Chapter 43: Third day.

1.6K 67 2
                                    


Andito ako sa bench katabi ng isang puno. Yung puno na 'to yung pinaka-memorable sa lahat. Dahil dito kami madalas pumupunta ni Zeus para mag bonding. I wiped my tears and looked at the tree. Hinawakan ko yung katawan ng puno kung saan dun naka-ukit yung mga pangalan namin.

"Zeus.." I whispered as I hugged his guitar. "Pangatlong araw na hindi ko pa rin matanggap na wala kana. Bakit ba kasi hindi ka man lang nag paalam?"

Kinuha ko yung Love Letter na nasa tabi ko at binasa. May sampung ganito sa box na binigay sakin ni Mommy Rhea at araw araw akong nag babasa ng isang sulat.

Hi Pretty!
Bakit ang ganda ganda mo at in-love na in love ako sa'yo? Tell me, may pina-inom ka ba'ng love potion sakin?
I love you, Princess. At kahit mamamatay ako ikaw pa din ang nasa puso ko. Hindi kana mapapalitan dito kasi akin kana talaga.
Kung papalitan mo 'ko dapat mas gwapo sakin ha? Yung tipong ma-ba-bakla ako sa sobrang pogi niya.

Love,
Pogi.

Di ko nanaman mapigilang umiyak. Natatawa ako sa sinabi niya pero tuwing naalala ko na patay na siya binabalot ako ng pangungulila at lungkot. Ganito pala talaga yung feeling na mamatayan ng taong mahal mo.

"Umiiyak ka nanaman?" Napalingon ako sa tumabi sakin na isang lalaki, si Troy. "Hanggang kailan ka iiyak?"

"Ano ba'ng pakielam mo kung umiyak ako? Sayong luha ba masasayang? Hindi naman diba, atsaka bakit ka ba nandito?"

"Pagod na akong pag masdan ka'ng umiiyak. Hera, gusto kitang tulungan--"

"Hindi kita kailangan, Troy!"

"Gusto mo ba'ng lumaki yung mga magiging anak mo na walang kinikilalang ama? Kaya ko'ng akuin lahat ng responsibilidad na iniwan ni Zeus sainyo Hera." Hinawakan niya yung kamay ko pero tinabig ko ito.

"Hindi ko kayang palitan si Zeus sa puso ko. At kahit patay na siya, siya pa rin ang kikilalaning ama ng mga anak ko at hindi yun mag babago." Nginitian ko siya. "Oo, patay na siya pero kahit kailan hindi siya mamamatay sa puso ko."

"Hindi ako susuko Hera. Diba sinabi ko sayo mawawala din siya at iiwan ka din niya? Kaya eto ako Hera, hindi kita iiwan. Di kita susukuan." Tumayo siya at umalis na. Hindi ko na siya hinabol pa para sermonan dun sa walang kwenta niyang sinabi.

Pero napaisip din ako sa alok niya, pano nga kung hanapin ng mga anak ko sakin yung tatay nila? Anong sasabihin ko? Patay na yung tatay nila? Lumabas sila sa mundong 'to na hindi man lang sila nasisilayan ng tatay nila. At maiingit sa mga batang nag lalaro kasama yung mga tatay nila. Ayokong mawalan ng tatay yung mga anak ko, pero ganun talaga ang buhay masyadong madamot.

"Hera?" Narinig ko yung boses ni Manong Ben sa likuran ko kaya lumingon ako sa likod ko. "Tara na?"

Sinundo ako ng maaga ni Manong Ben gawa ng andyan yung Lola ko from Mommy's side. At for sure hindi yun magiging mabait sakin kahit buntis ako. Ayoko ngang umuwi pa ng bahay at lalo lang akong malulungkot pero natatakot din naman ako sa Lola ko'ng bruhilda.

Narating namin ang bahay at nag iisip na ako ng salitang malulutong na bibitawan ko kay Lola. Attorney yun eh, kaya kailangan ko'ng maging matalino. Pumasok ako sa loob at naging kumpulan naman ako ng tingin.

