CHAPTER 12

2.3K 58 1
                                    

CHAPTER 12

MALAMIG ang hangin na humahampas kay Nhica pero hindi niya iyon alintana. Sapat na ang init na nanggagaling kay Clyde para hindi siya malamigan.

Nakapaikot ang mga braso niya sa baywang nito habang naglalakbay sila sakay ng motorsiklo nito. She did not intend to be this close with him. Nang bigla nga lang itong magpreno kanina ay dumulas siya palapit dito. Gusto niyang umurong pero natatakot siyang mawalan sila ng balanse lalo't mabilis ang pagpapatakbo nito.

Feeling niya tuloy ay dinig na dinig nito ang pagririgodon ng puso niya.

Ngayon lang siya nakalapit ng ganito sa isang lalaki. Pinagsisisihan niya tuloy ang pagpatol sa suhestyon nito na ikapit niya ang mga braso sa baywang nito. But she has no choice. Dala na rin ng hiya dito sa pang-aabala nilang magkapatid dito. She has to be nice with him.

She looked up at his wind tousled hair.

"Clyde! Can you slow down?" sigaw niya dito dahil sa lakas ng hangin. "Baka madisgrasya tayo!"

Nilingon siya nito ng bahagya.

"Don't worry! Maingat akong mag-drive! You're safe with me!"

Naalarma siya ng bigla itong mag-overtake sa kotseng nasa harap nila.

"Clyde!"

Tumawa ito. Sasabunutan na sana niya ito nang mapansing binagalan nito ang takbo ng motorsiklo.

"Sorry. Nasanay lang ako na mabilis mag-drive."

"Talaga lang, ha? Eh, bakit nang una mo akong ihatid, hindi ka naman nagmamadali? May lakad ka pa ba ngayon? Ha? Gabi na, ah!"

"Inaalala mo rin pala ako, Nhica Marae. Don't worry, ang paghatid sa iyo ang huli kong lakad ngayong gabi."

'Bolero talaga ang ungas na ito.'

Gusto niyang sabihin dito na hindi iyon ang ibig niyang sabihin at wala siyang pakialam kung may pupuntahan pa ito. Subalit naunahan siya nitong magsalita.

"I ride my motorcycle fast because I like the way you hold me."

Hindi niya alam kung bakit tila nagustuhan iyon ng pandinig niya. She stayed her arms around his waist.

"Baliw ka talaga, ano? Paano kung madisgrasya tayo? Gabi pa naman."

" Alright. I'm sorry. Huwag ka nang magalit d'yan."

'Hindi naman ako galit, ah!'

Sa halip na sumagot ay nanahimik na lang siya. Hindi na naman niya maipaliwanag ang sarili ngayon. Pero dahil may utang na loob siya dito, sige na nga. Hahayaan na muna niyang magbaliw-baliwan ang sarili.

'Aaminin mo na bang attracted ka na sa kanya?'

Napaunat ang likod niya. Ibang usapan na yata iyon.

"Nhica Marae?"

Nakita niya sa side mirror na pasulyap-sulyap ito sa kanya. Nagtama ang mga mata nila. At mas lalong hindi niya nagustuhan ang reaksyon ng puso niya.

Maaatim niya bang sirain ang ipinangako dito noon na hinding-hindi siya magkakagusto dito?

Dapat ay buong pagkatao niya ang tumututol sa isiping iyon pero bakit iba yata ang nararamdaman niya ngayon?

"Palagi bang naglalasing ang kapatid mo?"

Nagbalik siya sa kasalukuyan nang magsalita ito. Ano na nga bang pinag-uusapan nila?

"Ah... H-hindi."

The Rebel Slam 4: CLYDEWhere stories live. Discover now