7: GRAVE NEW WORLD

1.9K 75 2
                                    

SHIKKO

Nakalayo kami. Hindi ko alam na masisilayan ko muli ang araw sa labas. Wala na kami sa St. Padre Pio Medical Hospital. Wala na rin kami sa Fumetsu Corporation. Masisilayan ko ang labas nang wala man lang carriers sa paligid.

Masaya ako na magagawa namin ito ngayon. Wala girantiya na magtatagal ang maliligayang sandaling ito. Darating din ang araw na kakailanganin naming magtago o lumipat muli. Sa ngayon ay nilulubos ko ang pakiramdam ng sinag ng araw sa aking balat.

Nasaan likod kami ng isang tahanan sa isang liblib na subdibisyon. May maliit na bukirin doon. Kasalukuyan kaming nakatayo doon at nananalangin habang nakatingin sa ginawa naming libingan ni Dr. Theo. Iyon lamang ang magagawa namin sa ngayon. Naubos na ang mga luha na dapat iiyak namin. Kasalukuyang katahimikan lamang ang aming maibibigay sa dating kaibigan.

Binitawan ni AJ ang hawak na pala at lumuhod sa tabi ng puntod ng kaibigan. "Masaya kami na nakilala ka namin," wika niya. "Huwag kang mag-alala. Ipaghihiganti namin ang ginawa niya sa'yo. Magbabayad siya sa kaniyang ginawa."

Tumayo siya at tumabi ang bestfriend ko sa kanyang. Niyakap siya nito mula sa likod. Tumabi ako kay AJ at ngumiti sa kanya. Bumalik ang tingin ko sa pinaglibingan ni Dr. Theo. Naisip ko ang iba naming nakasama na namatay. Masaya na kaya sila sa kung nasaan sila ngayon? Sana, oo. Naisip ko rin sina Red. Alam kong nasa ligtas silang mga kamay. Sana ay walang mangyari sa kanila.

"Kailangan nating pumasok na. Baka may carrier na makakita sa atin ngayon," sabi ko.

Tumungo lamang ang dalawa kong kasama. Nagsimula kaming maglakad papasok sa tahanan na kasalukuyan naming tinataguan ngayon. Nang makarating kami sa subdivision na ito ay halos walang laman na carriers. Naubos na naming lahat ang mga iyon at isinara ang gates upang mapigilan ang pagpasok ng ibang carriers ngunit hindi iyon kasiguraduhan. Nag-iingat pa rin kami kapag lalabas.

Pagpasok namin sa likurang pintuan, agad na umalis si AJ at umakyat ng hagdanan. Alam namin na nais niyang mapag-isa. Isang araw pa lang ang nakakalipas nang malaman namin na patay na si Dr. Theo.

Pumunta kami si Hope sa sala at umupo sa itim na couch doon. Niyakap ako ng aking best friend at inilagi ang kanyang ulo sa aking balikat. Sa ilang minuto ay walang nagsalita sa amin. Walang gustong magsalita. Ayaw kong magsalita sa takot na baka umiyak ako muli.

Ngunit nagmatapang na lang ako. Masyadong awkward na ang katahimikang ito. "Makakarating din tayo sa Salvador. Makikita natin silang muli," bulong ko.

"Kung madali lang talagang lumibot dito nang walang makakaharap na carriers, madali lang sana ang lahat pero hindi," sagot ni Hope. "Sana huwag lang tayong makita ng mga taga-Fumetsu."

"Ako ang bahala diyan, friend. Master of disguise ata ako," sabi ko sa kanya.

Hinampas niya ako sa braso sabay tawa. "Seryoso ako eh, nagbibiro ka pa diyan."

"Bakit ba? Ang mga dyosang katulad natin, mahirap hanapin. Kahit anong gawin nila, hindi nila tayo makikita," wika ko.

Napakunot ng noo si Hope. "Paano si AJ?" tanong niya.

Kunwari pa'y nag-iisip ako. "Teka lang. Kung boyfriend mo siya, sakop siya ng kapangyarihan mo. Hindi na rin siya makikita."

Tumawa si Hope. "Loka ka talaga." Bigla ay natahimik siya. Napansin ko na parang may iniisip siya. Humigpit ang yakap niya sa akin. "May nami-miss ka ba?"

Nagulat ako sa kanyang tanong. "Of course, marami. Namimiss ko ang mga magulang ko. Namimiss ko ang mga kaibigan natin. Namimiss ko ang mga pinupuntahan nating lugar. Hinihiling ko nga na sana'y magawa muli natin ang mga iyon. Ikaw?"

Contagio (Pandemia #2)Where stories live. Discover now