18: THE TRUTH WILL OUT

1.5K 77 9
                                    

AI

 

Lumulubog na ang araw. Malapit nang gumabi. Pinagmamasdan namin ang itinatayong bagong pader na ipantatakip sa butas na dulot ng bombang pinasabog ni Macky. Sa kabilang dulo ay nandoon ang mga carrier. Alam na nila ang mangyayari kapag hinawakan nila ang mga alambre sa fence na iyon. Alam na nila na ikakamatay nila ang paglagpas doon. Kaya ito sila, nakamasid sa amin. Galit ang nakikita ko sa kanilang mga mukha. Wala silang magawa ngunit ang kanilang mga puting mata ay nagbibigay ng babala.

Hindi pa tapos ang lahat.

“Nakakatakot na nagsisimula na silang matuto, noh?” sambit ni Shikko. “Napansin namin lalo noong naglalakbay pa lang kami papunta dito. Kalkulado ang kilos ng karamihan sa kanila at parang nag-uusap sila.”

Naalarma ako sa sinabi niya. “Nag-uusap?” pag-uulit ko.

“Hindi naman sa gumagamit sila ng salita. Alam natin na sa ating mga hindi infected sila nakakapagsalita pero hindi sa isa’t isa—which is weird— pero lately para bang may mental connection sila. Alam nila ang gagawin ng isa’t isa,” paliwanag niya.

“So ibig mong sabihin, nagsisimula na silang mag-evolve?” pagsisingit ni Ayen.

“Parang gano’n na nga,” sagot ni Shikko. Niyakap niya ang sarili. “Iniisip ko ngayon ang magiging kalagayan ni Hope. Gusto ko na siyang hanapin pero ayaw ni AJ. Kahit gustuhin niya man, delikado lalo na’t may kasama kaming hindi imortal.”

Tinutukoy niya si Kate, ang bata nilang kasama. “Kung papapiliin ka, hahanapin mo ba siya ngayon o hindi?”

“Wala akong pakialam kung ano’ng mangyari sa akin, mahanap ko lang ang best friend ko! Kung nagawa ko noon sa St. Padre Pio, magagawa ko ngayon. Iniisip ko na nga na umalis mamayang gabi para simulan na ang paghahanap sa kanya,” baling niya. Napapansin ko ang panginginig ng kanyang mga kamay pero ang ekspresyon ng kanyang mukha ay nagpapakita ng determinasyon. Gagawin niya talaga ang lahat para sa nawawalang kaibigan.

“Delikado, Shikko! Mas mahirap maghanap kapag gabi na!” wika ni Ayen. “Ipagpabukas na lang natin ang paghahanap. Tutulungan ka namin.”

“Habang tumatagal, nawawala ang pag-asa ko na makikita ko pa siya,” bulong ni Shikko.

“Para saan pa ang pangalan niyang Hope kung hindi ka maniniwala sa kakayahan niya,” baling ko. “Makikita din natin siya. Hindi tayo titigil hangga’t hindi kayo nagkakasama muli.”

“Maraming salamat.” Humarap muli si Shikko sa mga kalalakihang gumagawa panakip sa butas. “Gusto ko na talagang matapos ito. Kailan pa kaya mangyayari ‘yon?”

“Matagal-tagal pa,” bulong ni Ayen. Nagsimula siyang maglakad papalayo sa amin. “Pupuntahan ko muna sina Safe at Pia sa canteen. Sumunod na lang kayo kung gusto niyo.”

Tumango ako. Lumapit ako sa parte ng Building C na nasira. Wasak na ang pader na ito at kitang kita na ang mga kagamitan ng laboratoryo sa loob. Nang lumapit sa akin si Shikko, sinabi ko sa kanya, “Dahil sa nangyaring ito, made-delay ang paghahanap natin sa gamot.”

“Paano kung hindi natin mahahanap sa laboratoryo ang sagot?” aniya.

Napalingon ako sa kanya. Tila may pinapahiwatig siya sa katanungang ibinato niya. “Ano ang ibig mong sabihin?”

Nagkibit balikat ang lalaki. “Hindi ko alam. Naalala ko lang kasi ‘yong ikinuwento sa akin ni Rems. ‘Yong tungkol sa nakita niya sa Viral Library sa St. Padre Pio. Ayaw daw ni Dr. Theo na ipagbigay alam ito sa iba.”

“Ano ‘yon? Sabihin mo sa akin,” pag-uutos ko.

Bahagyang na-intimidate sa akin si Shikko dahil sa umatras siya. “Chill lang. Tinatakot mo a—”

Contagio (Pandemia #2)Where stories live. Discover now