ipinapa-mukha mo na ako may kasalanan kung bakit kulang yung tulog mo? I don't ask you to bring me some foods."

"Hindi, kailan ko ba isinumbat yung mga nagawa ko para sa'yo? Di ko alam kung anong problema natin, pero mas mabuti siguro na umalis muna ako para makapag-cool down ka." I pick up my keys at tumayo para umalis na pero may pumigil sakin.

"Sorry, please wag kana umalis? Di ko alam kung anong nangyari sakin at bigla na lang akong nainis. Sorry kung nadamay ka pa." Humarap ako at niyakap siya, feeling ko nga namula ako dahil sa galit. Pero nawala ng marinig ko siyang mag sorry.

Ms. Bitter meets Mr. BabaeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon