CHAPTER THIRTY-NINE

2.1K 62 0
                                    

CHAPTER THIRTY-NINE

"I'M wondering how you met Cynthia."

Napahinto si Clyde sa pagbaba ng motorbike niya nang magsalita ang kanyang ama na naabutan niyang nakasandal sa itim na sports car nito. Iyon kaagad ang bungad nito sa kanya pagka-park niya sa garahe nila.

Tumingin siya dito.

"It was just an accident. Nakabunggo siya ni Nhica Marae sa mall. She recognized me as your son... Nakausap mo na siya?"

"Yes. Why did you asked her to reason me out about your engagement with Anacleto's daughter?"

Nagusot ang ilong niya. Kahit na yata kinausap ito ni Tita Cynth on their behalf ay wala pa ring pagbabago sa isip nito.

After Nhica talked with Tita Cynthia, sinabi nito sa kanya ang napag-usapan ng mga ito. Isinama pa siya ng nobya para makilala ang babae. Hindi na siya magtataka kung bakit ito ang minahal ng daddy niya. Maganda ito, mabait, talented at may self-reservation.

Maganda rin ang ang mommy niya at mabait, pero pakiramdam niya may malaking kulang dito na meron si Cynthia. Something his mother never have... His father's heart, perhaps?

"Siya ang painter ng mga painting na lagi mong iniuuwi dito sa bahay." It was more observation than answer. Bumaba siya sa motorbike niya at sumandal doon. Hinarap niya ang ama. He wanted to see his father's expression about Cynthia.

Halatang nabigla ito. Iniiwas ang paningin. Then, bahagyang tumango. Hindi niya alam kung naghahalusinasyon lang siya nang saglit na namula ito. "Yes." He took a deep breath and returned his gaze on his son. "But it's not the reason why you asked her, am I right?"

Tama kaya sila ni Nhica na may feelings pa rin ito para sa dating kasintahan?

"I know you had the idea why I asked her help." He stood up. "Kung ano man ang kinahinatnan ng pag-uusap ninyo, hindi pa rin ako papayag na magpakasal sa inirereto niyo sa akin."

Then he walked toward the front door. Tapos na ang finals exam at siniguro niyang papasa siya para makasama si Nhica sa Hyacinth Island. Dumaan lang siya dito para magpalit ng damit. Pupunta siya kina Grendle para sa big surprise niya sa nobya.*** a/n: syet! 'Di na surprise, nasabi ko na! :3***

Napatigil siya sa pag-alis nang magsalita ulit ang daddy niya.

"We made a deal. And she accepted it. Hahayaan ko na kayo ni Nhica."

Hindi makapaniwalang napaharap siya dito. Daig pa niya ang nanalo ng house and lot sa isang raffle. "Really?"

His father smiled. A smile of a father to his child. Hindi niya alam pero tila may malamig na kamay na humaplos sa puso niya.

"Yes."

"H-how... I mean, what's that deal?" naguguluhang tanong niya. Ina-absorb pa ng utak niya ang kaseryosohan nito sa sinabi. Of coarse, his father wouldn't want to ruin his plan without a big deal.

"I asked her to spent her whole life with me."

Nabigla siya. "You asked her to marry you?"

Hindi niya nagustuhan nang umiling ito. Napakunot-noo siya.

"Then how... why did you..." Natigilan siya nang may maalala. Ayon sa kwento ni Cynthia, sinaktan nito si Claudio noon at malamang daw na galit ang lalaki dito. Lalong nangunot ang noo niya. Was his father using this situation to get even with Cynthia? Para makapaghiganti?

Masaya siyang malaman na hindi na sila paghihiwalayin ng daddy niya. Pero paano si Tita Cynth? Paano kung gawin din dito ng daddy niya ang mga katarantaduhan nito noon sa mommy niya?

The Rebel Slam 4: CLYDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon