File 1: Intro

37.8K 517 67
                                    

Operation: Convert Me

Senior: I want Jose Marie the third, that’s my last wish. Matanda na ko para hintayin pang magbago ang isip mo baka hindi ko na maabutan ang apo ko.

Vice: WHAT?! Lolo naman, pano mangyayari yun? Bakla nga ako.

Senior: Gusto mo bang makita ang lolo mong mamatay na hindi man lang tinutupad ang munting kahilingan niya? Tandaan mong ikaw lang ang nagiisang anak at tagapagmana natin, kelangan mong magkaanak. Sinuportahan kita ng tumanggi ka maging presidente ng kumpanya natin, ngayon ba naman, tatanggi ka pa rin?

Vice: No, No, No!!! HINDI KO KAYA! Ew.

Nagwalk out na si Vice at tanging si Senior na lang ang naiwan sa opisina. Nadisappoint naman si Senior sa inasal ng apo niya kaya pinatawag niya ang secretary niya.

Senior: I want a grandson. Masyado na kong matanda, hindi ko na kayang kumbinsihin ang katigasan ng ulo niyang batang yan. Magagawa mo ba?

Nagbuntong-hininga naman si Billy at kinabahan sa sinabi ng matanda.

Billy: Ha? Sen—senior? Hindi po kami makakabuo. *tingin kay JJ niya*

Napakamot naman ng ulo si Senior dahil hindi naman yun ang gusto niyang sabihin. Binatukan niya si Billy dahil sa mga sinabi niya.

Senior: Syempre hindi sa’yo! Tulungan mo lang si Vice magkagusto sa mga babae. In that way, makakahanap siya ng taong makakasama niya habang buhay kahit bakla siya.

Billy: Ahhhh kinabahan ako dun ah!

Senior: Matutulungan mo ba ang kaibigan mo?

Billy: Hmmm oo naman sir. Pero susubukan ko lang po kasi medyo mahirap yung pinapagawa niyo.

Senior: I don’t care basta gawin mo na lang or else mawawalan ka na ng trabaho.

Billy: WHAAAAAAAAAAAAATTTTT?! 

Pinalabas na ni Senior si Billy. Gulat na gulat naman si Billy dahil kapalit pala ng pagtulong niya ay ang trabahong pinaghirapan niya. Mahirap para kay Billy na sundin ang mga inuutos ni Senior dahil kilala niya si Vice, alam niyang hindi papayag ito sa mga sasabihin niya.

Nagisip si Billy ng matinding plano para sa kaibigan.

NIGHT

Pumunta siya sa condo ni Vice, nagdoorbell siya at agad namang pinagbuksan siya ni Vice ng pinto. Medyo inaantok pa si Vice at pakusot-kusot pa ito ng mata, nakasuot ng white tees at nakaboxer shorts.

Halatang sobrang pagod si Vice marahil ay galing sa taping. Sikat na artista kasi si Vice pero hindi alam ng maraming tao na bakla siya, tanging pamilya niya lang ang nakakaalam at manager niya tsaka si Billy. Nilihim niya sa lahat ang pagiging bakla niya dahil alam niyang makakaapekto yun sa career niya.

Vice: Bakit? Billy kakarating ko lang, pagod ako.

Billy: galing taping?

Vice: Oo, ano ba yun? Kung pinapunta ka ni Senior para sabihing gusto niya ng apo, mabuti pa umalis ka na kasi wala talaga ako sa mood makipagtalo.

Billy: Ahm, no. Samahan mo ko, gusto kong lumabas.

Humiga naman si Vice sa kama niya, sinandal ang unan sa pagitan ng legs niya, naglagay ng unan sa ulo at nagtalukbong ng blanket. Halatang pagod na pagod dahil unti-unti ng bumibigay ang mga mata niya, hindi na niya kayang imulat pa.

Vice: Malaki ka na, ikaw na lang. Pagod talaga ko.

Pilit namang tinatanggal ni Billy ang blanket sa katawan ni Vice pero patuloy din si Vice sa paghila ng blanket niya pabalik. Sa ginagawa ni Billy, nabwiset naman si Vice.

Operation: Marry MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon