CHAPTER 4

2.6K 63 2
                                    

"ATE NHICA! Nakita mo ba 'yong red sneakers ko?"

Hindi niya pinansin si Jace, ang 16 years old na kapatid niya, na abala sa paghahalughog sa kung saan-saan. Kulang na lang ay baliktarin nito ang buong bahay nila mahanap lang ang paboritong sapatos nito.

Nakahilata siya sa sofa at nakatutok sa ipad niya. Nakatambay siya sa facebook at twitter. Chine-check niya doon ang mga bagong status at shoutout ni Grendle. Ayaw niyang tingnan ang photos nito. Lagi na lang kasi nitong kasama ang nobya. Nakakapagselos din.

Ganito lang siya. Patingin-tingin. Minsan like sa status sa fb kung hindi iyon tungkol sa girlfriend nito. Ganoon din sa twitter. Wala kasi siyang lakas ng loob mag-comment.

Isang bagong post ang nakita niya sa timeline nito. Abangan daw ang The Rebel Slam band sa VJ's bar mamayang gabi. Alam niya ang bar na iyon. Minsan ay nakapag-gig na ang banda doon. Alam niya dahil sinundan niya doon ang banda noong time na iyon.

"Ate!!!"

Kaswal na tinapunan niya ng tingin ang kapatid. Nakatayo na ito sa paanan niya habang nakakunot ang noo.

"O?" Ibinalik niya ang paningin sa ipad.

"'Yong sneakers ko!"

"Malay ko." Pagkuwa'y may naalala siya. "Tingnan mo pala sa sampayan. Nilabhan yata ni Manang kanina."

Hindi niya alam kung tatawa siya o magi-guilty nang makita ang itsura nito. Hindi na kasi maipinta ang mukha nito ngayon. Kumibot-kibot ang labi nito na tila ano mang oras ay sasabog na ang tinitimping inis.

Padabog na umalis ito. Maya-maya'y bumalik bitbit ang pinakamamahal nitong sapatos.

"Alam mo naman pala kung nasaan, pinahirapan mo pa ako!" Masama ang tingin na asik nito. Umupo ito sa single sofa at isinuot ang sapatos.

"Gano'n talaga, kapatid." Nakangising ni-like niya ang bagong upload na picture ni Grendle sa fb na kasama ang daddy nito.

"Ano ba 'yang ginagawa mo? Mas mahalaga ba 'yan sa sneakers ko?"

"Facebook. Twitter. Yep. Mas mahalaga ito d'yan."

"Don't tell me si Grendle na naman iyan? Eh, mas mahalaga pa dyan na mahanap ko ang sapatos ko, ah!"

Kilala nito si Grendle. Fanatic din kasi ito ng The Rebel Slam. Alam din nito ang pagsinta niya sa bokalista. Nahuli siya nito nang minsang magkasama silang nanood ng battle of the bands. Isinigaw niya lang naman ang nararamdaman niya kay Grendle. Isama pa ang sandamakmak na kinuha niya picture ng lalaki.

"Wag ka na ngang magtampo d'yan, little bro."

"So, siya nga ang tinitingnan mo?"

Nginitian niya ito. "You're so smart talaga!"

Lalo itong napasimangot. "May girlfriend na iyon."

"Maghihiwalay din sila."

"Asa ka pa. Legal ang relasyon nila at seryoso si Grendle sa girlfriend niya."

"Ba't mo alam? Bestfriend ka ni Grendle?"

"Kung maghihiwalay man sila, hindi ka pa rin niya papansinin."

"Isa pang hirit mo, hindi kita isasama sa gig nila."

"Gig?" Nag-iba ang timpla nito. "Kelan? Saan?"

"Mamaya sana. Pero grounded ka, di ba? Bawal lumabas ng six pm onwards nang hindi ako kasama."

Napasama kasi ito sa riot ng mga frat six months ago. Sa presinto ito sinundo ng mga parents nila. Sobrang nagalit ang daddy nila kaya pinarusahan ito ng one year grounded.

The Rebel Slam 4: CLYDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon