File 47: Find

12.5K 363 151
                                    

Vhong: Ayos ka lang? Kaya mong pumasok sa loob?

Karylle: Hindi.

Vhong: oh? Ipagpaliban na lang natin ito. Sabihi--

Karylle: Hindi na ko makapaghintay na makita siya. Let's make this day perfect...

Bumulong naman si Karylle sa langaw na kaharap niya para hindi marinig ni Vhong at Billy kung ano talaga yung plano niya.

Karylle: ...perfect for my revenge.

Dahan-dahang binuksan ni Karylle ang pinto. Kinakabahan naman si Vhong sa posibleng mangyari dahil alam niyang hindi komportable si Karylle. Napangiti na lang si Billy sa mga nangyayari.

Biglang natahimik ang buong paligid sa pagdating ng tatlo. Napalingon naman ang lahat ng makita si Karylle. Naexcite naman ang lahat pero si Karylle medyo naluluha at nakatuon ang atensyon sa isang lalaking nakatalikod. Base sa tindig nito, walang duda na siya nga yun.

Tintin: Kamusta?! 

Justin: Grabe, ibang-iba na talaga si Karylle oh. Parang dati, baliw-baliwan lang ito ngayon tingnan mo oh

Yuri: Hi K! 

Nagbeso naman si Yuri kay Karylle pero si Karylle parang walang naririnig.

Humarap na ang taong pinakahihintay niya, finally after three years ng biglaang pagkawala, nagkita ulit sila. Ngumiti na lang siya ng makita sila Karylle, Billy at Vhong na magkakasama. 

Lahat ng inaakala ni Karylle na itsura niya ay sobrang kakaiba sa nasa harap niya ngayon. Napakaaliwalas ng aura nito, mukhang masaya at walang lungkot o panghihinayang na nararamdaman. Mapapansing masaya ito sa buhay niya ngayon kumpara kay Karylle na hindi pa rin makalimutan ang mga nangyari sa kanya noon.

Vice: You're late again.

Natahimik naman ang lahat ng biglang nagsalita si Vice. Si Karylle naman parang masisiraan na ng bait at tanging si Vice na lang ata ang nakikita at naririnig niya. Tulala pa rin ito na nakahawak sa dibdib niya at kinakabahan.

Ngumiti naman si Vice ng makita si Karylle.

Vice: Hindi joke lang. San ba kayo galing tatlo?

Napaka-awkward naman ng sitwasyon dahil sa muling pagkikita ng dating magkasintahan pero parang wala lang kay Vice. Biglang nagsalita na si Billy para mawala ang katahimikan sa loob ng conference room.

Billy: May dinaanan lang. So ano, everyone is here? Pwede na magstart?

Vice: Agad-agad talaga...wala man lang introduce yourself.

Vhong: Kilala mo naman kami bakit may introduce yourself pa.

Sagot ni Vhong kay Vice since si Karylle, tulala lang at hindi nagsasalita. Pinagmamasdan lang ni Billy ang bawat nangyayari pati na rin ang mga kilos ni Karylle at makahulagang pagtitig nito kay Vice.

~~~

Middle of discussion ng story at roles, then yung script...

Justin: Cool! pati characters level up na.

"Iba talaga kapag si Billy yung naghahandle, kasi after mamatay ni Senior yung dating KV movies parang istoryang hindi pinagisipan."

Bulungan ng ibang casts.

"Hahahaha! That is so mean."

"Maganda naman yung iba kaso lang iba lang din talaga yung ngayon."

Tumatango naman lahat dahil base sa nakalatag na istorya, isang kaabang-abang na naman ito. Patuloy lang ang iba sa pagscan ng mga papers na hawak nila, si Karylle nakatitig pa rin kay Vice at never pang binuksan yung folder niya kung saan andun yung copy nung story and draft ng script.

Operation: Marry MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon