CHAPTER 29

1.9K 56 0
                                    

CHAPTER 29

"ALAM ko na na may mali mula nang biglang dumating sa bahay si daddy weeks ago. He did something that made Kuya Clyde change. Tinanong ko si Kuya pero wala naman siyang sinabi. Actually, sobrang tahimik na niya kapag nasa bahay..."

Hindi maka-get over si Nhica sa mga pinag-usapan nila ni Charlize kagabi. Ang hula nito ay pinapakialaman ng daddy ng mga ito ang buhay ng nakatatandang kapatid nito.

She doesn't know what to do. Kung siya lang, tutol siya na ipagkasundo ni Claudio Cortez ang anak nito sa ibang babae. Wala itong karapatan na panghimasukan ang personal na buhay at nararamdaman ni Clyde.

Pero sino ba siya? Ni hindi nga siya espesyal sa lalaki.

"Please, Ate Nhica, talk to Kuya about this. Kailangan ka niya ngayon." Naalala niyang pakiusap ni Charlize bago ito umalis.

Paano niya magagawa iyon kung palagi niyang nakikita si Clyde na kasama ang iba't ibang girlfriend nito? Matanaw niya lang ang mga ito ay pinanghihinaan na siya ng loob na lumapit dito.

At bakit siya ang kakausap kay Clyde? Pinapalayo nga siya nito, remember? Wala itong gusto sa kanya.

Napabuntong hininga siya. Napakamasokista talaga niya. Alam niyang masasaktan lamang siya sa isiping iyon pero iyon pa rin ang nire-replay niya sa utak niya.

Napahinto siya sa paglalakad papasok sa university nang may apat na babaeng humarang sa daraanan niya. Namumukhaan niya ang isa sa mga ito dahil ito ang latest ni Clyde. Lalagpasan niya sana ang mga ito pero humarang ulit ang mga ito.

"Not so fast, girl," anang isang babae kasama ng girlfriend ni Clyde.

"Ano'ng kailangan ninyo?"

"Simple. Just answer our question. Ikaw ba si Nhica Marae?" tanong ng latest ni Clyde.

Hindi na siya ang pinag-uukulan ng pansin ni Clyde pero may mga haharang pa pala sa kanya. Nilinga niya ang paligid. Nasa likod sila ng malaking monumento na nasa harapan ng gate. At dahil maaga pa, wala pang gaanong pumapasok na estudyante. Kung gagawa man ng gulo ang mga ito, lagot talaga siya.

"Ako nga. Bakit--"

Pak!

Natigil ang pagsasalita niya nang lumagapak sa pisngi niya ang palad ng babaeng nagtanong sa kanya. Saglit siyang hindi nakahuma sa pagkabigla. Nasapo niya ang nasaktang pisngi.

"Not so brave ngayong wala si Clyde sa likod mo?" nakangising sabi nito.

"A-ano bang kasalanan ko sa inyo? Ano bang problema ninyo?" Unti-unti nang umaalsa ang galit niya.

Naniningkit ang mga mata ng babae nang tumingin sa kanya. "Nagtatanong ka pa? Ikaw! Ikaw ang problema ko! Dahil d'yan sa kalandian mo, nag-break kami ni Clyde!"

Ang kaalamang break na ito at si Clyde ay isang magandang balita para sa kanya. Pero ang malamang siya ang dahilan ay nakakapagpagulo ng utak.

"Ano 'ka mo? Nabibiro ka ba?"

"Mukha ba akong nagbibiro? Kulang pa sa iyo ang sampal na iyan."

Hindi siya nakaiwas nang umigkas ulit ang palad nito. Tumama iyon sa kabilang pisngi niya. Ramdam niyang mas malakas ang sampal na iyon kesa sa una.

Ano'ng karapatan nitong sampalin siya ng dalawang beses? Gaganti sana siya pero pinigil ng isa sa mga ito ang kamay niya. Hinablot ng isa ang naka-ponytail na buhok niya.

Before she knew it, pinagtutulungan na siya ng apat. Hindi siya makalaban. Ano nga bang laban niya sa apat na ito? Napaupo siya at tinakpan ang mukha. Kahit man lang mukha niya ay mailigtas niya sa matutulis na kuko ng mga ito.

The Rebel Slam 4: CLYDEWhere stories live. Discover now