CHAPTER 20

2.2K 71 4
                                    

CHAPTER 20

"NHICA! Buti naman at nakasama ka dito!"

Hindi siya nakaiwas nang sugurin siya ng yakap ni Jazmine.

Isinama siya ni Clyde sa gimik ng banda. Nasa Wonderpark sila ngayon. Katulad ng inaasahan, kumpleto ang mga myembro kasama ang kani-kanilang girlfriend. Kahit si Mackey ay may kasamang babae-- si Alyanna Castro.

"Buti naisama ka ni Clyde, Nhica. Akala ko, pupuntang walang partner ang lalaking iyan dito, eh," nakangising sabi ni Krizhia.

"Wala rin naman akong gagawin ngayong hapon, Krizhia. Saka, para naman ma-experience kong pumunta dito." Dahil nga wala siyang kaibigan ay wala siyang makasamang pumunta sa ganitong lugar.

"Huwag niyo ngang kuyugin si Nhica Marae. Doon kayo sa boyfriends ninyo!" pagtataboy ni Clyde sa dalawa.

"Sus! Pinagdadamot. Kayo na ba?"

"Shut up, Krizhia. 'Tol Aser, ikadena mo nga sa bewang mo itong girlfriend mo!"

"Loves, huwag mo munang tudyuin ang dalawang iyan. Baka mapurnada," tatawa-tawang sabi ni Aser habang nakikipaglaro ng video game kay Grendle. "Yes, panalo ako! Pay up, GJ!"

"Magsama kayo ni Clyde, pareho kayong madaya!" ani Grendle habang naglalabas ng beinte pesos.

"One game pa!"

"Ayoko. Madugas ka. Si Kyle na lang ayain mo."

"Kyle... Ay, tulog! Mackey, tantanan mo muna iyang chics mo, laro tayo!"

"Ha? Mamaya na, dude Aser. Busy ako."

"Langya, sino'ng makakalaro ko?"

Piningot ito ni Krizhia. "Tigilan mo na nga ang kalalaro niyan!"

"Aray, aray! Oo na, loves!"

"Seriously, Clyde, kayo na ba?" anang nakangiti ng inosente na si Jazmine.

"Oo nga. Kaya may holding hands na?" dagdag ni Donita.

Oo nga pala. Hawak pa rin ni Clyde ang kamay niya hanggang ngayon.

Nang bumaba ang paningin ng dalawa sa magkahugpong na kamay nila ay binitiwan ni Clyde ang kamay niya. Napasimangot siya. Bakit kaydali nitong sabihin sa iba na may relasyon sila pero sa mga kaibigan nito ay tila hirap na hirap ito?

Napakamot ito sa batok. "Ha? Eh... hindi pa. Inaalalayan ko lang si Nhica Marae."

"Wushu!"

"Defensive?"

"'Lika na nga dito, Nhica Marae. Upo na tayo."

"Teka!" awat ni Krizhia. "Bakit hindi ka na lang makipaglaro sa mga kaibigan mo doon, Clyde? Kami na ang bahala kay Nhica."

"Kahit kailan, wala akong tiwala sa 'yo, Krizhia."

"Aw, come on. Nami-miss ka na ni Aser. 'Di ba, loves?" Pinandilatan nito ang kasintahan.

"Ha? Ah, eh... oo nga, Clyde. Tagal na nating hindi nagkakalaban sa car racing game. Tara na!"

"Oo nga, Clyde! Tara na dito." Inakbayan ito ni Grendle at iginiya sa mga video games machine. "Come on, Mackey. Don't be a killjoy."

"Andyan na, boss!" Matapos magpaalam sa kasama ay tumayo na rin si Mackey at sumama sa mga kaibigan. "Dude Kyle, gising! Doon daw tayo!"

"Hep, hep! Mackey, hayaan mo nga dito si Kyle. Nagpapahinga siya, eh."

"Ang sabihin mo, Jazmine, nasa dreamland na naman iyang boyfriend mo kasama ang friends niya sa panaginip."

"At least isa ako sa kasama sa panaginip niya. Tsupi na."

The Rebel Slam 4: CLYDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon