File 24: Good or Bad

20.2K 373 39
                                    

Papaalis na sana si Billy ng makasalubong niya si Vhong na mukhang may malaking problema.

Vhong: Pwede ba tayong magusap?

Dahil kitang-kita sa hitsura ni Vhong na problemado siya, hindi naman nagdalawang isip si BIlly para samahan ang kaibigan. Kahit naman nagtatrabaho si Karylle at Vhong sa kanya, eh tinuring na talaga niyang kaibigan yung dalawa.

Billy: So ano ba, ano bang problema?

Vhong: Itigil mo na.

Naguluhan naman si Billy sa sinabi ni Vhong.

Billy: Itigil ang alin?

Sobrang seryoso pa rin si Vhong pero si Billy, kalmado lang.

Vhong: Pakawalan mo na si Karylle. Ako na tatapos ng naiwan niyang trabaho basta ang importante makaalis na siya sa kasunduan niyo.

Billy: Anong sinasabi mo?

Vhong: Ibabalik ko na lahat ng nabigay mo sa akin kapalit ng lahat ng nabigay mo kay Karylle. Kahit magtrabaho ako ng walang sweldo gagawin ko, palayain mo lang si Karylle.

Mas lalong naguluhan si Billy kasi hindi niya talaga maintindihan kung saan nanggaling yung mga pinagsasabi ni Vhong sa kanya.

Billy: You know that I can't do that.

Vhong: Billy, nakikiusap ako. Alam mong sa huli, si Karylle lang yung maiiwan at masasaktan kaya mas makakabuti para sa kanya kung aalis na siya at babalik na siya sa dati niyang buhay.

Pinipigilan naman ni Vhong yung emosyon niya sa harap ni Billy.

Billy: Alam mo yung plano natin di ba? Wala naman akong nilihim sa inyo ni Karylle, bakit--

Vhong: Hindi na maganda itong plano na ito Billy, kaya nakikiusap na ko sa'yo, wag si Karylle. Wag mo na isama si Karylle dito. Masasaktan lang siya.

Billy: Why are you saying that? Stick lang tayo sa plano, pagkatapos nito makakasama din niya yung kapatid niya, magiging masaya sila. For now, medyo mahirap para sa ating lahat pero konting tiis lang at babalik din lahat sa normal. Si Vice--

Sa sobrang inis ni Vhong sa sitwasyon hindi na niya mapigilan ang mapikon kay Billy.

Vhong: Bakit ba puro na lang si Vice?! Bakit kailangang iadjust nating lahat ang buhay natin para lang maging masaya yang Vice na yan?!

Billy: Hindi naman sa ganun--

Vhong: Billy, ano ba?! Hindi mo ba nakikita, sa larong ginagawa natin ngayon, si Karylle lang yung talo kasi siya lang yung maiiwan magisa!

Hindi na rin macontrol ni Billy yung emosyon ni Vhong at para hindi na lumaki pa ang gulo, mas pinili niyang tapusin yung conversation nila.

Billy: Umuwi ka na, pagod lang yan.

Tumalikod na si Billy pagkatapos tapikin balikat ni Vhong.

 Vhong: Billy, nagkakagusto na si Karylle kay Vice at habang maaga pa, mas makakabuti kung ititigil na natin.

Natigilan naman si Billy sa sinabi ni Vhong dahil hindi rin niya inaasahan yun. Pero hindi na lang siya nagreact at dumerecho lang ng lakad papalayo.

Vhong: Ano ganun na lang? Wala ka ng gagawin? Hindi mo man lang tutulungan si Karylle? Kahit papano naman Billy, naging kaibigan mo rin siya tapos hahayaan mo lang siyang masaktan kapag kinailangan na niya talagang iwan si Vice?

Billy: Malaki na si Karylle, alam na niya kung ano ang pinapasok niya.

Mas lalong nainis si Vhong kay Billy unlike kanina na medyo kontrolado pa.

Operation: Marry MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon