CHAPTER THIRTY-SIX

2.1K 50 2
                                    

CHAPTER THIRTY-SIX

"HEY, Nhica!"

Napalingon si Nhica sa tumawag sa kanya. Napangiti siya nang mapagsino ito.

"Allyza!"

Yes. Ito ang babaeng tumulong sa kanya noong binugbog siya ng ex ni Clyde at mga friends nito. Ito rin ang kakambal ni Alyanna.

Allyza walked towards her.

"It's you. Akala ko namamalikmata lang ako. Nice new looks. Kamusta na?" Hinawi nito ang pinaghalong blonde at pulang buhok nito na tumabing sa may koloreteng mukha nito. Naka-uniform pa rin ito.

Sa unang tingin ay hindi mapagkakamalang kakambal ito ni Alyanna. Mas sopistikada ito sa kakambal.

"Okay lang ako. Ikaw? Mag-isa ka lang ba dito?"

"Yeah. My friends already left. May klase pa sila, eh. Ikaw? Any company?"

"Ahh..." Lumingon siya sa entrance ng mall. Napangiti siya nang makitang papasok si Clyde kasunod si Mackey. Nauna kasi siyang pumasok kasama sina Donita at Grendle. Pumasok nga lang sa isang botique ang magkasintahan. Sina Aser, Krizhia, Kyle at Jazmine ay nagpresintang bumili ng makakain.

"Oh, I see you have someone with you."

Ibinalik niya ang tingin kay Allyza. Nakatingin ito sa gawi nina Clyde.

"Ah, oo. Kasama ko ang boyfriend ko at mga kaibigan niya. Pupunta kaming Timezone."

"Really? Well, that's great! May tanong lang ako, iyang dalawang lalaki na iyan, member sila ng Rebel Slam, hindi ba?"

Bahahyang nabawasan ang ngiti niya. Hindi naman siguro ito kasapi sa die hard fans club ng The Rebel Slam.

"Oo. Sila nga ang kasama ko. I mean, the whole band."

To her relief, nag-angat lang ito ng isang kilay na parang hindi apektado sa sinabi niya. "Ah."

Naramdaman niya ang pag-akbay sa kanya ng kung sino. Well, sino pa nga ba?

"Mahal, sino siya?"

"Si Allyza Castro, Mahal." She secretly bit her tongue. Hindi siya sanay sabihin dito ang endearment na iyon. Pero kinikilig siya sa tuwing sinasabi dito iyon. Ah, ang gulo niya! Ganito yata talaga kapag in love. "Allyza, si Clyde nga pala, boyfriend ko. At si..." Nilingon niya ang lalaking nasa likod ni Clyde. "Si Mackey."

Allyza smiled at them cheerfully. "Hello there!"

"Ikaw pala si Allyza. Naikwento ka ng girlfriend ko. May utang ako sa iyo," wika ni Clyde dito. Nakipagkamay ito sa babae. Binawi rin nito kaagad iyon. "Thank you sa pagtulong mo sa pinakamamahal kong babae sa buong universe."

Namula siya sa sinabi nito. Si Allyza ay tumawa lang.

"Wala iyon. Don't mention it."

"Hi there."

Bumaling si Allyza sa bumati na si Mackey. She smiled at him.

"Allyza Castro, huh? Mackey Lubigan nga pala." Inilahad nito ang kamay. "Nice to meet you!"

Agad iyong tinanggap ni Allyza. "Nice to meet you, too!"

Mukha namang magkaka-get along ang dalawa. May naisip siyang ideya.

"Pauwi ka na ba, Allyza? Sumama ka muna sa amin. May isa kasi ditong walang ka-partner." Pasimpleng nilingon niya si Mackey. Nakangiti lang ang lalaki.

Allyza laughed. "Sure, why not? Wala rin naman akong gagawin. Malungkot naman kung gagala ako ng mag-isa."

Shoot! Mabuti na lang at game si Allyza. May partner na si Mackey!

The Rebel Slam 4: CLYDEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora