Contagio (Pandemia #2)

8.5K 173 28
                                    

WARNING: THIS IS A RAW/UNEDITED VERSION. EXPECT TYPOGRAPHICAL AND GRAMMATICAL ERRORS AS YOU READ THIS STORY.  




PROLOGUE

Sa taong 2030, isang malaking kaganapan ang sumira sa mundong kinagagalawan ng tao, isang pagbagsak na bunga ng mga pinakamatalinong hayop sa lahat: ang tao. Mula sa 205,000,000 na bilang ng tao, umabot na lang sa higit 1,000 ang nabubuhay pa sa Pilipinas, isang malaking kabawasan sa dating malaking bilang ng nabubuhay dito.

Nagpapatuloy pa rin ang itinuturing na delubyo sa Pilipinas. Maraming bilang ng mga carriers ang gumagala sa Kamaynilaan, naghahanap ng posibleng atakihin upang hawaan o kaya naman ay patayin. Wala nang pumoprotekta sa siyudad dahil sa bumagsak na rin ang walang kwentang kapulisan at army ng bansa. Kahit na may tulong pa mula sa ibang bansa ay hindi pa rin nito mapigilan ang patuloy na kumakalat na lagim. Para itong kadiliman na mabilis sumasakop sa paligid. Kasing itim ng gabi, kasing misteryoso ng dilim.

Maraming sirang kotse ang makikitang nakatigil sa kalsada. Maraming gusali ang nasusunog at patuloy na pagsabog ang maririnig. Sa gitna na mga ingay na ito, maririnig ang pag-ungol ng mga taong nagpasukob sa sakit, gumagala kahit saan at nag-iiwan ng dugo sa dinadaanan. Ang iba naman ay hindi na kinakaya at humahandusay na lamang sa sahig, hanggang abutin ng ilang araw. Ang mga katawan nila ay unti-unti natutunaw at naglalabas ng kakaibang amoy na hindi kakayanin ng isang normal na tao. Ilang araw lang ang lilipas at magiging isang malaking bolyum ng pulang likido ang bangkay.

Sa gitna ng malaking kaguluhan, nakatayo ang Fumetsu Corporation, isang kompanya na nagsimula ng lahat. Isa itong nag-iisang abanteng gusali na mayroong tatlumpong palapag kung saan nakatira ang karamihan sa mga makapangyarihan na tao hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa Japan din. Matatag itong nakatayo at protektado sa malalaking lupon ng mga carriers na gustong pasukin ang gusali. Napapaligiran ito ng isang malaking pader na umaabot ang taas sa kalahati ng gusali.

Sa isang silid sa ikatatlumpong palapag ng gusali ay nakatanaw sa labas ng isang parisukat na salamin ang isang lalaki. Nakatago siya sa dilim kung kaya't hindi makita ang kanyang mukha. Walang ilaw sa loob ng silid, tanging ilaw lamang mula sa loob mataas na pader kung saan nandoon ng gusali ang siyang nagbibigay ng kaunting liwanag sa silid. Nakasuot ito ng armani suit at matipunong nakatindig. Natutuwa siya sa kaguluhang nakikita niya sa labas.

May lumapit na isang lalaki. Hindi rin makita ang kanyang mukha ngunit base sa kanyang kasuotan ay isa itong lalaking siyentipiko. May hawak siyang medical board. Dahan-dahan siyang lumabas sa lalaking nakatanaw sa labas. "Boss, nakabalik na po ang tatlong agents na ipinadala niyo sa St. Padre Pio Medical Hospital," wika niya.

"Good. Mamaya ko na sila kakausapin," wika ng lalaki. "Anong report nila?"

Tumingin sa hawak na medical board ang siyentipiko. "Uhm, nagawa po nilang makuha ang tatlo sa sampung imortal na kabataan na hinahanap natin."

Tatlo lang nakuha nila. Gusto ng lalaki na makuha ang natitirang pito, buhay man o patay. "Ayun lang ba?" tanong niya.

Naglipat ng pahina ang siyentipiko. "May nakita din po silang grupo ng mga militante sa isang parte ng ospital. Hindi na po nila nagawang pigilan dahil sa armado ang mga ito. Sa tingin po nila ay may kasama itong iba pang imortal. Inaalam na po nila ngayon kung sino sila at nasaan sila nagtatago," sagot niya.

"Kailangan nilang bilisan dahil hindi na ako makapaghintay pa. Kailangang mapasaakin na ang sampung imortal sa lalong madaling panahon." Nais nang gawin ng lalaki ang kanyang mga plano. Ayaw niyang magka-aberya ito.

Contagio (Pandemia #2)Where stories live. Discover now