File 3: Initial V

27.2K 377 54
                                    

Two days before the Press Con

Pinili ni Billy na puntahan ulit si Vice dahil sa huling pagkakataon, kukumbinsihin niya ito sa mga plano ng lolo niya. Hindi niya alam kung anong mangyayari, kasi feeling niya ganun pa rin ang isasagot ni Vice sa kanya, hindi pa rin.

Papunta na si Billy sa dressing room ng may madaanan siyang photographer na nagaayos ng camera niya at may kausap na isa pang lalaki, reporter ata basta nagtatrabaho siya sa isang kilalang diyaryo.

Photographer: Basta brad, meron akong pictures ni Vice na nakikipaghalikan sa bar. Magagamit niyo 'to sa Press Con niya. Sigurado, papatok 'to sa diyaryo niyo.

Napatigil naman si Billy at nagtago sa likod ng pader para pakinggan ang sinasabi nung lalaki. Napahinto siya ng marinig ang pangalan ni Vice.

Reporter: Bakit kasi ayaw mong ipakita muna?

Photographer: Biglaan lang kasi yun kaya hirap akong kunan. Basta ibibigay ko sa inyo 'to, basta ba babayaran niyo ko?

Reporter: Oh sige, sige na! Basta nakakontrata ka na sa amin ha. Tatawagin ko lang yung kasama ko para maayos natin ang deal. Diyan ka lang, wag kang aalis!

Photographer: Oo! Hindi ko na 'to ibibigay sa iba. Kung di lang kita kaibigan eh.

Umalis na yung reporter at naiwan na lang yung photographer. Pangiti-ngiti ito at parang nakajackpot dahil sa pictures na nakunan niya.

Photographer: Hay, buti na lang sikat ka, kung hindi walang kwenta 'tong picture ko. Di ko mapapagkakitaan.

Inayos ni Billy yung coat niya at maya-maya ay biglang hinila sa kwelyo mula sa likod yung photographer at dinala sa isang sulok kung saan silang dalawa lang ang andun. Pinush naman ni Billy yung lalaki sa pader na hawak-hawak pa rin sa kwelyo nito. 

Takot na takot naman yung lalaki dahil kilala niya kung sino yung lalaking nasa harap niya. Masama naman ang tingin ni Billy sa photographer at parang susuntukin na niya ito.

Photographer: Sir, sir, pasensya na po. Trabaho lang talaga 'to.

Billy: So mukhang kilala mo naman ako di ba?

Napayuko na lang yung lalaki at hindi makapagsalita sa sobrang takot.

Billy: Ano yung hawak mo?

Photographer: Sir? Wala po, wala.

Billy: WALA?!

Photographer: Meron, meron pala! Napasabit sa kamay ko.

Nanginginig na sa takot yung photographer at nakita naman ni Billy na napalingon ito sa camera niya. Kinuha naman agad ni Billy yung camera, nung una ayaw ipahawak nung photographer pero dahil sa sobrang takot, nakuha na rin agad ito ni Billy.

Binitawan ni Billy yung photographer at tiningnan yung pictures na tinitingnan niya kanina pa. Yun yung mga stolen pictures ni Vice na nakikipaghalikan.

Nagulat naman si Billy sa mga pictures na nakita niya dahil hindi siya makapaniwala na nakikipaghalikan si Vice sa isang... BABAE.

Billy: San mo nakuha 'to? Edited ba 'to?

Photographer: Naku sir, hindi po ah! Siya talaga yan, nakita ng dalawang mata ko na mas malinaw pa sa lens ng camera ko. Nakita ko talaga siyang nakikipaghalikan diyan sa babaeng yan nung isang linggo!

Billy: Kilala mo ba kung sino yung nasa picture?

Photographer: Sir, hindi eh. Pero kapag nakita ko siya, sigurado makikilala ko kaagad.

Hindi naman makapaniwala si Billy pero mga ilang minuto lang, unti-unti na itong ngumingiti dahil may naiisip siyang magandang plano.

Billy: Magkano mo binebenta ang picture na 'to?

Operation: Marry MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon