File 43: Deprivation

15.1K 381 100
                                    

"... It's not a good idea for us to talk again but what I'm sure of is, I want us to be friends."

Are you confirming that it's over?

"Yes. And kaya ako nagsalita kasi I think it's unfair to him na siya yung naiipit. I just wanted to clear his name, walang third party or kung ano mang panlolokong naganap sa akin. It's a mutual decision."

Posible bang dahilan yung tungkol sa pagamin ni Vice na bakla siya?

"Hindi. Walang ganun, walang issue sa akin yung ganun. I don't have rights to judge him. My love and respect for him is still there. Nothing changed."

Marami kasing balitang kumakalat na hindi daw totoo yung mga nilabas na bio ng KV tungkol sa'yo?

"Kung ano man yung kumakalat na balita, yes it's true."

So nagsinungaling ka sa totoong identity mo?

I did not lie to people. Kung ano man yung Karylle na nakita niyo, ako talaga yun. Wala namang ibang Karylle pa. Pero yun nga, kung may mga naiinis or baka may nasaktan ako sa ginawa ko, sorry. I'm sorry if I have to hide everything about myself may mga bagay lang talagang kailangang itago para protektahan. I want to protect my family, my brother. So kung ano man yung consequences nun, I have to face everything by myself. Walang kinalaman yung KV dun."

Maraming nagreact, maraming nagulat sa sinabi ni Karylle kahit si Billy hindi makapaniwala na pati yung tungkol dun eh sasabihin pa ni Karylle. Pinatigil na ni Billy ang nagaganap na interview. Parang nakahinga naman si Karylle pagkatapos dahil parang natapos na talaga lahat ng pagpapanggap niya. Kumbaga ito na talaga yung totoong siya na humaharap sa maraming tao.

Kanya-kanyang husga ang mga tao pero para kay Karylle hindi na importante yun, mas importante yung nagpapakatotoo na siya sa sarili niya.

Billy: Hey, I have something to tell you.

Karylle: Ano yun?

Billy: Tumawag si Diana, nawawala daw si Winter.

~~~

Napanuod naman ni Vice ang interview ni Karylle sa isang coffee shop. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon niya sa mga naging pag-amin nito pero naging masaya na rin siya para kay Karylle.

Papalabas na siya ng shop ng biglang may mapansing isang batang kulot na lalaki. Naka-uniform at backpack pa, naabutan niya itong nakikipagtalo sa isang taxi driver.

Driver: Eh san ba kita ihahatid?

...: Sa bahay nga.

Driver: San ba ang bahay niyo? Anong address?

...: Tanong mo kay Ate ko.

Driver: Kanina pa tayo paulit-ulit, sino ba kasing maniniwala na kapatid ka ni Karylle?! Hay nakung bata ka.

Natigil naman si Vice at tinitigan mabuti yung bata. Base sa itsura nito, may pagkakahawig nga kay Karylle.

...: Eh ikaw kaya makulit, sabing kapatid ko nga si Ate Karylle! Tingnan mo pa i.d ko.

Pinakita naman agad ng bata yung i.d niya at totoo nga na pareho sila ng apelyido ni Karylle.

Driver: Eh yun nga ang problema, sabi mo nawala i.d mo.

 Pakamot-kamot naman ng ulo si Winter at iritang-irita sa taxi driver. 

Driver: Gusto mo ihatid na lang kita sa pulis tapos pasundo ka sa ate mo?

Operation: Marry MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon