CHAPTER 33

2.1K 58 0
                                    

CHAPTER 33

NAKATINGIN si Nhica sa nakakunot-noong si Clyde. Sinubukan niyang bawiin ang mga braso niyang iniinspeksyon nito subalit hindi nito iyon binitiwan. Instead, inililis pa nito ang manggas ng suot niyang maluwag na t-shirt ni Charlize. Lalo itong napasimangot.

"Who did this to you?" Panginginigan ang kahit na sino sa boses nito.

Ang mga pasa na inabot niya sa ex at mga kaibigan nito ang tinitingnan ni Clyde ngayon. Hindi na niya suot ang long sleeved blazer na nagtatago sa mga pasa niya at kalmot. At ngayon, tila gustong pumatay ng lalaking kaharap niya habang tinitingnan ang mga iyon.

"W-wala ito, Clyde--"

"Wala?" gagad nito sa sinabi niya. Hinaplos nito ang pasa sa pisngi niya. Muli itong napapalatak. "Punung-puno ka ng pasa tapos sasabihin mong wala lang ito? Tell me, sino'ng gumawa nito? Sina Anthony ba? Nadamay ka ba sa gulo nila? Shit that man! Kapag nakita ko siya, bubugbugin ko ang gagong iyon!"

"Clyde!" Pinandilatan niya ito. Hindi siya sanay na naririnig itong magmura. "Hindi dahil kina Anthony ito. In fact, nagalit din sila nang makita ang mga ito. But anyway, speaking of them, ex pala ni Anthony si Alyanna--"

"Kung ganoon, sino ang may gawa nito?"

"... At alam mo rin ba na may kakambal pala si Alyanna?"

"Nhica Marae..."

"Sabihan mo nga si Mackey na huwag na niyang pormahan si Alyanna. Hindi sila bagay..."

"Nhica Marae Concepcion!"

Napahinto siya sa pagkukwento. Obviously, wa epek ang pagbabago niya ng topic. Mukhang hindi nito basta bibitiwan ang issue na ito.

She smiled at him. Pero mukhang wa epek din ang pagpapa-cute niya.

"Okay lang talaga ako, Clyde. Hindi naman ito malala sabi ng doctor."

"Good. Pero hindi iyan ang itinatanong ko." He looked at her eyes. "Who the hell did this?"

Napabuntong hininga siya. "Ayos lang talaga ako, Clyde."

"Ayos ba iyang lagay na iyan?" Iniharap nito ang braso niya sa kanya. "Mga babae ba ang may gawa nito? Nilapitan ka na naman ba ng isa sa mga ex ko?"

Nag-iwas siya ng paningin dito. Ayaw na niyang magsalita tungkol sa pambubugbog sa kanya ng grupo ng ex nito. Tutal ayos na naman sila ni Clyde ngayon.

"Silence means yes."

"Ayoko nang pag-usapan ang tungkol doon, Clyde. Ang mahalaga ngayon, ayos na tayo."

"I'm sorry."

Napatingin siya sa mukha nito nang marinig ang malungkot na tinig nito. Bahagyang lumambot ang hitsura nito at puno ng pagsisisi ang mga mata.

"You don't have to say sorry. Pinapatawad na kita."

"Pero dahil sa akin kaya mo inabot iyan. You know, I want to curse myself. Parang gusto ko nang bugbugin ang sarili ko. Dapat hindi na kita iniwasan. Dapat hindi na kita nilayuan. Nagkaroon tuloy ng pagkakataon ang mga babaeng iyon na saktan. I should be the one taking care of you. I should be protecting you--"

Humawak siya sa magkabilang balikat nito at tumingkayad. Hindi niya mapigil ang sarili na hindi ito halikan. Smack lang ang halik na iyon pero sapat na iyon para mapatigil ito sa pagsasalita at maalis ang pagkakakunot ng noo nito. He stood there staring at her.

She gave him a sweet smile.

"Huwag ka nang mag-alala d'yan. Ayos lang talaga ako. At mas ayos na ako ngayon dahil bati na tayo. Huwag na nating isipin ang mg nangyari nitong mga nakaraang araw."

The Rebel Slam 4: CLYDEWhere stories live. Discover now