30: ALL'S WELL THAT ENDS WRONG

1.7K 76 10
                                    

HOPE

Pangatlong beses ko na 'tong magtatangkang makatakas sa lugar na ito. Bagama’t alam kong mahirap ay malakas pa rin ang aking loob at paniniwala na matatakasan ko rin ang mga halimaw na namamalakad sa korporasyong ito. Nakapag-ipon na ako ng lakas, makakaya kong maisagawa at dapat gawin. Salamat na rin sa tulong ni Macky at bumalik na ako sa normal.

Akala ko ay katapusan ko na no’ng pasabugin ko ang parte ng isang laboratoryong ito. Walang pala akong takas dahil sa pagiging imortal ko. Ilang kemikal ang itinurok nila sa aking katawan upang mapanatilihing nanghihina ako at masiguro na hindi na muli akong makakatakas. Mahina man ang aking katawan ngunit lumalaban ang aking isipan. Pero wala pa ring kuwenta iyon. Wala pa rin akong laban sa kanila.

Nang malaman ko na ilalagak na nila ako sa unang stage ng Immortality Project, natanggap ko na katapusan ko na 'yon. Laking tuwa ko nang iligtas ako ni Macky at ilayo sa lugar na iyon kung saan puro puti ang karamihan sa aking nakikita. Laking pasasalamat ko na hindi pa naaayos ang mga surveillance camera dahil na rin sa virus na inilagay ni Matt. Mabilis kaming nakatago.

Napag-alaman ko na lang na isa pa lang imortal mula sa Salvador si Macky. Sinabi siya sa akin na nakuha siya noong naisipan nilang lumabas ng Salvador dahil sa kailangan nilang maghanap ng mapagkukunan ng langis at pagkain. Laking tuwa ko no’ng malaman ko na naroroon sina Ayen, Ai at Red. Naniniwala ako na nakarating na roon sina Shikko, Kate at AJ.

“Hindi ko hahayaan na mamatay tayong dalawa rito,” sabi sa akin ni Macky.

“Sana ay maging kampante ng mga sinasabi mo pero hindi,” bulong ko. “Ilang beses ko nang tinangka na makatakas dito pero walang nangyayari.”

“Kahit ano’ng mangyari, gagawa tayo ng paraan, Hope. Maniwala ka lang sa akin at sa sarili mo,” baling ni Macky.

Ginantihan ko siya ng pilit na ngiti. Sino ba naman ang magiging kampante sa sinasabi niya? Kahit na gano’n, hangga’t nandito kami sa loob, hindi ako mapapanatag. Hangga’t nananatili kaming buhay ay hindi ako mapapanatag.

Hindi ko na alam kung nasaang palapag na kami. Bagama’t maliwanag ang aming dinadaanan, wala namang makikitang kahit anong palatandaan kung nasaan na ba kami. Patuloy lamang kami sa pag-iikot suot ang mga karaniwang kasuotan ng mga agents at guwardiya rito sa loob ng Fumetsu Corporation—leather jacket at itim na pantalon para sa mga kababaihan at Armani suit para sa mga kalalakihan. Inaamin ko na natatawa ako no’ng umpisa nang makita ko ang kanilang mga kasuotan. Pero ngayon? Hamak na takot lamang ang nararamdaman ko sa tuwing nakakaharap ko sila.

Sila kasi ang tipo ng mga tao na kahit mukhang disente at mabait, may itinatagong kasamaan. Ang mga ganoon ay hindi binabaliwala. Ngayon ay naka-disguise kami bilang sila at sa tulong na rin ng mga shades na kanilang ginagamit ay naitatago namin ang aming gintong mga mata.

Napadpad kami sa isang area kung saan may mga metal na pinto ang mga silid. Hindi ito katulad ng iba na pawang gumagamit ng fingerprint detector para lamang magbukas. Kailangang ikutin ang mga nagsisilbing knob nito at magagawa nang makapasok sa loob.

Mas lalong napukaw ang kuryosidad namin dahil sa aming nakitang palatandaan malapit sa mga pintong ito. IMMORTALITY PROJECT. Doon namin napagtanto na rito isasagawa ang mga plano para sa mga imortal na katulad namin: ang pag-aralan kami at gawin ang kung anong gusto nila kahit na kapalit nito ay ang buhay namin.

“Kailangan ba nating halubigin ang lugar na ito? Mukhang hindi ko kakayanin ang makikita ko rito,” wika ko.

“Kailangan nating gawin ito. Mas mabuti kung masisira natin ang mga pasilidad dito para tuluyan natin matigil ang kanilang binabalak,” sagot ni Macky.

Contagio (Pandemia #2)Where stories live. Discover now