File 50: Kiss you

11.8K 311 55
                                    

Sa bawat araw na lilipas, sinusulat lang ni Vhong lahat ng mga napapansin nya sa Vicerylle. Hindi man naiintindihan ni Vhong pero alam nya na kailangan lang nyang ipagpatuloy ang ginagawa nya dahil maaring makatulong sya para malaman na nga ni Karylle ang totoo.

Vhong: Hindi ko na maintindihan pero ang malinaw lang, nararamdaman kong mahal pa rin talaga ni Karylle si Vice

Masakit man kay Vhong na ipush pa rin ang vicerylle gaya ng inutos ni Billy sa kanya, hindi rin naman nya matiis si Karylle lalo na't alam nitong si Vice na lang talaga ang makakapagpasaya kay Karylle ngayon.

Vhong: Aalamin ko yung totoo para sayo kasi gusto kong maging masaya ka, Karylle.

~~~

Puyatan naman sa taping pero si Tintin at Karylle parang hindi tinatablan ng antok dahil patuloy pa rin ang chikahan.

Tintin: Anong plano natin?

Kumuha naman ng chips si Tintin at sinandal pa ang paa sa upuan. Si Karylle naman tahimik lang na nagiisip kung ano pa nga ba ang posibleng dahilan ng pagalis ni Vice ng walang paalam. 

Tintin: Dapat kasi tinatanong mo na lang si Vice ng hindi tayo nahihirapan

Karylle: Hindi nga effective yan kasi hindi rin naman nya sasabihin baka mapahiya lang ako

Depensa ni Karylle dahil sa totoo lang ayaw rin naman nya talagang tanungin si Vice kasi natatakot sya sa posibleng isagot nito kaya minabuti na lang nya na siya na lang mismo ang humanap ng dahilan kung bakit.

Biglang pumasok naman ang make-up artists ng dalawa para ayusan sila. Sila na naman kasi ang susunod na sasalang kaya naman kailangan ng maghanda.

Umupo na ng maayos si Tintin, ganun din naman si Karylle at pinagpatuloy ang paguusap habang inaayusan sila.

Karylle: Paano ba tayo magsisimula? 

Tintin: Sa totoo lang hindi ko talaga alam, ang hirap naman kasing hulaan ang nararamdaman ng isang tao lalo na't hindi malihim din yang si Vic... yang lalaking yan

Napabuntong hininga na lang si Karylle sa hirap ng sitwasyon niya ngayon. Habang inaayusan ng mga baklang hairstylist si Tintin at Karylle, nakaisip naman agad siya ng isang bright idea.

"Teh, anong gusto mo sa buhok mo ngayon? Kulot ba o straight natin? Pwede din itaas na lang dyan para chuk na lang "

Tintin: Fifi, may tanong ako, naaattract ka ba saken?

Si Fifi ang hairstylist ni Tintin, baklang-bakla ang kilos nito pero sa pananamit lalaking-lalaki tapos gwapo pa. Maputi at chinito, siya ang naisip ni Tintin na gawing sample sa bright idea niya na maaring makatulong kay Karylle.

Fifi: Kaloka ka teh! Anong tanong ba naman yan! Ew kadiri, yuck

Natawa naman si Karylle sa tinanong ni Tintin sa hairstylist niya at hindi maintindihan kung bakit ba naitanong ni Tintin yun.

Tintin: Kung maka-ew ka naman dyan akala mo may boobs!

Fifi: Grabe ka Tin ha! May boobs din ako, flat lang

Natawa naman si Karylle sa asaran ng dalawa, iba rin talaga si Tintin makisama sa kahit kanino, masyadong close lalo na sa mga kasamahan nya sa trabaho.

Tintin: Eh kay Karylle? Naaattract ka ba kay Karylle?

Napalingon naman si Fifi kay Karylle na napakaclueless sa pinagsasabi ni Tintin. Natahimik na lang si Fifi at minabuti na lang na hindi sumagot.

Tintin: Alam na this

Nanlaki naman ang mata ni Karylle sa reaksyon ni Fifi at tawang-tawa naman si Tintin sa baklang hairstylist niya.

Operation: Marry MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon