CHAPTER 26

1.8K 51 2
                                    

CHAPTER 26

"HI!"

Nilingon ni Nhica ang bumusinang kotse sa likuran niya. Pero agad ding nagbawi ng paningin nang makita kung sino iyon. Nagpatuloy siya sa paglalakad papunta sa sakayan ng jeep.

Papasok siya nang oras na iyon sa university. Weekends had passed. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyari last week. Kung saan, na-in love siya at na-broken hearted din agad. Dinaig niya pa ang isang linggong pag-ibig ni Imelda Papin. Hanggang ngayon ay broken hearted siya.

"Nhicky babes!"

Ang kulit naman ng lalaking ito! Noong nakaraang linggo pa nangungulit si cupcake boy a.k.a Anthony. Hindi niya nga alam kung paanong nasundan siya nito sa subdivision nila.

Binilisan niya ang lakad. Wala siya sa mood magtaray ngayon. Nagising na lang siya kanina na walang ganang kumilos at pumasok. Pinilit niya lamang ang sarili na pumasok dahil may exam sila.

"Wait up!"

Napatigil siya sa paglalakad nang unahan siya ng kotse nito at ihinto nito iyon sa daraanan niya.

Agad itong bumaba doon na may magandang ngiti sa mga labi.

Pero syempre, mas maganda pang ngingiti si Clyde dito.

"Ang bilis mong maglakad."

"Ano bang kailangan mo?" wala sa mood na tanong niya.

"Gusto kitang yayain sa pupuntahan ko."

"Ayoko. May exam ako." Naglakad siya paiwas sa kotse nito. Kunot-noong napatingin siya dito nang marinig ang pagtawa nito.

"Exam? Nhicky babes, Intrams ngayon. Nalimutan mo na ba?"

Oo, Intrams week ngayon pero may exam sila. Ganyan kabait ang prof nila.

"Ano bang pakialam mo? Huwag mo na nga akong guluhin at baka ma-late pa ako."

Nilagpasan niya ang kotse nito.

"Ihahatid na kita," anito habang nakasunod sa kanya. Iniwan nito ang kotse sa kinapaparadahan niyon.

"Ayoko."

"Come on. Baka ma-late ka niyan."

"Problema ko na iyon."

"Nhicky--"

"Huwag mo akong tawagin ng ganyan. Nakakairita. At huwag mo rin akong sundan. Hindi kita anino."

"Why not? Maganda naman ang Nhicky babes, ah? At tungkol sa pagsunod ko sa iyo, hindi mo ako mapagsasabihang huwag kong gawin iyon."

Mas maganda sa pandinig niya ang pangalan niyang Nhica Marae lalo na kung si Clyde ang nagsasabi niyon.

Napabuntong hininga siya. Paano ba siya magmu-move on dito kung palagi niya itong inaalala?

Sabagay, hindi niya pa naman gustong mag-move on. Hanggang hindi niya nasusunod ang payo ni Sean na kausapin ito. Kaso, hindi niya naman ito mahagilap sa university. Kahit na sa college building nito ay wala ito.

"Nhicky babes..."

Nakukulitang huminto siya at hinarap ito.

"Ano ba talagang kailangan mo sa akin? Bakit mo ako sinusundan at kinukulit?"

Tumingin ito ng diretso sa kanya.

"Sinabi ko na sa iyo. Gusto kita. At gusto kitang ligawan."

Umangat ang isang kilay niya.

"Ano'ng nagustuhan mo sa akin? Bakit mo ako gustong ligawan?"

"Dahil iba ka sa lahat ng babaeng nakilala ko. Ikaw lang ang hindi maabot ng charms ko, eh."

The Rebel Slam 4: CLYDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon