14: DO YOU HEAR WHAT I HEAR?

1.5K 74 16
                                    

RED

 

Nasaan ka?

Ililigtas ka namin.

Susugod na kami.

Idinilat ko ang aking mga mata at malabo ang aking nakikita. Nakakaramdam ako ng pagkahilo at panghihina. Pakiramdam ko ay parang may umuubos ng lakas ng aking katawan. Kasabay pa ng mga boses sa aking isipan, hindi ko mawari kung ano nga ba ang nangyayari na sa akin. Ang daming boses na nagsasalita na para bang ang lapit nila. Puro bulong. Minsan ay pautal-utal. Gumagalaw sila. Alam kong gusto nilang makausap ako.

Ngunit sino sila? Anong kailangan nila sa akin? Bakit nila ako ililigtas? Paano nila ako nakakausap gamit ang isipan lamang?

Umayos ang paningin ko at napagtanto ko na nasa loob ako ng isang kotse, nakaupo sa backseat. Tinignan ko ang aking sarili. Inaasahan ko na nakagapos ang aking mga kamay at paa. May tela din na mahigpit na nakalagay sa pagitan ng aking mga labi. Pinilit kong gumawa ng ingay ngunit mga pag-ungol lamang ang nagagawa ko. Kapansin-pansin din na puno ng dugo ang suot kong puting damit at blue jeans. Alam kong sa puntong ‘yon, isa pa rin akong carrier.

Pero paano ko pa nagagawang makapag-isip ng maayos? Tila walang problema sa akin maliban sa pananakit ng aking katawan at pagdurugo ng aking bibig, ilong at mata. Nasa tamang katinuan pa rin ako. Walang pagbabago dulot ng pagiging carrier ko.

Napansin ko na umaandar ‘tong kotse kung nasaan ako ngayon. Pinagtuunan ko ng pansin ang nagmamaneho ng kotse. Mukhang pamilyar. Nang tumingin iyon sa rearview mirror ng kotse at nakita ko ang ginto niyang mga mata at mahabang buhok, alam ko na kung sino siya.

Si Macky.

Sinubukan kong sumugod sa kanya pero bumagsak lamang ako sa sahig ng kotse. Napailing ako dahil sa pagtama ng aking kanang balikat. Naramdaman ko ang pagtigil ng kotse. Tumingala ako at nakita ko siya na nakasilip sa akin. Tinanggal niya ang telang pumupigil sa akin para makapagsalita.

Ngumisi siya. “Anong kailangan mo, Red?” tanong niya.

“Bakit mo ‘to ginagawa sa akin?” tanong ko.

“Nakakagulat na nakakapagsalita ka pa rin ng diretso. Mukha ka pang normal kahit na alam ng lahat na carrier ka na. Bakit kaya?” tugon niya.

“Hindi mo sinagot ang tanong ko,” baling ko. “Anong kailangan mo sa akin? Saan tayo papunta? Anong plano mo?”

Tila napaisip pa si Macky. “Hhhmmm. Pag-iisipan ko pa. Hindi pa rin kasi ako titigl hangga’t hindi ko pa napapatay lahat ng miyembro ng konseho ng Salvador. Sa ngayon, bahala silang mamroblema sa pagpasok ng mga carriers sa Salvador,” sagot niya sabay tawa ng malakas.

“ Anong ginawa mo, Macky?” Pinilit kong tumayo mula sa pagkakabagsak ko. Muli akong umupo sa backseat at sumilip sa likod ng sasakyan.

Bumungad sa akin ang sirang pader ng Salvador. Kung susumahin, kasinglapad ito ng dalawang truck ng bombero. Doo’y naglalakad papasok ng naturang lugar ang mga carrier na para bang imbitado sila sa Salvador. Kahit sa malayo’y nakikita ko ang kaguluhan sa loob. Naalala ko ang mga kasamahan ko. Sina Ayen at iba pa.

Kinalampag ko ang salamin ng koste gamit ang aking ulo at nagsisigaw, “AYEN! AYEN!” Humarap ako kay Macky nang may poot na nararamdaman. “Bakit mo sila gustong patayin?! Anong ginawa nila sa’yo para gawin ito?! Imortal ka pa namang ituring pero ano? Hinahamak mo na ang iba dahil sa hindi ka na katulad nila!”

“Oh please, Red. Hindi ito dahil sa pagiging imortal ko. May mga bagay na dapat nilang pagbayaran. Pangalawang parte pa lang ito ng paniningil ko,” sagot ni Macky.

Contagio (Pandemia #2)Where stories live. Discover now