File 4: Winter in Danger

26.3K 403 48
                                    

Location: Love and Theft Pastry Shop

Karylle: Ano po ba kailangan niyo sa akin?

Nagkatinginan naman si Billy at Vhong. Huminga nang malalim si Billy at pinaliwanag kay Karylle ang lahat.

Billy: Look at that man.

Tinuro ni Billy ang isang lalaki sa cashier, medyo may katabaan ng konti at katamtaman lang ang tangkad. Kung titingnan, baklang-bakla ang kilos nito.

Billy: Yan si Butch, a good friend of mine. Isa siya sa mga may-ari ng pastry shop na ito. Kung titingnan mo siya mula ulo hanggang paa, di ba walang bahid ng pagka-lalaki?

Karylle: Okay, anong meron?

Billy: He’s gay. But he has a girlfriend and he will soon to be a daddy and a husband in a month. I want my best friend to be like him.  Karylle, I’m offering you a job. I want you to convert my friend Jose from being gay to a real man.

Karylle: HA? ANO?

Billy: I know it sounds stupid, pero ikaw lang ang makakagawa nun wala ng iba. Yung nangyari sa inyo sa bar, at yung sa hotel. I know it really means a lot for him.

Karylle: TEKA LANG HA, TEKA! NAGUGULUHAN AKO. SINO SI JOSE?

Pakamot-kamot naman si Karylle sa ulo at inis na inis na.

Vhong: Si Jose yung tinatawag mong rapist.

Karylle: ANO?!

~~~

Dali-dali namang lumabas si Karylle sa pastry shop, hinabol naman siya ni Billy at Vhong. Naghahanap si Karylle ng taxi pero wala siyang mahanap kaya patuloy pa rin si Billy sa pagkumbinse sa kanya.

Billy: Please, I’m begging you. Trabaho ko ang nakakasalalay dito. Sana naman matulungan mo ko.

Hindi naman pinapansin ni Karylle si Billy at patuloy lang sa paglalakad at naghahanap ng taxi.

Billy: Look, kung papayag ka sa plano ko marami kang benefits na makukuha.

Vhong: Wow, ang galing, parang sss lang.

Billy: Please, try to read the contract first. Mahirap ba talagang magbigay ng isang chance?

 Wala pa ring reaksyon si Karylle ng bigla siyang hinila ni Billy. Sa sobrang inis ni Karylle, sumigaw siya.

Karylle: KAYO! KAYONG DALAWA ANG MAKINIG HA! Gusto niyo kong magkaron ng maayos na trabaho di ba?! OO, TRABAHO! Sinong tao ang tatanggi sa trabaho?

Nakakabingi ang sigaw ni Karylle kaya napatahimik ang dalawa.

Karylle: ABA, SUMAGOT KAYO!

Natigilan naman ang dalawa dahil masyadong seryoso na si Karylle at parang kumander na nanguutos sa mga alipin niya. Hindi naman makakibo ang dalawa at sumagot na lang.

Vhong and Billy: Wala. Wala po.

Karylle: Billy, kung trabaho lang go ako diyan! Kaso gusto niyo ko makipagflirt sa rapist ko? Nahihibang na ba kayo?!

Vhong: Hindi naman flirt, ano lang conv—

Karylle: SHUT UP! Hindi ikaw ang kausap ko!

Biglang natahimik naman si Vhong at tinakpan na lang ang bibig para hindi na siya makapagsalita pa dahil galit na si Karylle.

Karylle: At kung ipipilit niyo pa rin na bakla yang si Jose? Lalaki pa rin siya! Kayong dalawa, gusto ko lang sabihin sa inyo na hindi ako kaladkaring babae. Kung ano man yung nakita niyo nung isang linggo, nasa impluwensya ako ng alcohol at yang kaibigan niyo ang manyak na bakla!

Operation: Marry MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon