Chapter 47: Sixth day.

1.4K 64 3
                                    

Wala akong magawa dito sa bahay, simula kasi ng mawala si Zeus parang nawala na yung sigla ko sa pamamasyal.

"Ate?" Pumasok si Aphrodite at nag dire-diretso sa balcony kung saan ako nandoon. "Tara pasok ka." Kasama niya din pala si Percy.

"Hi Ate, how are you? How are the babies?" Umupo sila sa katapat ko'ng upuan at inilapag ni Percy yung dala dala niyang basket sa lamesa.

"Okay lang naman, bakit hindi kayo pumasok dalawa?" I raised my eye brow at tumawa lang sila. "Anong nakakatawa, aber?"

"Pinag-lilihian nanaman ako niyan ni ate." Bulong ni Percy kay Aphrodite.

"Kapal mo, Dog! Ako ang pinag lilihian ni ate!" Nag aaway nanaman sila.

Kahit naiinis ako sa kanila dahil masyado silang sweet at clingy, somehow I find them one of the cute couples I ever seen. Sila yung Forever material, at parang sa kanila ko lang yun nakita. They never promised that they will be forever, instead by doing it. Para lang silang mag-kapatid na nag gagalangan, how I wish na wala pa talagang nangyayari sa kanila kung hindi baka bigla ko na lang hablutin yung shotgun kay Daddy at itutok sa ulo ni Percy.

"Ate, are you okay? May nasabi ba akong mali?" My sister asked in confusion.

"Wala, nacu-cutan lang ako sa inyong dalawa." At pagka-sabi ko nun nag away nanaman sila. Bagay talaga sa kanila yung callsign nilang Cat and Dog.

"See? Ako talaga ang pinag lilihian ni Ate Hera!" Mayabang na sabi nito.

"Hoy! Tayong dalawa!" Sabay kurot sa tagiliran ni Percy.

"Bakit ba palagi mo'ng pinangigigilan si Percy, siguro buntis ka din at pinag lilihian mo siya?" I querried at namula naman silang dalawa.

"Hindi ate ah! Masyado pa akong bata para diyan!" Aphrodite assured.

"Talaga? Eh bakit nung thirteen years old ka pa lang gusto mo na magka-baby?" Me and Percy burst out laughing, habang si Aphrodite namumula nang parang kamatis.

"Gusto mo bigyan kita?" Nakaka-lokong tanong ni Percy.

"Sige nga!"

"Hoy itigil niyo yan. Kayo talaga! I'm just joking, basta masyado pa kayong bata para diyan. Atsaka, ito munang kambal ang alagaan niyo, okay?" Kinurot ko naman yung pisngi nilang dalawa. "Ano nga palang pakay niyo?"

"Wala ate, gusto lang kitang alagaan. Kasi baka magalit sakin si Kuya at mag paramdam sakin habang natutulog ako." We all laugh after we hear those words from Percy. Napaka-comedy ng batang 'to, that's why I want my babies to be like him.

"How sweet! Tara nga dito Percy!" Pinatabi ko siya sa tabi ko at pinangigilan ng todo, siguro nga pinag-lilihian ko to'ng batang 'to.

"Ate, bakit hanggang ngayon hindi mo pa dinadalaw si kuya? Malamang nag tatampo na yun sa'yo." Napa-tingin ako sa mata niyang nangungusap na dalawin ko si Zeus.

"Ano ba'ng hitsura niya? Ayos lang ba siya?" Tanong ko sa kanya, gusto ko siya makita pero ayokong makita yung sinapit niya.

"Sarado yung kabaong niya because of his face burns, atsaka i-cre-cremate naman siya after 9 days." Nangingilid nanaman yung mga luha ko dahil narinig ko nanaman yung sasapitin ni Zeus. "Ay, Ate Hera na-kwento sakin dati ni Kuya na gustong gusto mo daw pumunta sa Ocean park kaso wala kayong time. Tara punta tayo?"

Pumunta kami sa MOP kasama sila Daddy para na din siguro ma-relax kami ng kahit konti. Pero bakit ganito yung feeling ko? Parang kinakabahan ako?

"Hija, okay ka lang?" Mama Ella asked and I shrugged.

"Wala Ma," nilibot ko yung paningin ko at napaka-ganda nga talaga ng MOP.

Pumasok kami sa isa sa mga aquariums at hindi ko mapigilang ma-amaze. Di lang pala fishes ang nag lalambingan, mygosh! Ginawang dating place ang lugar na 'to, di ko talaga kinaya!

"Daddy, ikot lang po ako ha?" Sabi ko kay Daddy at nag simula ng maglakad palibot ng aquarium. Habang hinahawakan ko ang isang aquarium, meron ding lalaki ang humawak sa katapat ko. Hindi ko ito pinansin, pero pag tingala ko nakita ko si Zeus.

"Zeus.." Mahina ko'ng sambit. Umikot ako para sana makita ko ng bigla akong may naka-bungguan. Tinulungan niya akong tumayo, at ng makatayo na ako agad agad ko'ng hinanap yung lalaking yun.

"Zeus, asan ka!?" Medyo pasigaw ko'ng sabi. Hinanap ko pa din siya dun sa lugar kung saan ko siya nakita kanina.

"Hera, Sweetie.. Sinong hinahanap mo?" Tanong ni Daddy habang tinitignan kung sino yung hinahanap ko.

"Daddy, nakita ko si Zeus! Buhay siya Dad!" Patuloy pa din ako sa pag hahanap ng pigilan ako ni Daddy.

"He is already dead, Hera. Kaya ka nagkaka-ganyan because you can't accept the fact that he is already gone. Just accept it, daughter." Niyakap ako ni Daddy, at hinalikan sa noo. "Ganyan din ako dati sa Mommy mo, at alam ko kung gaano kasakit tanggapin na wala na yung taong mahal mo. Pero ganyan talaga yung buhay e."

"Dad, hindi ko guni-guni yun.." Ginulo ni Daddy yung buhok ko at tumawa.

"Wala ka'ng third eye, Sweetie. Tara na nga, nagugutom na daw si Aphrodite." Hinila ako ni Daddy, pero nakatingin pa din ako sa likod dahil sa pag asang andun nga siya.

Hindi sunday ngayon, pero parang family day ang ganap namin ngayon. Sayang lang at hindi nakasama si Tito John at Mommy Rhea gawa ng sila yung nag aasikaso sa burol ni Zeus. Buti nga si Mommy Rhea, tanggap niya na wala na si Zeus. Pero ako anim na araw na ang nakaka-lipas parang in-denial pa din sa mga nangyayari.

"Sige Ate, susunduin ko na lang kayo ni Cat bukas para sabay sabay na tayong pumasok." Percy said before he hugged me.

"Sige, mag iingat ka sa pag dri-drive!" Sigaw ko bago siya pumasok sa loob ng sasakyan.

"Ate, mag pahinga kana dahil for sure napagod yung kambal." Hinawakan niya yung tiyan ko at ngumiti. "Babieees! Pretty tita here! Tulog na kayo ha? Can't wait to hug and kiss you my lovely niece's."

"Sige na matutulog na kami." I kiss and hugg aphrodite before I went in my bedroom.

Humiga ako at sinakop ang buong kama gamit ang katawan ko. "Zeus, napagod daw yung kambal." Pagka-sabi ko nun biglang lumakas yung hangin, at damang dama ko ito dahil naka-bukas yung balcony ko. Pakiramdam ko may humahawak sa tiyan ko.

"Kailangan ko na ba'ng tanggapin na wala kana talaga?" Huling tanong ko bago ako makatulog.

Ms. Bitter meets Mr. BabaeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon