CHAPTER 18

2.2K 56 1
                                    

CHAPTER 18

"I LOVE you, Nhica Marae. At handa akong magbago para sa 'yo..."

Napapikit ng mariin si Nhica. Para siyang baliw na ipinilig ang ulo. Bumiling siya sa kabilang panig ng kama. Hindi nakuntento at nagpagulong-gulong pa. Hanggang sa tuluyan na siyang mahulog.

"Aray!"

Sapo ang nasaktang pang-upo na bumalik siya sa kama.

Anak ng tipaklong kasing si Clyde, eh! Out of the blue ay bigla na lang magtatapat! Hindi man lang bumwelo at pinatagal ang istoryang ito!

Kaya heto siya ngayon. Ligalig ang mundo.

'Ano'ng petsa na, Nhica? Matulog ka na, utang na labas!'

Patamad na tiningnan niya ang oras sa cellphone. Isang unread message ang bumulaga sa kanya sa screen.

Napakunot noo siya nang makitang unregistered number ang nagtext.

'Goodnight <3'

Iyon lang ang nakalagay sa message nito. Hmm. Sino kaya ang walang magawang tao na ito?

Dahil wala rin siyang magawa sa buhay niya at mukhang hindi pa siya makakatulog, ni-reply-an na niya ito.

'Hu u?'

Hinayaan niyang dumulas sa kamay ang cellphone pagkatapos i-send niyon.

Hindi man niya gusto, bumalik na naman sa diwa niya ang nangyari kanina. Lahat ng sinabi ni Clyde...

"Hindi ko tinanggap ang pagsagot mo sa akin kagabi dahil ang gusto ko, kapag sumagot ka, seryoso ka na rin sa akin. Hindi mo kailangang sumagot hanggang hindi mo pa ako nagugustuhan. I can wait. Even if it takes forever."

Waahhh! Huwag kang maniwala Nhica!

Subalit kabaligtaran niyon ang ginagawa ng puso niya. It was literally believing it and hoping that he will keep everything he had said.

'Ang tanga mo, Nhica!' Paano kung pauso lang ito ni Clyde? Paano kung mapagod agad ito kahihintay sa kanya? Paano kung masaktan lang siya? Paano kung...

Haay!!! Maloloka na siya kaiiisip! Ngunit ayaw nitong mawala sa isip niya!

'Ano'ng gagawin ko? Maaga pa ang pasok ko bukas! Mag-a-alas dose na ng hatinggabi! Lord, please help me!'

Bumaling siya sa kabilang panig ng kama at pumikit ng mariin.

Nasa kalagitnaan siya ng pagbibilang ng mga baka, kambing at kalabaw sa isipan nang pumailanlang ang isang kanta.

"Late at night when all the world is sleeping

I stay up and think of you..."

Letse! Sino'ng nagpalit ng ringtone niya?! Malamang napakialaman na naman ni Jace ang cellphone niya.

Dinampot niya ang nag-iingay na aparato at tiningnan ang caller. Unregistered number.

Pinuputakti ata siya ng unregistered number ngayong gabi? Teka, ito rin yata ang nagtext sa kanya.

"Coz I'm dreaming of you tonight

Till tomorrow I'll be holding you tight..."

Bago pa siya mapikon sa ringtone na iyon ay sinagot na niya ang tawag.

"Hello?"

"Good evening! Bakit gising ka pa?"

Nagsalubong ang kilay niya nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Tila may sumipa sa nakashabu'ng puso niya. Mas gumrabe kasi iyon sa pagkabog.

The Rebel Slam 4: CLYDEWhere stories live. Discover now