"Donya Agustina--"

"Don't call me like that again." She interrupt, nabigla naman ako kaya napatingin ako sa kanya.

"Pardon?"

"Apo." Those words twitch my heart with pain. First time ko yan marinig. I was about to cry when I hear those shouts inside my head. "Wala sa lahi natin ang iyakin, kaya kung mahina ka at ta-tanga tanga itinatakwil na kita bilang apo ko." Sinabi yan sakin ni Lola nung umiyak ako at nag paka-tanga para kay Troy.

Tumayo siya at niyakap ako, para tuloy akong nanalo sa lotto. "Sorry, Hera. I'm so sorry, apo." She kissed my forehead and I felt like crying.

"Kung sinasabi niyo lang po yan dahil naawa kayo sa akin. Hindi ko po kailangan ng awa niyo dahil hindi po ako ka-awa awa para kaawaan niyo." I snapped. She looked at me in response. Ano ba'ng emote neto ni Donya Agustina at masyadong ma-drama?

"Yan ang gusto ko sa'yo, kahit mahina ka nagiging malakas ka kapag kaharap mo ako. Sana, sa lahat ng problema mo hindi mo ipinapakita ang kahinaan mo at inilalabas mo ang lakas mo. Naaalala ko sa'yo si Rhea, at alam ko na siya talaga ang pinag manahan mo." Pinunasan niya yung mga luha ko at nginitian. "Andito ako para tulungan ka, hindi para i-down ka pa lalo. Mahal kita, apo. At ayokong nasasaktan ka."

Nakakapanibago yung ganito, dati kasi wala kaming drama moments ni lola. Puro action at debate moments lang, pero ngayon parang tinanggal na ni Lord yung mga sungay niya at pinalitan na ng Halo. Sana lang talaga yung Halo niya pang matagalan.

Natapos ang drama namin at kahit gustong gusto ko umiyak hindi ko mailabas yung iyak na yun dahil kaharap ko si Lola. Ang malupit pa, palagi siyang naka-tingin sakin kaya kahit hikbi hindi ko magawa.

Naging mapag-alaga kuno na din siya, yung mga gawain ng mapag mahal na lola ginagawa niya na. Nakakapanibago talaga, hindi ako sanay. Pati nga din yung pakikipag usap ko sa kanya katulad pa din ng dati kahit hindi na siya nakikipag debate sakin.

"Hera, I want to asked you something." Napatingin naman ako kay lola.

"Ano po yun?"

"Ngayon na patay na siya? Ano nang balak mo? Hindi kana ba iibig muli?" Dun sa sinabi ni lola muntikan ko nang ibuga sa kanya yung juice na nasa bunganga ko. Packing tape!? Ano tatlong araw lang palit agad? Ang landi ko naman ata nun.

"Lola, pangatlong araw pa lang po at sariwa pa yung mga sugat sa puso ko. Siguro po iisipin ko po yung mga ganyang bagay kapag totally naka-move on na ako."

"I want you to be happy, kaya kinausap ko yung kumare ko. Tutulungan ka ng anak niya na makapag-move on agad. Their family owns the Red&Blue wines kaya siguradong hindi pera ang habol nila satin." Naibaba ko ng malakas yung tinidor ko. At lahat ng nasa lamesa na yun napatingin sakin. Kajirits to'ng matanda na 'to ipapa-arrange marriage pa ako.

"Lola, para san? Kaya ko'ng mag move on mag isa. Aanhin ko yung taong yun kung hindi naman siya yung gusto ko makasama?" Lola looked at me in surprise.

"Pero, hija.. Let us give him a chance, ang concern ko lang naman dito yung mga batang dinadala mo. Nakakasama sa kanila yung palagi ka'ng malungkot at pati din sila nade-depress." Nag-calm down ako at ngumiti ng pilit. "Ipapakilala ko siya sayo bukas, you might like him because he's nice."

Ms. Bitter meets Mr. BabaeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon