File 23: No Doubts

18.6K 367 24
                                    

Vice: Iligpit niyo na yan.

Waiter: Sir?

Vice: Hindi mo ba ko narinig?

Waiter: Pero sir paano po kung dumating na si Miss Ka---

Vice: Sabi ko iligpit mo na yan kung ayaw niyong kayo ang ipaligpit ko!

Sa sobrang inis ni Vice umalis na siya sa resto at sumakay ng kotse. Sobrang nagalit si Vice sa ginawa ni Karylle dahil ilang oras siya nitong pinaghintay. Buti sana kung ito yung kauna-unahang beses na pinaghintay siya eh hindi.

~~~

Sa van,

Nakailang linis na si Karylle pero hanggang ngayon hindi pa rin niya makita ang notebook niya. Then, nalaman din niya na may ibang mga gamit pa rin pala siyang nawawala.

Karylle: Bat ganun? Parang nilalamon ng van na 'to mga gamit ko. Pati yung listahan ko, nawawala na.

Kinabukasan

Kakarating lang ni Karylle sa location nila. Nakaset na ang lahat at mukhang siya na lang ang hinihintay. Nakita naman niya si Vice at mukhang nakita rin naman siya nito. Ngumiti si Karylle pero hindi naman siya pinansin ni Vice at dumerecho na lang papasok ng tent.

Agad namang sinundan ni Karylle si Vice dahil alam niyang may kasalanan siya dito.

Pagpasok ni Karylle sa tent kaya ng makita siya ng ibang taong andun, eh lumabas na lang dahil mukhang seryosong maguusap ang dalawa. Pero deadma lang si Vice.

Nagpacute naman si Karylle sa likod ni Vice.

Karylle: Sorry na.

Hindi pa rin nagsasalita si Vice at hinahayaan lang magsalita si Karylle.

Karylle: Okay fine, hindi dapat kita pinaghintay ng ganun. Kaya lang masama talaga pakiramdam ko kagabi kaya hindi ako nakapunta. Sorry na.

Wala pa ring pakialam si Vice kaya sobrang naguguilty na si Karylle. Lumapit pa si Karylle para maging sincere ang pagsosorry niya.

Karylle: Sorry na talaga, sorry na Vice. Kausapin mo na ko. Kagabi ka pa hindi nagtetext.

Hindi na napigilan ni Karylle ang maiyak sa sobrang guilt.

Karylle: Alam ko naman yun, may karapatan ka namang magalit. Yung galit mo kaya kong tanggapin yun, pero sana Vice, sana mapatawad mo din ako sa lahat ng maling nagawa ko.

Agad namang inikot ni Vice yung upuan niya at laking gulat na malapit na pala yung pagmumukha ni Karylle sa kanya.

Vice: Ay jusko! Ano bang ginagawa mo diyan ha?!

Tinanggal naman ni Vice yung earphones at hinarap na si Karylle. Pinunasan naman ni Karylle yung luha niya.

Karylle: Ay? Kanina ka pa naka-earphones?

Vice: Bakit ba? Anong pake mo?

Huminga naman ng malalim si Karylle at kinausap na si Vice ng masinsinan.

Karylle: Sorry.

Tiningnan lang ni Vice si Karylle at walang reaksyon sa sinabi nito sabay tumalikod na lang ulit para umiwas.

Karylle: Vice, sorry na kasi.

Nilapag ni Vice yung earphones niya at naglaro na lang ng 2048 sa phone niya. Nainis naman si Karylle sa pangdedeadma ni Vice sa kanya.

Napakaimportante kasi kay Vice yung gabing yun tapos nineglect lang ni Karylle kaya ganun yung tampo niya.

Karylle: Okay fine! Ano ba yung kondisyon mo para mapatawad mo na ko?

Operation: Marry MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon