File 48: Never Give Up

13.3K 330 108
                                    

Billy: Sa lahat ng sinabi ko, alin ba dun ang hindi mo naintindihan?

Vhong: Lahat.

Ineexpect naman ni Billy na wala ngang naintindihan si Vhong sa mga nangyayari at ito ang magandang opportunity para matupad ang mga plano niya. Magkaroon ng isang taong tutulong sa kanya, isang tao na magsasagawa ng lahat ng plano niya. Isang tao na walang kamalay-malay at sobrang taas ng curiosity at yun ay wala ng iba kundi si Vhong.

Vhong: Di ko kasi nagegets eh, naguguluhan ako

Billy: Okay sige, tatanungin kita. Ano ba ang pagkakakilala mo kay Karylle?

Vhong: Ay yan, gets ko yan! Syempre si Karylle, maganda, simpleng joke lang pero pag siya yung nagdeliver ang cute-cute, tapos para siyang bata minsan--

Billy: Hindi ganyang description Vhong! I mean... what do you think of Karylle as a person? Sa tingin mo ba siya yung taong magpaplano ng masama laban sa iba?

Napaisip naman si Vhong sa sinabi ni Billy marahil ay tungkol ito sa mga plano ni Karylle na pinagtalunan nila nung nakaraan.

Vhong: Syempre hindi. Si Karylle yan eh, kahit kurutin ko pa yun ngayon baka magsorry pa saken.

Billy: Exactly... 

Pinatong naman ni Billy ang mga kamay niya sa braso ni Vhong dahil nasa tamang way lang siya kung paano ipapaliwanag kay Vhong ang mga napansin niya.

Billy: Kahit ano pa ang gawin ni Karylle, magbago yung pananamit niya, yung boses niya, yung itsura niya, siya pa rin yung dating Karylle. Siya pa rin si Karylle na hindi makakaisip ng masamang bagay sa iba lalo na sa mga taong malalapit sa kanya. And I think, her plans of taking revenge is not true. Parang pang-front lang pero hindi talaga yun ang plano.

Vhong: Huh?! Di ko gets.

Billy: It's the same thing on what we did before, yung planong iconvert si Vice.

Vhong: Pano mo naman yun nalaman?

Billy: Siguro kung sa ibang tao hindi nila yun mapapansin, but for us, alam mo sa sarili mong hindi magagawa ni K yun.

Tumango naman si Vhong kasi dun naman siya umaagree kay Billy. Kasi siya hindi rin talaga naniniwala na magagawa ni K yung maghiganti.

Billy: And that page 14 proved my conclusion about it.

Vhong: Ano meron dun?

Billy: Lahat ng sinabi ni Karylle kay Vice kanina, lahat yun totoo. She's asking for explanations. She wanna know the truth. Gustong malaman ni Karylle mismo kay Vice kung bakit siya iniwan nito noon. Tinanggap ni Karylle ang trabahong binigay ko dahil alam niyang ito na yung opportunity para malaman yung totoo at marinig kay Vice lahat.

Vhong: Bakit niya naman gagawin yun eh iniwan na nga siya sa kasal? Kung ako iniwan ng bride malamang...

Billy: Kung mahal mo yung tao, malamang anong gagawin mo?

Vhong: Syempre...deadma

Billy: That's my point, kagaya natin, alam ni Karylle na hindi yun gagawin ni Vice ng basta-basta lang dahil kilala niya si Vice. At kaya sinabi niya na maghihiganti siya para hindi natin mahulaan yung totoong plano niya but unfortunately, nahulaan na natin ngayon.

Vhong: Ahhhh nagegets ko na. Gustong malaman ni Karylle yung dahilan ng hindi pagsipot ni Vice sa kasal kaya siya pumayag na bumalik ulit. Kaya pala

Napangiti naman si Billy ng makitang unti-unti ng nabubuo ni Vhong yung mga bagay na gusto niyang iparating. Pero hindi na lang siya nagrereact masyado para hindi rin ito makahalata.

Operation: Marry MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon