File 32: Worries

15.9K 359 88
                                    

Taping day

Tintin: Okay ka lang? Parang namumutla ka na.

Hinawakan naman ni Tintin yung noo ni Karylle at nagulat siya dahil sobrang init ni Karylle hindi dahil sa fertilizer, may sakit kasi siya.

Tintin: Karylle!

Karylle: Okay lang ako, kaya ko pa naman. Ilang scenes na lang din naman then pack up na.

Biglang pumasok naman si Vice sa tent nila Karylle at sa pagpasok ni Vice, lumabas naman si Tintin para magbigay ng space dun sa dalawa.

Tintin: Alis muna ko ha.

Pagkalabas ni Tintin, umiwas naman kaagad si Karylle at medyo nairita naman si Vice ng napansin niya itong umiwas. Sa isip-isip niya kasi medyo pakipot pa eh bibigay din naman yan sa huli dahil may trabaho siya kay Billy na kelangang gawin.

Hinatak niya ulit sa bewang si Karylle at pinaulanan ng halik mula sa likod.

Karylle: Vice, ano ba!

Vice: My loves, minsan lang naman ito eh.

Naiinis naman si Karylle dahil hanggang ngayon hindi pa rin naman niya nakakalimutan yung ginawa ni Vice nung isang linggo. Umiwas na naman si Karylle at ito ang naging dahilan para lalong mainis si Vice.

Vice: Bakit, may iba na ba?

Natawa naman si Karylle na may halong pagkapikon sa mga narinig niya. Kasi naman, mukhang siya pa yang binabaliktad ni Vice ngayon.

Vice: Sorry, pagod lang ako. Hindi ko dapat sinabi yun. 

Hindi pa rin nagsasalita si Karylle at hinihintay na si Vice yung unang magpaliwanag sa mga nangyari nung gabing yun. Pero dahil matigas si Vice, hindi siya magsasalita.

Vice: Can we go on a date?

Tahimik pa rin si Karylle, si Vice sinusubukang magpakasweet kay Karylle kahit sa totoo lang ayaw niya. Biglang niyakap ulit ni Vice si Karylle from the back sabay pinatong yung baba nito sa shoulder ni K.

Vice: Matagal na rin kasi tayong hindi lumalabas, kaya naisip ko bakit hindi tayo magdate ulit. Namimiss na kita.

Isang plastik na paanyaya ni Vice para lang matupad ang susunod niyang plano.

Ito ang plano: Yayain niya si Karylle sa isang date, isang tagong date sa dis-oras ng gabi. Tapos papaasahin lang niya si Karylle kasi hindi naman talaga siya sisipot sa date na yun. In short, paghihintayin niya si Karylle buong magdamag kapareho sa kung anong ginawa nito sa kanya noon, yung maghintay sa wala.

Sa paningin ni Karylle mukhang wala namang kaalam-alam si Vice sa mga nakita niya sa bar kaya naman pinalampas na lang ni Karylle ang mga nangyari para wala ng gulo. Umarte na parang walang nangyaring masama.

Vice: Sa park, gusto ko sa park tayo magkita. Alas otso ng gabi, baka hindi na kita masundo kasi may practice pa ko para sa concert ko. Malapit na yun di ba?

Karylle: Busy ka pala, eh bakit pa tayo magdedate?

Vice: Shhh ano ka ba, para sa'yo gagawa ako ng paraan. Hintayin mo ko dun, wag ka aalis hangga't hindi ako dumarating ha?

Karylle: Oo na. Pupunta na ko.

Vice: Bawal malate dahil tatamaan ka talaga.

Karylle: Hinding-hindi na ko malelate.

Ngumiti na naman si Vice dahil napa-oo na naman niya si Karylle. Kawawa naman si Karylle, medyo slow na nga mas lalo pang pinagmumukhang tanga ni Vice sa harap niya. Nagmumukhang desperada tuloy si Karylle. Bad.

Operation: Marry MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon