Chapter 26 - The Prince Charming and The Ogre

10K 320 57
                                    

"Oh...oh...saglit--" Kinorner niya agad ako pagbukas na pagbukas ko ng pinto at niyakap ng mahigpit. "I missed you too." Natatawang sabi ko na lang sa kanya. He kissed my head.





"I missed you. Can I just tie you on my bed and lock you up in my room so that whenever I come home I will find you there everyday?"






"That is creepy and scary, Ezekiel." Tiningnan niya lang ako na para bang naoffend siya sa sinabi ko. "But the thought that you want to imply is sweet. Masyadong possessive lang ang idea mo."






May narinig kaming tumikhim at sabay kaming lumingon sa kinaroroonan ni Hannah.






"Ibahay mo na kasi si Niel, Zeke. Ang bagal mo lang talagang lalake ka." Nakatawa si Hannah. Umiling lang ako sa sinabi niya. Ngiting-ngiti naman si Ezekiel. "Oh ano naman masasabi mo sa itsura ni Niel. Ako nag-ayos sa kanya."






Lumayo si Ezekiel ng kaunti sa akin at tiningnan lang ang mukha ko. Hinawakan pa niya ang baba ko at iniangat ang mukha ko.






"Very pretty." Nag-init naman ang mukha ko sa sinabi niya. Kaagad kong tinanggal ang kamay niya sa mukha ko. "But I think she doesn't need any makeup at all she is beautiful even without it."







"Naman, Zeke. Ngayon alam ko na kung bakit nainlove sa'yo ang kaibigan ko. Napakamabulaklak ng dila mo."






"What mabulaklak ng dila?" Natawa ako.







"Magaling ka raw mambola." Sabi ko.







"Hey I'm not. I am stating a fact. I know how beautiful my girl is."






"Good, Zeke because I don't want my Niel to have someone who think of her less. So anong oras kayo uuwi? Iuuwi mo pa ba ang kaibigan ko?"







"Uuwi ako Hannah." Inirapan ko siya. Kung anu-ano kasing sinasabi niya.







"Naku, Zeke, sinasabi ko sa'yo i-take home mo na 'yan baka may iba pang makauna--"







"Hannah!" Saway ko sa kanya. Tinaasan ni Ezekiel ng kilay si Hannah. Pinandilatan ko naman ng mata ang kaibigan ko.







"I'll bring her back home, Hannah. See you." Hinawakan niya ako sa may bewang at inalalayang maglakad palabas. Hindi man magkasundo noon una ang dalawa at hindi ko rin masasabi na magkasundong-magkasundo na sila ngayon pero natutuwa ako sa effort nilang dalawa na pakitunguhan ang isa't isa.







"Bye, Hannah. Thank you. Huwag mo ng ichain yun pinto ha." Silip ko at paalam ko sa kanya.






"Ezekiel is very handsome but he is still a freak." Sign language pa sa akin ni Hannah. Natawa ako.







"Ano iyon?" Tanong niya.






"Ang gwapo mo raw sabi ni Hannah." Kinindatan pa niya ako. Well, given na talaga na gwapo siya pero iba kasi ang dating niya ngayon. Nakathree piece suit na naman siya gaya noon birthday niya at iba ang appeal niya kapag nakaganito siya.






"You are beautiful yourself too. I know the dress suits you well." Ngumiti ako sa kanya. Dinner and dance party ng kumpanya niya ang pupuntahan namin at black tie ang theme ng event. Balak ko sanang suotin ang sinuot ko noon birthday niya pero pinigilan ako ni Hannah. Nagtanong ako kay Ezekiel kung ano bang dapat kong suotin at sinabi niya na may nabili na siyang susuotin ko na kasabay niyang binili kasama ng damit niya. Ayoko pang pumayag ng una at nagtampo pa siya sa akin noon pero sa huli ay pumayag na ako pero sa isang kondisyon, babayaran ko ang damit na binili niya sa akin. Ayaw ni Ezekiel but I insisted and I won.







Always The Second BestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon