CHAPTER THIRTY-FOUR

2.2K 62 0
                                    

CHAPTER THIRTY-FOUR

"DAD."

Lihim siyang nagpasalamat kay Clyde nang hilahin siya nito papunta sa likod nito. Nanliliit siya sa paraan ng pagkakatitig sa kanya ng daddy nito.

So this is his father. No doubt. Malaki ang pagkakahawig nito kay Clyde. Except for their eyes. Kulay tsokolate ang mga mata ng daddy nito habang itim na itim ang kay Clyde. Tingin niya ay nasa early forties na ang edad nito pero hindi pa rin kumukupas ang gandang lalaki nito.

"What the hell is this, Clyde? You... you slept with that girl in the same room?"

Bumalik ang diwa niya sa kasalukuyan. Clyde's father pointed her with disgust on his face. Nakakatakot ito.

Naramdaman niya ang pag-akbay ni Clyde. Wala sa loob na napalingon siya dito. Walang emosyon ang mukha nito habang nakatingin sa ama. "I want you to meet Nhica Concepcion, my girlfriend. And yes, we slept together on my room. I think there's no problem with that, wasn't it?"

"Clyde!" Nanlalaki ang mga mata na saway niya dito. Where did he found the guts to tell his father those? Siya ang mamamatay sa kahihiyan dito, eh.

Umangat ang isang kilay ni Claudio. Like what Clyde said amused him. "Girlfriend? Did your girlfriend knew that you were engaged?"

Parang gusto niyang magtago sa likod ni Clyde ng lumipat sa kanya ang paningin ng ama nito.

"Yes. Alam din niya na hindi ako pumapayag doon." Bumaling sa kanya si Clyde. Lumambot ang itsura nito nang makita siya. Bahagyang ngumiti ito. "If I am to marry someone, si Nhica Marae lang iyon at wala nang iba."

Lihim siyang napasinghap. Overwhelming feelings filled her heart. The emotions on his handsome eyes and the sincerity on his voice were making her feel better and light. It's as if telling her that he loves her and she has nothing to worry about everything. Kahit paano ay nabawasan ang tensyong nararamdaman niya.

"Why? You love her? That was a complete bullshit! Miss Concepcion, are you wealthier than Anacleto Holdings? Kung oo, you can have him. But if not, you're not good enough for him."

"Dad, it's not about money. At hindi pares mo, hindi ako magpapakasal dahil lang sa pera," Clyde said coldly at his father. "I will not end up to be like you."

Ramdam niya ang pait at galit sa tinig nito. Here's this feeling that she wanted to hold his hand. And she did. Pinisil niya ang palad nito. He held it tight.

Dumilim ang itsura ni Claudio sa sinabi ng anak. "Whether you like it or not, you will going to marry Anacleto's daughter to ensure our family's future. Bakit ba umaayaw ka kaagad? Hindi mo pa siya nakikita. She's very much beautiful than your girlfriend. You'll definitely like her."

"Dad! Sinabi ko nang--"

"Excuse lang Sir," she cut Clyde. Ipinaglalaban siya nito sa harap ng ama nito, hindi naman niya hahayaang mag-isa itong lumaban. Huminga siya ng malalim. "Hindi po ako kasingyaman ninyo o ng mga Anacleto. Malamang hindi rin ako kasing ganda ng anak nila. Pero hindi naman po masama ang pinanggalingan kong pamilya. And besides, nasa demokratikong bansa po tayo. Everyone has their right to choose for thier own. Lalo na sa mapapangasawa. Hindi ninyo pwedeng ipilit sa anak ninyo ang bagay na ayaw niya."

Halatang nabigla ang matandang lalaki sa pagsagot niya. Ngunit mabilis itong nakabawi.

"Miss Concepcion, bata pa ang anak ko. He's not even eighteen yet. At sa edad niya, mas alam ko kung ano ang makakabuti para sa kanya. Hindi niya pa alam kung sino ang mga manloloko at oportunista sa paligid na tanging pera lang ang habol sa kanya."

The Rebel Slam 4: CLYDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon