11th Paper

2.6K 69 2
                                    

11th Paper

Graduation Heartbreak

Kung ang dahilan ni Drian sa pagtatampo niya ngayon ay ang pagka-miss niya sa cotillion ay walang problema. Aba, pwedeng pwede ko siyang isayaw ngayon din. Kahit ilang beses pa, at kahit saan. Hindi ako mapapagod basta 'wag na siyang magtampo sa akin. O diba, parang ako pa iyong lalaking ma-effort.

"Nagtatampo ka pa rin ba?" Malumanay kong tanong. Ala-singko na ng umaga at pauwi pa lang kami mula sa graduation ball party.

"Hindi ako nagtatampo. That's just for the weak guys." Walang emosyon niyang sabi.

Weak guys? Sus. Nagtatampo 'yan eh!

"You know, we can still dance-"

"What for, Jesca? Tapos na ang grad ball. So just shut up."

Napanguso ako. Ang sungit talaga nitong hubby ko. Hmp. nag-expect pa naman ako kagabi na sasabihan niya akong, "Jesca, you're beautiful." Sabay kanta ng I think I'm falling, falling in love with you. And I don't, I don't know what to do... Mga ganyan ba. Tapos happily ever after na.

"I heard mom and Tita Ciela wants to talk to us tonight. Tingin ko ay college matters iyon and I just want to remind you that we're back on the previous plan: Not agreeing with them."

Umungol lang ako at sumandal. Masyado pa akong pagod para isipin iyon. At isa pa, wala namang pagbabago sa gusto ko. Gusto ko pa ring mag-engineering at kahit na magsama pa kami ni Drian sa iisang bubong over college days ay okay lang. Dagdag motivation din iyon, ano. Araw araw akong busog. Araw araw inspired. Heehee.

But kidding aside, wala ng kaso sa akin ang gusto nina mama. I'm always okay about their decisions dahil kahit anong gawin ko ay masaya pa rin ako sa buhay. Ewan ko pero talagang ganito na, happiness over anything.

Pagkapasok ko ng kwarto ay nahagilap pa ng mata ko ang 10 ways on how to make Drian fall in love with me na nakadikit sa itaas ng dingding kung saan nakadikit ang kama ko. Ang absurd talaga ng idea kaya mas lalo akong inantok. Mabilis akong naghilamos pero siniguro kong wala ng katiting na cosmetics ang natira sa mukha ko. At kahit hindi na gabi ay sa Pajama pa rin ako nagpalit para matulog.

Sa baba ng temperature ng kwarto ko ay napasobra ako sa tulog. Hindi ako nakapag-alarm sa sobrang antok ko kanina at ngayo'y ala-tres na ng hapon. Pagkagising ko ay hinang hina ako dahil sa maling pagtulog at aftershock sa pagod mula sa pagpa-party kagabi.

"Gising ka na pala, eh. Wala na akong role sa buhay ko kundi ang tawagin ka para lumabas ng kwarto mo." Masungit na sabi ni Nil. "Lunch time downstairs, ate."

Malakas ang pagkakasara ng pinto ni Nil. Kagulat much. Tumayo na ako para magsuklay. Mamaya na lang ako maliligo.

"Mama!" Napatakbo ako palabas ng dining room. Napatakip ako sa mukha ko dahil sa kahihiyan. Nandito na pala sina Drian at Tita Lai! Wala manlang nagsabi! Nakakahiya! Kailangan ko na palang maligo. Like ermegersh!

"Jesca, halika nga rito! Ngayon ka pa ba mahihiya?" Sigaw ni mama mula sa loob.

Napairap ako. Okay, maganda naman ako.

I stomped through the dining room at umupo sa tabi ni Nil. Inangat ko ang mukha ko at tinignan si Drian. Nakatingin siya sa akin habang kumakain. At tulad ng palagi ay wala siyang significant expression na nakapaskil sa mukha. Simple glance, iyon lang. Pero hindi ko mapigilang manigas dahil hanggang ngayon ay nakatingin pa rin siya sa akin.

Teka, baka may muta ako!!!

"Jesca, uuwi ang papa mo bukas."

"Seryoso, mama?!!" Tumayo si Nil para magtatalon. Na-delay ang excitement ko dahil sa paunang pagre-react ni Nil kaysa sa akin na akong sinabihan.

MASH Romantic (Chase Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon