Chapter 15: Ms. Bitter

2.8K 103 1
                                    

Maaga akong pumasok ngayon, may mga transferee's kasi na kailangang suriin. Pumasok na ako sa loob ng office. Pansin ko naman na hanggang ngayon wala pa din siyang text. Siguro tulog pa yun.

Lumabas muna ako para bumili ng mineral water ng may nakita akong di kanais nais. Si Zeus, may kasamang babae. Maganda yung babae, pero mas maganda ako. Yung init ng ulo ko dumoble, kaya pagkabili ko ng mineral water pumunta ako kung saan sila nandoon. Binuhusan ko ng tubig yung babae.

"Serves you right bitch! Zeus Alvarez pa talaga ang nilandi mo ha!" Nagulat naman silang dalawa sa ginawa ko.

"Cece, okay ka lang? Oh eto." Pinunasan naman ni Zeus yung babae gamit yung panyo niya. Hello? Andito ako!

"I'm fine Zeus. Thank you." Matapos niyang punasan yung katawan niya tumingin sila sakin. "Sorry miss but your accu--"

"Hera, I'm sorry. She's Celine Lamoreaux, my cousin. Cece, she's my girlfriend Hera Alonzo." He interrupt, ngumiti naman sakin yung babae. Okaaay... Nag cool-down naman ako ng marinig ko'ng mag pinsan sila. "Dito na siya mag aaral, so I'm just helping her."

"I'm sorry, di ko yun sinasadya." Ngumiti ulit siya sakin. Maamo yung mukha niya at napaka-ganda..

"Naiintindihan ko." Sabi nung Cece.

Sabi ni Zeus, kailangan daw niyang samahan si Cece. Dahil binilin daw 'to sa kanya ng tita niya. Panatag ang loob ko, pero di ko maitago sa sarili ko na nag seselos ako.

Di ako mapakali sa office kaya sinusundan ko na lang sila, habang nakikita ko sila sa di kalayuan, naiiyak ako. Ang sweet nila, parang sila pa nga yung may relasyon e. Wag tanga Hera, pinsan yan! Di yan talo! Ang sakit lang kasi. Yung tipong ang saya nila, ako naka sandal dito sa pader at tinitignan sila.

"Kahapon nang agaw, yan tuloy inagawan. Kawawa naman.." Nagtawanan naman yung babae sa likod, sino pa ba? Edi si Jenella with the gang. At aba, di na si malanding puta ang leader, si lucifer na. At nag make-up transformation siya. Kung dati ay feeling simple ang gaga. Ngayon naman eh totally demonyita na siya.

"Buti nga sa'yo, ang landi mo kase! Hahaha!" Mga impaktang 'to! Nag eemote ako e.

"Hoy! Wag mo ko'ng pilitin na papulahin ko pa lalo ya'ng nguso mo, gamit to'ng kamao ko." Tumawa naman siya joke ba yung sinabi ko? Mygod. Baliw na ata 'to.

"Sa susunod kasi, wag lalandi landi. Yan tuloy kakalandi mo, nakalimutan mo yung boyfriend mo." Natigil siya kakatawa ng may sumabunot sa kanya.

"Repeat what you say? I still remember na may atraso ka pa sakin e. At ngayon dinagdagan mo pa."

"Lily, ta-tama na please?" nag mamakaawang sabi ni Gwyneth. Tutulungan sana siya nila Jenella ng mag banta si Lily.

"Humanap ka pa talaga ng mga kakampi mo ha. Ginagalit mo talaga ako Gwyneth!" Sinampal niya ng malakas si Gwyneth.

"Lily, tama na. Hayaan mo na siya." Binitiwan niya na si Gwyneth. Tumakbo naman agad sila. E-extra pa kayo sa story ko ha.

"Gigil talaga ako dun sa babaeng ipokrita na yun!" Inis na inis na sabi niya. "Are you okay?"

"Okay lang ako, bakit ka nandito?" I asked. Di naman 'to pupunta kung walang i-chi-chika e.

"Namiss lang kita bff. Atsaka mag tra-transfer na ako dito, na kick-out kasi ako dun sa school na pinapasukan ko ngayon." Nagulat naman ako. Eh kakalipat niya lang nung isang bwan ah?

Mas malupit pa 'to, kesa sakin. Imagine, model at sikat na dancer bully ng school? Lahat ng umaaway sakin siya lahat ang gumugulpi. Siya lang ang kakampi ko nung grade 6. Pano ba naman, ako lang ang may collections ng power puff sa bahay namin.

Ms. Bitter meets Mr. BabaeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon