File 6: Love Me

26.5K 364 19
                                    

Unang dumating sila Karylle para sa look test nila ni Vice. Nasa isang studio sila para simulan ang kauna-unahang photoshoot nila as loveteam and especially first photoshoot din ito ni Karylle.

Billy: So that is what exactly the K I want to see. You look so beautiful today.

Karylle: Ano ka ba, alam ko, di mo kailangang sabihin.

Natawa naman si Vhong sa sinabi ni Karylle. Nakita niya si Vice na papasok kasama si Yuri kaya naman inakbayan niya si Billy at bumulong.

Vhong: Andito na siya.

Lumingon naman si Billy, agad inayos ang coat niya sabay nagbeso kay Yuri at binati din si Vice.

Billy: Ahm, Yuri can we talk for awhile?

Yuri: Oh yeah, of course. Iwan ko muna kayo ha.

Umalis na si Billy at Yuri. Napansin naman ni Vhong na silang tatlo na lang ni Vice ang natira kaya naman nagpaalam na rin siya na aalis muna para makapagsolo ang dalawa.

Vhong: Bili lang ako pagkain ha!

Tinapik naman ni Vhong sa likod si Vice sabay kumindat ng palihim kay Karylle without Vice noticing him.

Vhong: Brad, ingatan mo muna si Karylle.

Vice: Yeah.

Naiwan naman ang dalawa kaya walang magawa si Vice kung di ang sumimangot lang. Wala kasi siyang choice kundi pakisamahan si Karylle dahil sa naging usapan nila ni Yuri.

HIndi naman nagpapansinan ang dalawa ng biglang dumating na ang mga make-up artist nila para ayusan sila. Umupo na si Vice at si Karylle din who's sitting beside him.

Natapos na silang ayusan ng hindi man lang sila nag-uusap. Walang pakialaman at parang umaarte ang dalawa na walang nangyaring press conference nung isang araw kung saan inannounce ni Vice na girlfriend niya si Karylle.

Pagkatapos ng press conference nila, naging mainit naman ang pagtanggap ng mga tao dahil pinaguusapan na agad sila sa iba't-ibang social networking sites. Aware naman ang kanilang manager kaya hindi na nila pinagsisihan ang pagpapanggap na ginagawa ng dalawa.

Napagkasunduan na kasi ng dalawang kampo na magpapanggap ang dalawa na magkasintahan sa harap ng camera para maligtas si Vice sa issue niya noon at maibalik muli ang career niya. Kapalit nun ay ang pagsisimula din ng career ni Karylle. 

Vice: Hoy babae, girfriend na kita ha.

Karylle: Ha?

Vice: Simula ngayon girlfriend na kita sa ayaw at sa gusto mo.

Karylle: Are you on drugs?

Vice: Oo, nung pumayag akong maging girfriend ka.

Ilang saglit lang dumating na si Billy at Yuri na pangiti-ngiti pa.

Billy: Hay, Vice. Thank you for that! Akalain mong trending na agad kayo, ibang klase!

Yuri: Eh kasi iba naman talaga ang spark nung dalawa. There is something on them which makes people kilig.

Vice: Whatever.

Karylle: Teka, anong boyfriend, anong trending, ano bang nangyayari?

Yuri: I'm so happy, kayo na ni Vice officially! ang saya-saya talaga!

Karylle: HAAAAAAAA?!?!

Vice: feeling unlucky.

Tinap naman ni Billy ang likod ni Vice, sobrang saya ni Billy kaya naman ng mapansin ito ni Vice medyo nabawasan yung pagkaguilty niya dahil sa mga nagawa niya kay Billy.

Operation: Marry MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon