Chapter 11: Mr. Babaero

3.2K 121 3
                                    


   4:30 pm na at kailangan ko ng mag ayos. Ngayon kasi yung program para kay mother earth.

Ang saya ko nung nag daang linggo, yung mga araw na pilay pa ako. Inaalagaan niya ako, nagiging sweet na siya sakin. Feel ko tuloy legal boyfriend niya na ako. Pero in reality isa lang akong pipitsuging torpe.

Matagal ko nang gustong sabihin sa kanya na gusto ko siya, pero nawawalan pa din ako ng lakas ng loob para mag tapat sa kanya.

Naligo na ako at nag toothbrush, kailangan ko'ng maging maayos dahil ngayon na ako mag tatapat sa kanya.

Sinuot ko na yung tuxedo at bowtie ko. Formal kasi yung suot ng mga nag asikaso ng program. At isa na kami dun ni Hera. Magaling na ako ngayon, kaya sabi ko susunduin ko siya.

Bumaba na ako at nakita ko naman si Mommy, Poseidon, at John na nag me-merienda. Parang na-amaze sila dahil ganito yung suot ko. Ang pogi ko ba ngayon?

"Tulo niyo lumalaway." I joked. Tumawa naman sila, lumapit ako sa kanila at nag pose. "Pogi ko ba?"

"Binatang binata kana, Zeus. Sana naman mag seryoso kana sa babae. Wag puro sex, love naman." Nilagay ni mommy yung kamay niya sa balikat ko saka ngumiti.

"I know mom. I love you." Hinalikan ko si Mommy sa noo at ngumiti. "Momny, this is it!"

"Ang drama mo, yung ka-date mo naglakad na." Singit ni Poseidon.

"Yung Limousine, naka-ready na." Lumapit ako kay John at nag thank you.

Pumasok na ako sa loob ng limo, hindi ako yung mag dri-drive sayang naman yung porma ko kung mag mumukha akong driver ng prinsesa ko.

Di ako mapakali sa kina-uupuan ko, nag simula ng mag pawis yung kamay ko. My heart beats so fast. Ngayon ko na lang ulit 'to naramdaman. Mag mamahal na naman ako.

"Sir andito na po tayo." Sabi ni Mang Henry. Bumaba na ako at pinag bukasan naman ako ng yaya nila ng gate. Dub dub dub dub. Pumasok na ako sa loob ng bahay nila at sinalubong naman ako ng daddy niya.

"Hera, andito na si Zeus." Sigaw ng daddy niya. Tumingin siya sakin. "Zeus, I want to tell you something."

"Ano po yun?" Kinakabahan ako, nangangatog na nga yung tuhod ko at gusto ko nang maihi. Stop that Zeus, hindi ka pa ikakasal gago!

"I don't mind going to jail because of you. You hurt my daughter, I will hurt you. Mark my word, Zeus." Tinignan niya ako ng masama, napalunok tuloy ako ng laway sa kaba pero ngumiti naman siya at tinapik yung balikat ko.

"Makakaasa po kayo." Ngumiti ako.

"Dad, Zeus? Anong drama yan?" Napatingin ako sa nag salita. Boses pa lang ang sexy na. "Nalaglag na panga mo, pulutin mo."

"Ikaw talaga, tara na nga." Pag aaya ko sa kanya, kumapit siya sa balikat ko at nag paalam na kami sa daddy niya. Pinag buksan ko siya ng pinto at pumasok naman siya. She really look like a goddess. "You look gorgeous."

Red Gown ang suot niya, yung light brown nyang buhok naka ayos ng mabuti, yung make up niya bumagay sa suot niya.

"Thanks." She replied. Pwede ba'ng dito na lang tayo at titigan na lang kita?

Nakatingin pa din ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa school. Nauna na akong bumaba para mapag buksan siya. Kumapit ulit siya sa braso ko at nag lakad na kami papunta sa gym. Sinalubong naman kami ng dagsa dagsa ko'ng fans.

"Bakit ang ganda mo?" Tanong ko ulit habang dinudumog kami ng fans.

"Blame my mother and father's genes. You asked me that question for the 50th time. Im so flattered na." Kahit minu-minuto pa kitang sabihan.. Nakarating na kami sa school's gym. May sarili kaming table kaya di na namin kailangan pa'ng makipag agawan. Pwede ang apat sa isang lamesa.

"Hi Hera and Zeus!" Bati ni Gwyneth, ngumiti ako sa kanya. Tumingin ako kay Hera na naaasar nanaman sa dalawa.

"You we're the prettiest of them all." Bulong ko sa kanya, nakita ko naman siyang nag-blush.

