File 35: Mistaken

16.9K 353 86
                                    

Hospital

Mabuti na lang nadala agad ni Vice sa ospital si Karylle, naging maayos na rin naman ang kalagayan ni Karylle ngayon at nagpapahinga na lang sa kanyang kama habang si Vice nakaupo sa tapat mismo malapit sa kama ni Karylle at nagbabantay, tinititigan lang niya ito ng mabuti.

Nakalagay yung kamay ni Vice sa pagitan ng legs niya, hanggang ngayon kasi hindi pa rin siya nagpapalit ng damit, nakasuot pa rin ng pajamang basa at nakayapak pa rin. Ayaw niya kasing umuwi kasi alam niyang walang nagbabantay kay Karylle.

May dumating namang isang nurse, magchecheck ng vital signs.

Nagtataka naman yung nurse kasi mukhang baliw lang si Vice dahil sobrang intense ang pagtitig kay Karylle na akala mo mawawala ito any moment.

Nurse: Sir, excuse lang po.

Wala namang marinig si Vice at patuloy lang sa intense na pagbabantay kay Karylle.

Nurse: Ahm, sir, okay lang po ba kung dun muna kayo sa may side, magchecheck lang po ng vital signs kay Miss Tatlonghari.

Nadistract naman si Vice at mukhang narinig na yung nurse kaya nagmove siya ng konti para padaanin ito. Naglagay na ng thermometer yung nurse then nagcocount ng pulse rate. After, naglabas na rin siya ng equipment.

Vice: Teka, masakit ba yan? Baka masaktan si Karylle ko dyan ha.

Natawa naman yung nurse sa pagkaoa ni Vice.

Nurse: Ay sir, hindi po, magbiBP lang po ako.

Ilang saglit lang, dumating na rin si Billy kasama si Vhong. Nagulat naman sila ng makita si Vice sa loob.

Billy: What happened?

Medyo nairita naman si Vhong ng makita si Vice. Alam niya kasing may kinalaman na naman ito kung bakit nasa ospital ngayon si Karylle.

Billy: Bakit ganyan itsura mo? Anong nangyari kay Karylle? 

Hindi naman sumasagot si Vice kay Billy, makikitang medyo iba na ang pakikitungo nito after niyang malaman yung totoo.

Billy: Mabuti pa umuwi ka muna, magpahinga ka muna kami na lang bahala dito.

Sabay tinap ang balikat nito, masama naman ang tingin ni Vice sa pagkakahawak sa kanya ni Billy at tinanggal ito kaagad. Napansin naman yun ni Billy pero hindi na lang siya nagreact.

Vice: Kaya ko, ako na bahala kay Karylle.

Billy: Vice, wag ka ng makulit, kelangan mo ng umuwi.

Vice: Ayoko nga, bakit ba nakikialam ka pa?

Sa sobrang inis ni Vice, lumabas na lang siya saglit dahil naiirita na rin siya sa mga tao sa loob. Tulog pa rin naman si Karylle kaya okay lang din naman kung iwan niya ito saglit.

Billy: Hay Viceral, kung alam mo lang kung anong amoy mo ngayon.

Wala namang imik si Vhong at lumabas na lang din ng room ni Karylle.

~~~

Bumili naman ng mainit na kape si Vice, habang bumibili ang daming taong nakatingin sa kanya at nakikichismis.

Vice: Ano tinitingin-tingin mo?

"Wala. Wala po."

Vice: Oh, eh ano pa ginagawa mo dyan? Alis ka na.

Nagmadali namang umalis yung lalaking nakatingin kay Vice, at pabulong-bulong pa ito.

"Ang sungit, akala mo ang bango, mabaho naman."

Operation: Marry MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon