CHAPTER 5

2.3K 59 0
                                    

"HEY!"

Kunot-noong nag-angat ng tingin si Nhica nang may limang sopistikadang babaeng humarang sa kanya. Hinahanap niya ang kapatid. Nang bumalik siya galing restroom ay wala na ito sa pwesto nila.

"Yes? Ako ba?" turo niya sa sarili.

"Who else? Sa 'yo ako nakatingin, 'di ba?" taas ang kilay na sagot ng babaeng nangunguna sa mga ito.

Lihim na napaangat ang isang kilay niya. She doesn't like her tone. Parang naghahanap ito ng away. Papaapi ba siya?

No way!

Itinaas niya ang noo. "Malay ko ba kung banlag ka?"

Naningkit ang mga mata nitong mahihiya ang panda sa kapal ng eyeliner.

"Excuse me?"

"Daan ka na." Nhica acted like she was giving her a way. Sa kapal ng make-up nito at ng mga kasama nito ay mukha nang clown ang mga ito. "Or should I say, excuse 'me'? Nakaharang kayo sa daan ko, eh."

"Hindi ka namin papalampasin nang gano'n-gano'n lang!"

"Right! Pagkatapos ng pananakit mo kay Clyde my darling?"

"You will pay for slapping him, bitch."

Nagsalubong ang kilay niya. So, iyon pala ang ipinagpuputok ng butse ng mga ito? Ang pananampal niya kay Clyde?

'I can't believe these girls! Akala mo, pag-aari nila ang nasampal ko, hindi naman!'

Kinalma niya ang sarili. Never siyang makikipagbangasan ng mukha kung si Clyde lang ang dahilan. Manapa kung si Grendle 'yan.

"Ano'ng sinasabi niyo d'yan? Sino bang Clyde iyon?" pagmamaang-maangan niya.

"Nice try. But it won't work. I know what I've seen yesterday. Ikaw iyon at hindi ako maaaring magkamali!" Dinuro siya ng red cuticled finger ng babaeng nasa harapan.

So, nakita pala nito iyon? Malamang ay schoolmate nila ang mga ito.

Hindi niya ito pinatulan kahit kating-kati ang kamay niya baliin ang daliri nito. Hindi siya makikipag-away.

"Kung ano man ang ibinibintang ninyo sakin, nagkakamali kayo. Hindi ako iyon." She faked a smile. "Besides, lalaki lang iyan. Huwag niyong pababain ng ganyan ang mga sarili ninyo."

Hindi pinansin ng mga ito ang patutsada niya. Mukhang buo ang loob na gantihan siya.

"Don't lie, Nhica Marae Concepcion. Electrical Engineering student. Section B."

"Nag-research na kami about you."

Akalain mong may sa stalker niya ang mga ito? Pero hindi pa rin siya makikipag-away. Hindi deserving ng buwisit na Clyde na iyon na pag-awayan.

"Hindi ako iyon." She tried walking past them. Ngunit nahagip ng isa sa mga ito ang braso niya. Tumalim ang paningin niyang napatingin sa kamay nitong nakahawak sa braso niya. Pagkatapos ay sa mukha nito.

"Let me go." Natutusok siya ng kitty cat claws nito.

"Not yet. Hindi ka pa pwedeng umalis."

"As we said, kailangan mo munang pagbayaran ang ginawa mo."

Inis na binaklas niya ang kamay nito. "Sinabi ko nang--"

Nahinto ang pagsasalita niya nang maramdaman ang malutong na pagdapo ng palad sa pisngi niya. Napaawang ang bibig niya habang dinaramdam ang pangangapal ng pisnging iyon.

Did she just... slapped her?!

"Kulang pa 'yan. Heto pa!"

Maagap na sinalo niya ang kamay ng isa sa mga ito bago pa iyon dumapo sa kabilang pisngi niya. No one has the right to slap her!

The Rebel Slam 4: CLYDEWhere stories live. Discover now