"May nakaupo na ba dito?" Tanong naman ng pinaka pangit na nilalang sa story na 'to. Sino pa ba? Edi si Troy.

"May nakikita ka? Ano tanga lang o bulag?" Mataray na sagot ni Hera. That's my girl.

"You look wonderful tonight, Hera." Tumingin ulit ako kay Hera, di siya kinilig parang tataob nga to'ng lamesa na nasa harapan namin sa sobrang galit niya e.

"Pwede ba Troy? Maganda ako alam ko yun, wag mo nang pag selosin si Lucifer. Kung uupo kayo bilisan niyo na, dami pa'ng bola." Tinarayan niya naman yung dalawa. Boom basag.

Pansin ko lang, palaging role ng dalawang 'to palaging nakiki-share nang upuan? Author, bigyan mo naman 'to ng scene na nakikipag sapakan ako sa kanya.

Nag simula na yung program, may M.C kaya sila na ang bahala sa pag papatakbo ng program, busy ako sa pag hahanap ng tamang timing.

Dahil nga party party 'to isang banda ang kinuha namin para tumugtog ngayong gabi. Nag-eenjoy naman yung mga youth na bumili ng ticket.

Napansin ko naman na parang nabo-bored si Hera, kaya kinausap ko na lang. Di niya kasi maaway yung dalawa, nakiki-party party din kasi.

"Hera, may itatanong ako." Tumingin naman siya sakin. This is it! I can do this.

"HA? ANO YUN?"

"Sabi ko may itatanong ako." Lumakas na ng konti yung boses ko.

"MAGTATA--WHAT?! I CAN'T HEAR YOU!" Sumigaw na din siya. Kala ko naman eto na talaga.

"Wala. Sabi ko mahal kita." Humarap ako sa ibang direksyon, may nakita naman akong couples.
Buti pa to'ng mga 'to, meron na.

"Zeus! Tara sayaw tayo!" Di pa ako pumapayag hinila na niya ako sa dancefloor. Pinag bigyan ko na lang total sexy niya naman e.

Matapos ang rock music, sweet songs naman. Kaya lahat ng teachers naki-sayaw na din with their partners. Edi kayo na meron ako na wala.

"Can I have this dance, my lady?" Narinig niya na ako kasi mahina na yung music. Inilahad ko sa kanya yung kamay ko at kinuha niya naman. Yes! Pumunta na kami sa gitna. Nilagay ko yung kamay ko sa bewang niya at inilagay niya naman yung kamay niya sa balikat ko.

"Bakit di mo inaya yung babae mo? Bakit ako?" Tanong niya. Nagseselos ba siya?

"Are you jealous?" Diretso ko'ng tanong sa kanya. Napakunot naman ang noo niya.

"No im not." Mahina pero galit niyang sabi.

"Yes you are, there's nothing to be jealoused about." Sana masabi ko na ngayon. Please, please. "Her--"

"Zeus, ano ba talaga tayo? Ano ba? Gusto mo ba ako? Nahihirapan kasi ako sa ganitong set-up. I don't play games, kaya kung pinag tri-tripan mo ako. Please, itigil mo na. Ayoko na ulit masaktan." Bumitaw siya sa sayaw at nag walk out.

Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami dun sa ginawa ko'mg surprise para sa kanya. Pinaayos ko pa talaga yun para dun kami mag date pagkatapos ng program. Pero mukhang di na ata matutuloy. Haay.

"Did you do all of this?" Mahina niyang tanong. Nanghihina ako, feeling ko busted forever na ako.

"I like you since the first time we met. I love you, at natotorpe ako sayo. Matagal ko nang gustong aminin sa'yo, pero nawawalan ako ng lakas ng loob. All I want is to be happy with you. Dylan Hera Alonzo, Can you be my girlfriend?"

"That's all I want to hear. I love you, Zeus. And yes, I will be your girlfriend." Di pa rin mag-process sa utak ko yung sinabi niya. Basta niyakap ko siya at binuhat.

"Thank you! Thank you! Thank you!" Hinalik halikan ko yung mukha niya, at ang pinaka huli ang mga labi nya.

"Yieeeee! Ang sweet talaga ni papa Zeus!"

"Bagay talaga sila!"

Kami ang naging atensyon imbis na ang pagsalba kay mother earth. Binaba ko siya at niyakap, ngumiti naman siya sakin ng pagka-tamis tamis.

"I love you Dylan Hera Alonzo!" Sigaw ko, kinilig naman siya.

The happiest day of my life, di ko alam kung paano, di ko alam kung totoo. Ang alam ko lang, mahal namin ang isa't isa, at handa ko siyang protektahan maging buhay ko man ang maging kapalit.

Ms. Bitter meets Mr. BabaeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon