File 13: Get Inside (part 2)

22.5K 374 58
                                    

A/N: Wala namang x rated dito pero may topic lang na medyo malaswa so babies lam niyo na, tulog na po. Tapos linawin ko lang po, walang nangyari dun sa sexy girl and kay Vice ha.

Vice: Karylle, mainit.

Pinuntahan naman ni Karylle si Vice na nakahiga sa kama. Nakita niya ang katawan ni Vice na may namumuong pawis, pati ang mukha nito na pinagpapawisan sa sobrang init. Nakabalik na si Karylle sa tamang pagiisip at sinimulang linisin ang lugar. 

Inayos niya yung blanket ni Vice at niligpit din yung mga iba pang nakakalat sa kwarto.Hinayaan lang niya si Vice na nakahubad habang nakahiga sa kama.

Vice: Hindi ko na kaya, mainit talaga Karylle.

Kumuha naman ng bimpo at shirt si Karylle sa closet ni Vice. Pinaupo naman ni Karylle si Vice at sinandal sa headboard ng kama ang ulo nito. Sabay pinunasan ng pawis at binihisan si Vice.

Vice: Ayokong magbihis, mainit nga.

Karylle: Hindi pwedeng nakahubad ka, baka magkasakit ka niyan.

Vice: Eh mainit nga Karylle! Mainit nga yung katawan ko.

Karylle: TATAMAAN KA SAKEN, SABING MAGBIHIS NGA EH!

HIndi na nagsalita si Vice at humiga na lang ulit sa kama niya. Naiinis naman si Karylle sa mga nangyayari dahil imbes na gumaan ang trabaho niya para atang mas lalong gumulo. Biglang tumunog naman ang phone ni Karylle kaya agad niya itong sinagot.

Nakatalikod lang si Karylle kay Vice na nakahiga.

Karylle: Billy?

Billy: Asan ka?

Karylle: Ha? Ahmmm, lumabas lang saglit pero pauwi na rin ako.

Billy: Ah ganun ba, aayain sana kita magdinner. Gusto mo ba daanan na kita?

Karylle: HA?! HINDI. Hindi na, inaantok na rin kasi ako kakatapos lang ng taping so baka umuwi na rin ako.

Billy: Oh sorry. Sige, magpahinga ka na. See you tomorrow.

Karylle: See you tom. Bye.

Nakahinga naman si Karylle ng ibaba na ni Billy yung phone. Ayaw niya kasi malaman pa ni Billy kung ano nangyari kay Vice kasi pag nalaman niya yun, tiyak magagalit na naman si Billy sa kanila ni Vhong.

Biglang may lumipad namang shirt sa harap ni Karylle. Nagulat naman siya ng makita ito.

Karylle: Ay oh, flying tshirt.

Pagkatapos lumipad ng shirt, sumunod naman ang boxers na napunta pa sa ibabaw ng lamp sa may right side ni Karylle.

Karylle: Flying boxers? Bakit may lumilipad na mga damit?

Syempre after ng boxers, meron pang isang lumipad. At laking gulat niya na mismong sa harap niya ito bumagsak. Pinulot naman ni Karylle yung nalaglag at ng itaas niya ito, mas nagulat pa siya sa nakita.

Karylle: OH GOD. FLYING BRIEF?! Teka, kanino ba itong mga dam--

Paglingon ni Karylle, laking gulat niya ng makita si Vice na nakaupo at nakahubad. Wala naman makita si Karylle na kahit ano kasi nakaupo ito tapos nakatalikod pa sa kanya. So meaning, likod lang ang nakikita niya.

Agad namang tumalikod ulit si Karylle at tinakpan ang mga mata niya. Mas lalo siyang naiinis kay Vice dahil hindi niya magets kung bakit ginagawa niya yung ganung klaseng bagay.

Karylle: What are you doing?! Pwede bang isuot mo ulit itong damit mo!

Tinapon ulit ni Karylle pabalik yung mga damit na pinalipad ni Vice pero hindi na lang ito pinansin ni Vice at parang sobrang busy sa ginagawa niya sa gilid.

Operation: Marry MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon