Chapter 33: Ms. Bitter

1.7K 72 0
                                    

"10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2 and 1! Merry Christmas!" Masayang sabi namin sa bawat isa. Kami lang ata ang nag count down ngayong noche buena?

"Merry christmas, Zeus!" Niyakap ko siya ng mahigpit saka hinalikan.

"Merry christmas, Hera." Masaya din niyang bati sakin.

"Tara na, kumain na tayo." Pag aaya ni Mommy Rhea habang kasamang nag aayos si Mama sa hapag kainan.

Masaya kaming kumain, parang isang linggo lang kaming hindi nagkita kita pero andami nilang kwento. Pagkatapos naming kumain pumunta na kaming lahat sa christmas tree para mag bigayan ng regalo. Naunang mag bigay si Daddy, sunod si Tito John. Sunod si Percy na talaga namang halatang pinag handaan ang regalo para kay Aphrodite.

"Ang laki naman niyan Percy, Aphrodite buksan mo na nga! Nae-excite ako masyado e." Tinulak tulak ko pa si Aphrodite na yakap yakap ang malaking kahon.

"Mamaya ko na 'to bubuksan, masyado ka'ng excited. Malay mo mas malaki pa yung ibigay sayo ni kuya Zeus." Sabay tingin ng nakakaloko kay Zeus.

"Zeus, it's your turn." Mommy Rhea announced. Tumayo si Zeus at kinuha yung malaking box na katabi ng christmas tree.

"Merry christmas, Mom." He greeted saka inabot yung box kay Mommy Rhea, hinalikan niya si Mommy bago bumalik sa christmas tree para bigyan ng regalo yung iba pa naming kasama.

Hinintay ko yung regalo ko pero wala akong napala. Binigay na namin yung mga regalo namin, specially yung kay Zeus. Pero dahil sa bwisit ko hinagis ko lang sa kanya yung box at umakyat na ako sa taas.

"Hera, wait!" Sigaw niya saka hinawakan yung kamay ko kaya napahinto ako.

"Ano!? Gusto ko na mag pahinga!" Sigaw ko saka hinugot yung kamay ko at naglakad papasok sa kwarto niya. Isasarado ko na sana yung pinto ng may humarang.

"May multo dyan sa loob!" Pagka-sabi niya nun automatic na akong na palabas ng pinto at yumakap sa kanya. "Here you go."

Humiwalay ako sa pagkakayakap at tumingin sa leeg ko, ang ganda ng kwintas. Binuksan ko ito at nakita ko yung picture naming dalawa ni Zeus.

"Sorry na. Gusto ko kasi special yung pag bibigay ko sayo, yung something romantic pero nagalit ka." Niyakap ko siya at di ko napigilang umiyak.

"Im sorry! Kala ko kasi wala ka'ng regalo sakin e."

"Pwede ba yun? Hindi ko ata magagawa yun sa'yo Princess." He hug me tighter and run his hands through my hair.

"Ang hilig mo naman sa surprises! Kainis, kinikilig tuloy ako." I murmured to his chest. "Teka yung regalo ko sayo?"

"Here." Kumalas ako sa pagkaka-yakap at kinuha yung regalo ko. Binuksan ko ito at nilabas yung sing sing na pang couple.

Infinity yung design niya tapos sa loob may naka sulat. Hera and Zeus. Kinuha ko yung sa kanya at isinuot sa palasing-singan niya.

"Oh ayan na, di pa tayo kasal may wedding ring na. Wag mo'ng tatanggalin ha?" Kinuha ko yung sing sing na para sakin pero inagaw niya at siya ang nag suot.

"Is this the sign that we're getting married in the near future?" I nod. I hold his hands and intertwined them between my fingers. "I love you, Dylan Hera Alonzo-Alvarez my soon to be wife."

"And I love you too Mr. Harvard Zeus Alvarez my soon to be husband and my loving father of my six precious childrens." I tiptoed to kissed him and he kissed me back.

I woke up early, pero ang sama ng pakiramdam ko. Feeling ko pasan ko yung daigdig, atsaka inaantok pa ako. So I decided na matulog na lang ulit. Total christmas vacation pa naman, i-enjoy ko na.

I see a fire.

Parang may sumabog na sasakyan. May tao sa loob, di ko alam ang gagawin ko. Nag pa-panick na ako. Dahan dahan ko'ng pinuntahan yung nasusunog na kotse at nakita ko si Zeus.

"Zeus!" Sigaw ko, pilit akong lumalapit sasasakyan pero hindi ako makalapit sa laki ng apoy na bumabalot sa sasakyan. Naramdaman ko ang mga luha ko'ng nag raragasa sa mga pisngi ko. "HELP!"

Palayo ako ng palayo sa apoy at palabo ng palabo ang imaheng nakikita ko, ang sunod ko nalang na nakita ay may isang nakatalukbong ng tela ang lumapit sa sasakyan at iniligtas si Zeus.

"WAAAH!" Napa-upo ako sa takot. Ngayon ko lang yun napanaginipan. Thank god, panaginip lang. Napahawak ako sa mukha ko at ngayon ko lang naramdaman na naliligo na pala ako sa sarili ko'ng pawis.

*Knock* *Knock*

"Hera? Gising kana ba? You're sleeping almost 10 hours, okay ka lang ba?" Narinig ko'ng sigaw ni Mama mula sa labas ng kwarto ko.

"Yeah, I'm fine."

"Bumaba kana ng maka-kain kana ng tanghalian." Sigaw niya ulit bago tuluyang umalis.

Panaginip lang yung kanina Hera. I expelled a heavy breath bago nag streching. Nakita ko yung couple ring namin ni Zeus kaya napa-ngiti ako. Kinuha ko yung phone ko at nagulat ako sa 75 missed calls and 114 texts at voice messages. Pumunta ako sa call logs at galing lahat ng tawag kay Zeus, yung mga texts at voice messgs. naman yung kalahati kay Zeus yung iba pampam lang.

Voice message from Twinkle Star.

Hey Princess, just woke up. Hindi pa nga ako nakakapag-hilamos dahil inuna ko 'to. Sorry kung bad breath ako ah? I love you my Sunshine. Sad to tell wala tayong agendas ngayon..

Voice message from Twinkle Star.

When I see your face, there's not a thing that I would change.. 'Cause girl you're amazing.. Just the way you are.

Pinakinggan ko lahat ng voice message na pinadala sakin ni Zeus at hindi ko maiwasang matawa at kiligin. Nag reply muna ako bago ako pumunta sa vanity ko para mag hilamos at mag tooth brush.

Bumaba na ako pagkatapos ko'ng gawin lahat ng daily routines ko. Naka-handa na yung tanghalian, packing tape! Di nga 10 hours akong natulog? Dati kasi after 7 hours lang gising na ako.

"Good afternoon, Ma, Dad. Where's Aphrodite?" Umupo na ako at nag simula ng sumandok ng pagkain.

"Umalis ng maaga e, bakit? May sasabihin ka ba?"

"Wala naman po. Di lang po ako sanay na hindi makita yung mukha niyang impakta tuwing umaga." Tumawa naman sila. Kumain na ako ng mabilis dabil gusto ko mag mall ngayon.

Ms. Bitter meets Mr. BabaeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon